Magkapatid

16 2 0
                                    

2017 Update. Sorry po napahtanto ko na little by little uunahin ko muna tong i-update before yung iba kong stories so ayun po. Salamat po sa mga magbabasa. Thank you so much!

____________________________________

Daphne's POV

*Alarm's Ring*

Pink bed, white curtains, am I in a princess room? Why everything is light?

*Door Knock*

"Daphne? Hija? Gising na. Monday ngayon, di ka pa din ba papasok sa school?"

Agad akong napabangon at napakamot sa ulo ko. Oo nga pala, It's been 2 days since lumipat ako sa bahay ni tita Vivian at dito na tumira. Bakit ba di pa din nagsi-sink in sa utak ko ang lahat.

"Gising na po ako tita. Papasok po ako today don't worry po." Sagot ko.

"Okay sige, maghanda ka na at kumain na sa baba okay?"

"Opo, susunod po ako."

Tumayo na ako naghilamos at naligo. Hinanda ko na din ang mga gamit ko sa school at teka? Bakit kumpleto yung make up kit ko?

Shoot! Daphne binilhan ka ni tita ng new outfits and some girl stuffs kahapon tanda mo na?

Napailing na lang at naligo na. After an hour ng pagaayos ay bumaba na ako at pumunta ng kusina. Naabutan ko na tahimik na kumakain si Khalil samantalang si tita hinahanda yung kakainin ko. Awkwardly akong umupo sa katapat na upuan ni Khalil and I'm trying to look at him.

Duh Daphne! As if namang titingin sayo yan? In past 2 days nga di ka man lang nya tinitingnan diba? Aasa ka pa ba? Wag tanga.

"Anong oras pala ang pasok mo Daphne?" Tanong ni tita.

"Pareho lang-- ah, I mean. Mga 9am po tita."

Enough Daphne, why always trying to get his attention. Halatang halata ka na girl. Dapat ipakita mo sa kanya na di ka ganun kabaliw sa kanya kahit na Oo talaga. Sighed.

"9am din ang pasok ni Khalil, gusto mo bang sumabay sa kanya? Nagko-commute lang sya using subway kasi mas mabilis dun."

"Ah di na po ako sasabay tita. Nakakahiya po." Baka mamaya nyan ano na namang isipin ng lalakeng to.

"Bakit ka naman mahihiya? Magkapatid naman kayo from now on."

MAGKAPATID?
M-A-G-K-A-P-A-T-I-D kami?

Napangiwi ako sa sinabi ni tita kasabay nun ay ang bahagyang pag smirk ni Khalil.

Wow naman, from past 2 days wala akong nakikitang emosyon nya tapos ngayon may pangingiti pa sya ng nakakaloko dyan. Argh!

"Saka isa pa, bago ka pa lang sa lugar namin kaya si Khalil na muna ang magtuturo sayo ng dadaanan mo araw araw papasok sa school."

"Ah tita, thanks but no thanks na lang po. Kaya ko naman pong mag-isa." Baka mamaya nyan maiyak pa ako kasi bigla nya akong tawaging sis habang papasok kami.

My gosh, what happened? This is not what I'm dreaming. I don't like it.

"It's fine. I'll lead you the way just for this day." Sagot ni Khalil sabay inom sa Chocolate drink nya.

Tumayo na sya at lumabas na ng kusina.

Okay? Anong nangyari? Is he trying to be kind naman sakin? Well. Hindi ko alam. Hindi ko sya maintindihan. Dapat ba akong maniwala dun?

Mayamaya pa ay umalis na kami at naglakad na kami palabas ng subdivision. Di naman kalayuan ang sakayan ng bus pa subway. Habang naglalakad kami wala syang imik ako naman medyo dalawang tao ang distansya ko sa kanya kasi baka kung ano na naman ang isipin nya sakin.

Nung nasa bus na kami, di nya ako tinabihan. Napairap na lang ako at nakinig na lang ng music sa phone ko. Mayamaya pa ay nasa terminal na kami ng subway, maraminf tao at medyo siksikan nung pumasok kami pero ang loko lokong Khalil di man lang ako tinabihan. Di man lang ba nya naisip na baka hipuan ako sa subway di man lang ba nya ako poprotektahan?

