Only you #1

39 3 1
                                    

Momo's POV

Hello guys! Ako nga pala si Monique Moriah "Momo" Chaeng. Teka. Baka isipin nyo may lahi ako ah?

Lahing unggoy lang chos!

Wala kaming lahi. Ganyan lang talaga yung apelido namin.

Sabi ng marami ang Unique daw ng pangalan ko. Pero sabi sakin ng lolo't lola ko, Ang monique at moriah ko daw ay nakuha sa pangalan ng Mama ko. Oo sa Pangalan nya lang.

Ang name nya kase ay Monica Maria. Oh diba, ang taray ang hilig namin sa letter M? so yun nga mabuhay na tayo sa realidad lol.

"Ate! Ate Monique gising na dyan!" sigaw ni Carmela. Ang kapatid ng Bestfriend ko.

"Dun ka nga Carmela! gagawin kitang gumamela makita mo dyan!" singhal ko naman at itinago ang ulo ko sa ilalim ng unan.

"Gawa, tagal." pag sagot nya.

"Ahh ganon ah." sabi ko at hinila sa pahiga sa kama.

"Ahhh ate naman eh." sabi nya at muling tumayo.

"Bakit ka ba kase nang gigising ka huh? alam mo bang madami ng namatay dahil nanggising sila ng taong nasa kasarapan ng tulog?" pananakot ko.

"Ahh talaga ate? sige matulog ka na ulit hehe." Sabi nya at pinahiga ako.

"Lul. Wag ako. Nagising na eh. Bakit ba kase?"

"Tinatawag ka ni kuya. Sabi mo daw kasi sa kanya gisingin ka ng alas nuebe. mag aalas-diyes na. May practice daw kayo."

"Practice? Anong prac---Halaaaaa! oo nga palaaaa!" Gulat na sigaw ko at dali daling tumayo.

"Ay grabe ang sigaw? Wagas na wagas?"

"Naku magagalit yung mga kaibigan ko. Pakshet nayan talaga nga naman." Sabi ko at dali daling kinuha yung tuwalya ko at damit na susuotin.

"Diyan kana. maliligo na ako." madali kong sabi.

Binilisan ko lang maligo at lagot ako sa mga ka grupo at kaibigan ko. Nagsuot lang ako ng simpleng T-Shirt na puti na may konting design at Black Jeans dahil practice lang naman iyon.

Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa kusina.

Sa iisang bahay kami nakatira ng kababata slash super boy bestfriend ko. Siya si Owen Cole Natividad. Ang aking supportive slash corny slash kind slash handsome bestfriend.

Pero kahit gwapo at mabait yan hindi ako nagkakagusto diyan kasi alam ko naman na magkaibigan lang kame at ganoon din siya.

"Ano tatayo ka nalang ba diyan? Kain na. Mukha kang tanga diyan." Nabalik ako sa realidad nang narinig kong magsalita si Owen.

Naalala kong late na nga pala ako. Shocks!

"Hindi na ako kakain. Salamat nalang! Late na pala ako bwiset talaga." At tumakbo na ako palabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni Owen at nagpaalam naman si Carmela Gumamela.

--

Sakay ako ngayon ng trycicle papunta sa bahay ng isa sameng magkakagrupo at magkakaibigan. Dapat lalakarin ko nalang kaso mas lalo akong malelate.

Pagaka-para ko sa jeep ay agad akong kumatok sa bahay ni Abi. Pagkabukas ng pinto bumungad sa'kin si Soffy na ngiting-ngiti.

"Hi Momo! Bakit ngayon ka lang? mag dadalawang oras ka nang late." At nag pout pa ito.

"Wala eh. Late nagising." At natawa kami pareho. Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa sala.

Nadatnan ko yung pito na bagot na bagot na nakatingin sakin. Si Natalie lang ang naka ngisi sa'kin.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon