Kinalabit ako ni Larra na nasa tabi ko na dahil napahinto rin siya. "Kat, sigurado ba ang beauty natin dito? Makikita pa ba natin ang beb mo sa lagay na 'to?"Kaya ko to. Fan Girl ako diba? Teen King ang idol ko. Kasama sa sakripisyo to.
"Malaki ang tiwala ko na makikita ko ang beb ko dito. Wala nang atrasan to, Lar." puno ng positivity na sagot ko sa kanya.
Sabay kaming nagbuntong hininga at sinimulan nang maglakad through the sea of girls. Grabe talaga ang beb ko. Ang gwapo, daming chicks, e!
We settled in a not so far yet not so close part of the stage sa event center. Makikita pa naman ang stage dito, as of now, ewan ko lang talaga later. Mukhang matatabunan na kami pag dumating na si beb kasi magsisiksikan na 'to. Ang pandak ko pa naman. Sana nag-heels ako. Tss.
"I never dreamed of this day to come Kat. Na mapapalibutan ako ng super duper filthy creatures na ambabaho. Seriously, naliligo pa ba ang mga babaeng to? Tsaka, san na ba ang aircon dito? Ang init." bulong sa'kin ni Larrabel.
Haaay! Tiis-ganda lang, parte talaga ng sakripisyo to. I just rolled my eyes at her. Although totoo naman talaga. Hindi nakaya ng aircon ng mall ang mga tao. sobra kasing dami at sobrang siskip. Pero i can do this. All for the sake of my beb.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!"
"Ay! Ano ba yun!" Gulat na bulalas ni Larra na nagtetext lng sa selpon niya.
"SEEEEB! Andyan na ata si Beb ko. OMG!" Kinakabahang na may halong excitement na sigaw ko.
May bigla kasing sumigaw na girl sa part na dadaanan ng entrance at exit nina Beb at Kate. Baka andyan na nga sila. Ang ingay at nagkakagulo na kasi ang mga tao sa banda dun, e.
Titingnan ko na sana para naman makita ko nang magsalita ang host sa stage.
"Excited na excited talaga tayo no? Ahm, kalma lang po muna. Papunta pa lang po ang KateNiel dito. Kakatapos pa lang ho ng show nila sa kabilang mall." Ani ng host.
"Aaaaaaawwwwweeeee" sabay-sabay na sambit ng mga fans.
"Ha! Nalungkot! Masyado kasing excited e, wala pa naman." Bulong ni Larra.
"Syempre no. Tsss. Ano ba yan! Ang hilig man-trip ng mga tao. Tsssss." Pagmamaktol ko.
Binaling ko na lang ulit ang attensyon ko sa selpon ko. Nakiki-wifi kasi ako sa SM para malaman ko kung may tweet ba sina Beb.
Habang busy ako kakabasa ng tweets, bigla na lang sumigaw si Larrabel sa tenga ko.
"Aaaaaahhhhhh!!"
"Aaaahhhh! Ayan na ba yun?" Sigaw ko baka kasi ayan na.
"Joke! Baliw! Ako lang yun. Tsaka kaka-announce pa nga lang na papunta pa sila rito, e. Excited ka talaga." Patawa-tawang sagot niya.
"Pucha ka! Tss." Binatukan ko siya ng mahina.
30 mins later.....
"Aaaaaaahhhhhhhhh!!" Sigaw ng mga tao. Hay naku! Pang-sampung joke na yan. Hindi na ko maniniwala dyan. Tss.
"Aaaaahhhh! SEEEEEEB, ayan na yan. Ayan na talaga yan. Andito na ang kambal ko at ang Beb mo. Aaaaaahhhhhh!" Excited na sigaw ni Larra.
"Ay, naku! Maniwala pa ako dyan. Kanina pa yan ha!"
"Hindi 'to JOKE, Seb! Ayan na talaga sila. Nakikita ko na. Ang gwapo at ang taas niya."
Ibinaling ko ang paningin ko sa dadaanan nina Daniel. Nagkakagulo na ang mga tao. Ngayon ko lang napansin, ang ingay na pala.
BINABASA MO ANG
I'm the TEEN KING'S REAL GIRLFRIEND
Teen FictionFangirl ka ba? Paano kung isang araw malaman mo na iisa lang pala ang tadhana ninyo ng idol mo?