Ano Daphne? Boyfriend lang? Wag kang mag-demand. As if namang may pakealam sayo yan.

Sabi naman na kasi sayo Daphne eh. Magmove on ka na din. Makinig ka naman kay Bettina kahit ngayon lang. It's for your own good. Look ni hindi ka man lang magawang tingnan ng lalaki nyan tapos aasa ka pa sa kanya? Sighed.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa station kung saan konting lakad lang papuntang University. Nauna syang nakalabas at again di man lang ako nilingon. Umiling na lang ako at naglakad palabas pero bigla na lang akong natulak ng mga taong papasok ng subway.

Crap! Masasaraduhan ako! Help!

"Teka sandali po padaan po muna. Lalabas po ako." Sigaw ko ng bahagya pero tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok. Pinilit ko namang isiksik ang sarili ko hanggang sa may humawak sa kamay ko at hinila ako palabas.

Nagulat na lang sa nangyari. Nakita ko ng nakasara na yung door ng subway at paalis na.

"So stupid. Why just standing there and got stranded?" Galit na tanong nya.

"Aba teka nga, bakit mo ba ako sinisisi? Ikaw nga tong di mo man lang ako inaalala na hello? May kasama ka po diba?" Inis na sagot ko sa kanya.

He smirked. "Sana pala di na lang kita binalikan. Babagal-bagal ka kasi tapos isisisi mo pa sakin? Funny." He said at tinalikuran na naman ako.

Okay. Why I didn't say thank you eh may punto naman sya dun. Hay nako Daphne, you are always careless. Ngayon kailangan mong mag-sorry at mag-thank you sa kanya.

"Pero, kasalanan din naman nya kung bakit ako naipit ah." Bulong ko.

Pero, hinawakan nya yung kamay ko? Teka...

Loading....

Hinawakan nya yung kamay ko!? Ay hala Daphne slow ka talaga. Oo hinawakan nya at niligtas ka nya. Oh ayan happy ka na ba?

"Daphne, magsorry ka na lang mamayang after class."

*Sa Classroom*

All eyes on me when I walk in at ang tanging tao lang naman na yumakap sakin ay si Bettina.

"Buti pumasok ka na Daphne at okay na okay ka na. San ka pala nakatira ngayon? Pinuntahan kita sa inyo pero walang tao. Kwento ka naman." Said Bettina.

"Teka kalma tayo, upo muna tayo at sasabihin ko lahat sayo."

Pagkaupo namin ay agad kong kinuwento lahat sa kanya ang nangyari mula sa pag ampon sakin ni tita Vivian hanggang sa nangyari kanina samin ni Khalil sa subway.

"EH? Ang liit nga naman talaga ng mundo no at parang sumasang-ayon sa mga kagagahan mo. So ano? Kinikilig ka na naman. Ayan na naman tayo sa mga kwento mo anout sa kanya kasi everyday na kayo magkasama at, Sigurado akong di ko magugustuhan na pumunta sa inyo. Hmp."

"Secret lang natin lahat to Bettina, tinatago ko lang sa lahat kasi actually ayoko namang panghimasukan ang buhay ni Khalil no. Okay na ako sa iisang bahay lang kami as... magkapatid daw sabi ni tita." Biglang sabi ko na parang maiiyak.

Humalaklak naman si Bettina. "Ang cute ng destiny nyo, as brothers and sisters."

Napairap naman ako sa kanya. "Ang supportive mo talaga ano. Sige lang, isampal mo pa sakin bes ayos lang ako bes. Ayos lang!"

"Nakakatawa naman kasi. Siguro may rason kung bakit kayo nilagay sa sitwasyon na yan."

"Ano naman yun?"

"Pawang katotohanan lang to Daphne pero feeling ko, yun ay para mawala na yung feelings mo para sa kanya."

Napatahimik na lang ako sa sinabi ni Bettina.

What if she's right? Kaya nga ba?

____________________________________

Done! Pls leave any comments and feedbacks at the comment box.

God bless you all!
-Emina

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon