445 29 24
                                    

Author's Note:

Kung iniisip niyong masyadong seryoso yung flow ng story. Hehehehe. Hindi.

Medyo spg yung ibang scene. THIS IS PURE FICTION IN SHORT GAWA-GAWA LANG NG MANYAK-- ESTE CUTE KONG UTAK. Si Chanyeol po ay masyadong budoy para maging demonyo at si Baekhyun ay baklitang mahilig sa pwit kaya hindi siya anghel. Geh. Babayu.

Promise ang corny niya baka masuka kayo.

***

Chanyeol's POV

Ngayong araw na ito, may nanakit na naman kay Baekhyun. Sa muling pagkakataon ay may nambugbog na naman sa kaniya. At ang mas kinaiinisan ko pa, muntik niyang halayin ang pinakamamahal ko. Buti na lang demonyo ako. Mas demonyo pa ako sa demonyong lasinggerong yun.

Kaya heto ako, mag-hihiganti ulit para sa kaniya.

Gabing gabi na at sinusundan ko siyang mag-lakad mag-isa sa isang eskenita. Ngingisi-ngisi pa ito na para bang wala siyang ginawa kanina. Gago, yun nga lang, mas gago ako.

Nag-hulog ako ng isang balahibo sa ulo niya. Kinuha naman niya ito pero binalewala lang niya. Kaya nag-hulog pa ulit ako.

"Tangina ano ba'to?! Gabing gabi na may ibon pa din!"

Ibon? Mukhang magiging maganda kapag nakita niya mismo ang tinatawag niyang ibon.

"S-sino ka?! Hahahaha! Alam mo boy, umuwi ka na lang. Mukha kang tanga dahil diyan sa costume mo. Hahaha!" Tama, nag-pakita ako sa kaniya.

Ngumisi ako lalo. Sige, tumawa ka lang. Mamaya lang ay iiyak at mag-mamakaawa ka.

Lumapit ako sa kaniya at sinakal siya sa leeg. Sa sobrang lakas ay inangat ko na ang buo niyang katawan sa lupa.

A-ano k-ka b-ba? S-sino k-ka?!" Aba, nagagawa niya pang makapagsalita. Mukhang kulang pa itong ginagawa ko. Kulang na kulang.

"Hindi ako ibon. Lalo namang hindi ako anghel. Dahil miski ako, hindi naniniwala sa mga anghel." Pagkatapos nun ay hinagis ko siya ng malakas dahilan para tumama sa isang pader.

"T-tulung..Tulungan n-niyo ko.. L-lumayo ka.. Halimaw! H-halimaw!" Buhay pa rin? Gusto niya talagang maging madugo ang pagkamatay niya.

Lahat ng nakapaligid na bato ay pinagalaw ko. Lahat sila ay lumulutang sa ere at nag-aabang na tumama sa lalaking nasa harapan ko. (a/n: corny ko ba? sorry naman T_T)

Sige, mag-makaawa ka pa. Umiyak ka pa. Gusto kong marinig ang pag-hihirap mo.

"Mas masahol pa ako sa halimaw. Isa akong demonyo. Kaya ngayon pa lang, iniimbitahan na kita sa pinanggalingan ko. Sa impyerno." Inangat ko pa siya ulit sa lupa gamit ang kapangyarihan ko at hinampas ulit ng malakas sa pader.

"T-tama na.. P-paki..Paki..usap.."

"Huli ka na. Nagawa mo na ang bagay na mag-lalapit sayo sa huli mong hantungan. Magkita-kita na lang tayo sa impyerno."

Lahat ng batong pinagalaw ko kanina ay tumama sa kaniya. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na tumatama sa kung saan-saang parte ng katawan niya. Pero bakit ganun? Buhay pa din siya.

Kumuha ako ng isang balahibo mula sa pakpak ko at sa isang iglap, naging kutsilyo ito.

"Makasalanan ang mga kamay mo. Dapat na silang putulin." At ginawa ko ang sinabi ko. Sigaw lang siya ng sigaw pero wala siyang laban dahil mas makapangyarihan ako kumpara sa kaniya.

"Napakaingay mo." Nairita na ako kaya sinaksak ko sa bibig niya ang isa sa mga naputol niyang kamay. Napakaganda sa paningin ang makita siyang nag-hihirap.

Devil In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon