Prologue
Andito ako ngayon sa isang hotel sa Cebu, kung saan kasalukuyang ginaganap ang aming highschool reunion. Simple reunion lang to na exclusive lang sa batch namin.
Nakaupo lang ako sa isang table dahil may hinihintay ako. Ang tagal naman niya. Sabi niya kanina on the way na siya, ehh.
Nagulat ako nang may tumabi sa'kin.
Asus. Akala ko pa naman siya na. Psh!
Si Vincent lang pala, isa sa mga kaklase ko noong highschool. Ang gwapo pa rin ng mokong na to. Ngumiti siya and i smiled back. Nagkamustahan kami at nagchikahan.
"Bebe, kamusta na yung kinakaadikan mo dating idol mo na si Daniel Padilla?" Tanong ni Vincent.
Magsasalita na sana ako nang may biglang humawak sa bewang ko at humalik sa cheeks ko.
"Sorry babe, I'm late."
Napangiti ako dahil boses nya pa lang kinikilig na ako. Bago ko lumingon napansin ko rin na napanganga at halatang gulat na gulat si Vincent na tinititigan lang ang tao sa likod ko. Paglingon ko ay hinalikan ko na rin ang cheeks niya.
"It's okaay babe, what's important is you're here. Thank you." Sagot ko sa kanya at ngumiti nang pinaka-sweet na ngiti na makakaya ko.
Ngumiti rin sa'kin si Daniel at umupo sa kabilang tabi ko. At simulang nung dumating siya naging mas hyper at mas masaya na ang party.
Ako si Kathryn Chandria Bernado.
Normal, simple teenager. Isang Fangirl.
Dating Fangirl na super in love sa idol niya.
Dating Fangirl na hindi inaasahan ang mga pangyayari sa buhay niya.
Pero ngayon. Iba na. Dahil ako?
Ako ang babaeng kinababaliwan ng dating idol ko.
Ako ang babaeng kinaiinlaban ng idol ng lahat ng mga teenage girls sa buong bansa.
AKO ang tunay na iniibig ng nag-iisang TEEN KING ng Pilipinas.
I'm Kathryn
AND
I
AM
THE
TEEN KING'S REAL GIRLFRIEND. :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
First Kathniel FanFic ko. Alam ko parang typical fanfic na to pero i hope supportahan niyo pa rin. I made this in memory of my sister. Charoot! Dedicated sa sister ko to, adiik rin kasi siya kay Daniel, ehh :)
At habang nagsisimula pa to. Basahin niyo na rin ang isa ko pang story. Look Before You Fall. True story po yun. Nasa works ko po :)
BINABASA MO ANG
I'm the TEEN KING'S REAL GIRLFRIEND
Teen FictionFangirl ka ba? Paano kung isang araw malaman mo na iisa lang pala ang tadhana ninyo ng idol mo?