"KAAAATH! ANO BA NAMAN YAN? DANIEL PADILLA NA NAMAN?" inis na sigaw ni Celyn sa'kin.Nakita niya kasi ang bagong scrapbook na ginagawa ko. Its about DJ and his fans club na kinabibilangan ko, ang 'DanielRocksCebu'.
Yep. May grupo kami. Nakilala ko lang sila sa facebook. May ibang members din sa group namin na mga ka-schoolmate ko na die-hard fans din ng beb ko.
PAK!
"Aray!" sigaw ko.
"Tulaley ka kasi. Kanina pa ako salita ng salita dito." Celyn
Kapal ng mukha ng babaeng to, kala mo kung sino. tss. Pakilala ko na nga lang siya inyu, sabi niya kasi kanina pakilala ko daw siya, para daw sumikat siya at magkafollowers siya ng more sa IG at twitter. Echosera tung babaeng to.
Eto na. Siya si Celyn Ocampo. Isa sa mga best friend ko. Matalino. Matangkad. Maganda (fine!), pero syempre pangalawa lang siya sa'ken, sabi nya. Siya rin ang pinakabaliw, pinakamagulo, pinakamaingay at pinakapapansin sa'min. Kaya ngayon, gumana na naman ang pagkakulang sa pansin niya. Pero kahit magulo siya, love na love ko yan. Yan nakakapagpatawa sa'min palagi pag sad kami, e. Moving on..
"Bat ako pa kinaka-usap mo? Andyan naman sina Jade, Shaina at Geneviv ahh. Kita nang busy ako dito." Ako
"Ehh, may sariling mundo ehh. Si Ebib, busy kakatext sa boypren niya. Si Shaina at Jade ayan nagseselfie. Di ako makarelate. Bakit nyo pa ako pinapunta dito, e di nyo rin naman ako papansinin?" Celyn
"Join us here kasi. You know naman na that girl, DJ would have a new procject lang, scrapbook agad. Di naman nacho-choose in fan swap. hahahaha" Jade
Yung conyo girl naman, siya si Jade Salvador. Ang kikay at super girlie at selfie lord sa'ming magkakaibigan. Minsan tahimik lang siya pero pagnagsalita yan, masgugustuhin mo na lang na manahimik at mag-selfie siya dahil nakakainis ang kaartehan ng pagsasalita niya. Actually, hindi lang sa pagsasalita siya maarte halos sa lahat ng bagay.
"Uu nga Celyn. Para naman madamay ka sa kasikatan at kagandahan namin. hahahahaha" Shaina
Si Shaina Cruz, siya ang pinakamatalino sa grupo namin. Palagi siyang pasok sa top10 ng batch namin, either second or third, basta yang spot na yan sa kanya ang isa dyan. Siya rin yung pinakamabait, considerate at understanding samin. Mature siya mag-isip kasi matalino, siya naggagauide sa'min if we have problems. Pero iba pag magkasama sila ni Jade, may sarili talaga silang mundo eh, yung kulit na silang dalawa lang yung nagkakaintindihan.
Ang kakapal ng mukha ng mga babaeng to. Tsaka sobrang feel at home. May change costume pang nalalaman sa mga selfie video na ginagawa nila. Naki-wifi na nga, nakikain pa, nakigulo at nakigamit pa ng mga damit sa closet ko.
Dahil si Geneviv na lang ang hindi nagsalita, sabay namin siyang tiningnan. At wow! Tawa ng tawa mag-isa ang loka, kilig-kilig pa. She raised her head at namula nung napansin niyang lahat kami nakatingin sa kanya.
"W-what?" inosenteng tanong niya.
Sabay kaming tumayo sa harap niya, nag-crossarms at tinaasan siya ng kilay.
"A-ano? May ginawa ba ako?" gulat at parang takot na nakatingala siya sa'min.
BINABASA MO ANG
I'm the TEEN KING'S REAL GIRLFRIEND
Teen FictionFangirl ka ba? Paano kung isang araw malaman mo na iisa lang pala ang tadhana ninyo ng idol mo?