Andito ako ngayon sa kwarto ko. Sa study table, to be exact. Gumagawa ng assignment at nagbabasa na rin ng notes.
Hep hep hep! Alam ko iniisip niyo.
HINDI. AKO. NERD!
Kung may study table at gumagawa ng assignment at nag-aadvance reading, NERD agad? Hindi ba pwedeng pinapahalagahan lang ang pag-aaral?
Mahal kaya tuition sa school namin. Nasa private school ako pero hindi kami mayaman, sakto lang. Yung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral at meron ding mga utang.
Teka nga, bat ba napunta tayo sa utang? Aish! Nakakapagod naman tung pinaggagagawa ko.
Makapag-twitter na nga lang. Baka online si Daniel, my beb, my hero, my inspiration, my everything, pinakagwapo, pinakahot, Padilla. Ang haba naman, Beb na nga lang. Hihi. Hart.hart. Ang hartrut! Haha
Ang gwapo niya talaga, nakakaloka. Grabe! Haaay! Ang gwapo na, ang bait pa at higit sa lahat, kahit napakasikat na nga niya napaka-humble pa rin. Ideal man talaga. Kaya ang dami niyang fans, ehh.
Kaya ang swerte nung Kate Santana na yun, e. Feeling ko nga sila na. Ang sweet-sweet kasi nila sa isa't-isa. Kahit sabihin nilang MU lang sila, parang hindi, e.
Oyy! Nga pala, pakilala muna ako. Hehe
Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Kat for short. Nangangarap maging isang super model. Physical features ko? Morena. Sexy. Mahaba ang buhok. Maganda. Maganda. At higit sa lahat MAGANDA. Na.describe ko na ata lahat ng kailangan nyong malaman sa'kin.
Ay! May nakalimutan pala ako. Ang pinaka-importante sa lahat. Kung gusto niyo ako maging kaibigan, eto lang ang magiging paraan para maging super close agad tayo. Eto lang ang tanging way. Siya lang dapat ang maging topic. Dahil ako ay isang Certified Daniel Padilla Fangirl. :D
Yes, you heard it right. Adik ako sa nag-iisang Teen King ng Pilipinas. Kaya kung fan rin kayo ni Daniel? Magiging super BFF talaga tayo. Hart-hart ko na kayo agad. :D
Sa totoo lang, hindi na man talaga ako fan ni Daniel Padilla, e. Actually, hate na hate ko talaga siya. Lalo na nung payat pa siya?
Nakakadiri. Gwapo siya peru parang jeje. Yucks!
Ngunit nagising na lang ako isang araw na gustong-gusto ko na siya. Hindi ko alam kung paano, kelan, saan at bakit pero naging fan na lang niya ako.
Actually, alam ko talaga kung kelan at saan. Pero yung paano at bakit? Siguro meant to be lang.
-Flashback-
Sunday ngayon. Walang pasok at nanonood lang ako ng palabas sa TV. Nakita ko na ang susunod na peperform ay ang jeje at payat na Daniel Padilla na yun at sasayaw pa daw cya.
Seryoso? Yung lampayatot na yun sasayaw? Marunong ba naman cyang sumayaw? Baka naman mabalian lang siya nang buto nyan huh?!
Inintroduce na siya at nung iba pa niyang kasama sa isang pang-jeje na palabas.
Ililipat ko sana yung chanel kasi nakakadiri lang siyang tignanan. Like ulk!
Pero nung lumabas na siya, bigla na lang akong nanigas sa kinauupuan ko.
Oh my! Is this real?
Dandandan Daniel John. Dandandan sarap ng real. Lasap na lasap, real na real, real na real. Dandandan Daniel John.
Daniel Padilla is now super effin hot!
Hindi naman siya masyadong magaling sumayaw pero seryoso! Ang hot, hot, hot, as in hotness overload, na talaga siya.
Hindi ko na nilipat pa ang chanel dahil nagugustuhan ko na ang nakikita ko.
Ang gwapo niya. Ang hot niya. Idol ko na siya. Promise!
-End of flashback-
At simula nung araw na yun. Naging fan na fan na niya ako.
Lahat ng posters niya meron ako. Lahat ng social networking account niya fina-follow ko. Lahat ng videos niya sa youtube, pinanood ko, meron pa ngang iba na dinownload ko dahil sa sobrang tuwa at kilig.
Lahat ng tweets niya rine-retweet at fine-favorite ko rin. May reply pa nga minsan, e. Nagbabakasakaling mapansin naman niya ako kahit alam ko'ng napaka-imposible na nun.
Pero dahil fangirl na nya ako ngayon, wala ang salitang 'give up' sa vocabulary ko.
Matapos kong i-check lahat ng social media account ni DJ, naghanda na ko para matulog.
Tomorrow is another day. Sana may mangyaring maganda. 😊
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Short na muna ang mga laman ng chappie ngayon ha? Intro pa naman kasi to ehh!! Wala pa tayo sa peak ng story. :D
Basahin niyo na rin ang isa ko pang story. Look Before You Fall. True story po yun.
Nasa works ko po :)Matagal pa po ang susunod na update. :D
BINABASA MO ANG
I'm the TEEN KING'S REAL GIRLFRIEND
Teen FictionFangirl ka ba? Paano kung isang araw malaman mo na iisa lang pala ang tadhana ninyo ng idol mo?