Chapter 3 - Mascot
After kong maligo, sinigurado kong matatapos ako ng mabilis sa pagbi-bihis dahil ayaw kong masuwag ng nagnga-ngalit na toro. Bumaba ako agad sa sala at na datnan ko naman si Ali na masayang nanonood ng TV at nakaupo na akala mo ay prinsesa. Komportable s'yang nanonood at paminsan-misan ay ngumingiti pa. Akala ko ba nagmamadali kami?? eh parang siyang-siya s'ya sa ginagawa n'yang panood ng TV eh??.
"Oh akala ko ba late na tayo?? eh bakit nakatunganga ka pa d'yan sa harapan ng TV??" Siryosong tanong ko sa kanya habang nakakunot ang nuo. Haha. Aasarin ko muna to para naman gumanda ang umaga ko. . (^__^) V .
"Aba, at ikaw pa talaga ang may ganang gumanyan ngayon?? baka nakakalimutan mong pinagantay mo ako ng halos isang oras dito sa inyo kaya may atraso ka pa sa akin." Matapang n'yang sabi. Pansin ko ang pagpula ng pisngi n'ya. Senyales yun na galit na s'ya. Ang Cute. .(^__^). .
"Oo na sige. Tara na, umalis na tayo ng matigil na yang kakadada ng bunganga mo. Ke-agaaga nag-aambag ka ng Air Polution." Pang-aalaska ko sa kanya. Haha. Panigurado, konting-konti nalang talaga bi-bingo na ako sa kanya. Nakita ko naman s'yang inilagay yung kamay n'ya sa bandang bibig n'ya. Siguro inamoy n'ya yung hininga n'ya kaya natigil s'ya sa pagsa-salita. Sigurno inamoy n'ya yung hininga n'ya kaya natigil s'ya sa pagsasalita.
"Ha!! hoy ang kapal mo hindi naman ah!!" Bakas na bakas sa muka n'ya ang pagka-batrip kaya bago pa ako tamaan ay mabuti pang umalis na kami.
"Utu-uto. Haha. Sige tara na alis na tayo. Teka ... nadala mo na ba yung urine sample mo?? baka mamaya eh kapag nadon na tayo staka ka palang iihi??" Baka kasi kung kelan nandon na kami tsaka s'ya magku-kumahog umih dahil wala s'yang dalang urine sample.
"Hoy wag mo nga akong itulad sayo. Dati akong Star at Girl Scout kaya lagi akong handa." Sabi n'ya na may halong pagma-mayabang.
"O s'ya, sya sige na ikaw na ang handa kaya sumakay kana sa kotse para makaalis na at makarating na tayo sa clinic." Sabi ko pa tapos pumasok na sa loob at umupo sa Driver's seat.
"K fine!!" Sabi naman n'ya at pumasok na sa loob at umupo sa tabi ko.
Ini-start ko yung engine na kotse tapos tuluyan na kaming umalis. Malapit lang naman yung clinic eh actually kalapit baranggay lang naman at along Dr. A Santos Ave. lang yun kaya di s'ya kalayuan. Parang HP ata yung name nung clinic na yun, ay ewan di pa naman ako matandain.
Habang nasa byahe kami ay walang umimik sa amin. Panigurado badtrip parin yan sakin at kapag ako ang nag-start ng conversation at may nasabi akong ikaka-asar at ikaka-galit n'ya ay paniguradong babalik naman kami dun sa issue tungkol sa pag-iintay n'ya ng almost one hour.
Nabasag yung katahimikan sa loob ng kotse nung bigla s'yang nagsalita.
"Oy Akee, hinto muna tayo sandali, nagugutom na kasi ako eh!!" Sabi n'ya sa akin. Napatingin ako sa bintana at nakita ko naman ang isang branch ng Jollibee sa tabi ng Munisipyo. Kaya pala, nandito pala kami sa paborito n'yang kainan.
"Hoy Ali, bakit ba gusto mo pang bumaba at sa loob kumain pa mismo eh kung pwede namang mag-drivethrough nalang." Pagmamaktok ko. Tama naman ako diba?? pwede naman kaming mag-drivethrough para dito kumain sa loob at hindi na kami mahirapang pumila.
"Eh bakit ba?? marunong ka pa sa akin eh hindi naman ikaw ang nagugutom." Pabalang na sagot n'ya. Wala na akong nagawa, napilitan na akong mag-park sa harap ng building at hindi ko inaasahan na mapapatingin ako sa mascot nila sa entrance. May bigla tuloy akong naalala.
BINABASA MO ANG
MY LAST 30DAYS WITH YOU.
HumorUnang nagkita sina MARKEE at ROSALYN sa rooftop. They met under an unusual situation. Siguro kapalaran narin ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nilang dalawa. hindi inakala ni MARKEE na ang Mommy nya at ang Mommy ni ROSALYN ay "Mag bestfri...