|Chapter 22|

35 5 0
                                    














Alyona Amara Blood's Pov :







Hmmmm...its almost sunset. The sky's color is turning into a purplish pink shade with strikes of orange.  Ang mga ibon ang lumiliban na pabalik sa kanilang mga pugad bago pa kumagat ang dilim.


Here I am standing outside,  nasa balcony ng bahay.  Inhaling the relaxing smell of nature. Mula pagkabata pa ay isa na akong nature lover. Ako yung klase ng bampira na mas gugustuhin ko pang manatili sa kagubatan kesa sa syudad.

Magkaiba kami ng yumao kong kakambal dahil mas preferred nya ang cities kesa sa provinces.  Kahit napaka raming pagkakatulad ay meron din kaming mga pagkakaiba. Kung sya ay pala salita ako naman ay Tahimik at nakukuntento nalang sa pagmamasid sa aking paligid.  Naaalala ko pa noon na diring-diri sya sa Keso habang ako naman ay mahal na mahal ito. Pati nga ice cream ayaw nya kasi masagwa daw tignan pero ito ako at gustong gusto ang ice cream, yung tipong okay lang saking di kumain ng Ilang araw basta't may Ice cream.

Higt pa man sa lahat ay mas confident  sa sarili si Alyina habang ako ay walang tiwala sa sarili at mababa ang self esteem.  Mahilig yung magbigay ng malalim na mga kasabihan sa akin na kinadudugo ng aking mga ilong dahil ni isang katiting na salita noon ay di ko naintindihan. She is so dramatically witty in her own way.. haha.

I will always treasure our happy memories may include the ad memories cause after all we shared it for a long time when we were just a child.  Kahit na makalimutan ko ang lahat lahat hahanap- hanapin at Maaalala ko talaga ang Pinakamamahal kong Kambal.


Reminiscing is the best way to remember the past..


"Lalim ng iniisip natin ah?" Napatingin ako kay Trev na nasa tabi ko na pala. Ngumiti lang ako sa kanya at muling pinagmasadan ang papalubog na araw at ang pagdilim ng langit.

Nap buntong hininga naman si Trev  kaya tinignan ko ito at napailing nalang ako. Kung makahinga to aakalain mong pasan-pasan nya ang buong mundo. Pero on second thought pasan naman talaga namin mundo, ang kaligtasan ng aming mga kalahi.





"Hayyy" pag gaya ko sa kanya na kinatawa naman naming dalawa. Tumingin ako sa kanya na nakatitig pala sakin. Ang ganda pala ng Brown na mga mata nito, it looks pretty gentle and innocent.  Maputi rin ito at matangos ang ilong pero hindi tulad ng kay abong  Wolf  na gugustuhin ko na tuloy kagat-kagatin. Siguradong maraming babaeng bampira ang magkakandarapang habulin ang lalaking ito.



"Done Checking me out??" Sabi nito na abot tenga ang ngiti. Wow ha? Kasing  self conceited lang din pala to ni Abo. No doubt they're friends.

Umiling nalang ako at sinapak ito sa balikat na kinatawa naman nito. I could see his pink gums when he showed a carefree smile.



"Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo eh no?.  Well I was just lookin at you and not checking you out. Walang wala ka pa nga sa itsura ni---"  asik ko sa kanya pero napahinto sa pagsasalita ng may na realise ako. Putek! Muntik ko ng masabi ang pangalan ng Walanghiyang nilalang na iyon.


"And who is that lucky guy?" Nangaasar na tanong nito sakin sabay sundot sa tagiliran ko kaya tinapik ko ang kamay nito at sinamaan ng tingin.

"None of your Business" sagot ko dito at dinuro ito sa noo. Tinaas na, an nya ang kanyang mga kamay na nag sasabing ayaw nya ng away. Tumahimik naman ako at nakatingin sa aking mga kamay na nakahawak sa jacket na suot ko.



"Sorry nga pala sa pang-aasar ko kanina. I shouldn't have said those Al" he sincerely said to me. His eyes said it all, and who am I to reject his apology right? .

The Blood Moon's Descendant(Under heavy revision)Where stories live. Discover now