Momo's POV
Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko. Teka.. Mag gagabi na ah!.
Tinignan ko yung oras sa cellphone ko at alas singko na ng hapon. Gutom na talaga ako.
Nagpalit muna ako ng damit pang-bahay dahil hindi pala ako nakapagpalit kanina dahil sa antok.
Pagkalabas ko palang ng kwarto ay amoy na amoy kona ang napaka bangong amoy ng ulam na nanggagaling sa kusina. Bumaba na ako dahil 2-storey house itong bahay pero hindi naman ganoon kalaki. Sakto lang sa tatlo hanggang apat na katao.
Nakita ko si Owen nagluluto habang si Carmela naman ay nagaayos ng hapagkainan. Napangiti nalang ako at lumapit sa kanila.
"Oh Ate Monique, gigisingin na sana kita kaso nandito kana pala. Malapit ng maluto yung ulam natin." Ngiting-ngiting sambit na Carmela.
"Ano bang ulam natin?" Ngiting-ngiti ko ring tanong at lumapit kay Owen.
Nagningning ang mga mata ko dahil sa nakita kong priniprito.
"Wow! Fried Chicken!" Tuwang tuwa kong sambit na parang bata.
Amoy Jollibee Chicken Joy. LOL XD
Tinawanan lang ako ni Owen. Tinulungan kona si Carmela maghain. At ng matapos si Owen magluto, kumain na kami ng sobrang dami HAHAHA!
--
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Tapos na kaming kumain at naghugas narin ako ng pinagkainan. Nag-presinta na akong maghugas dahil wala na akong natulong ngayong araw HAHAHA!
Alas-Siyete na ng gabi pero eto ako, nagiisip kung bakit hanggang ngayon NBSB pa'rin ako.
Si Abi at Aubrey may mga Lovelife. Kami naman nila, Ava, ako, Soffy, Maddy, Aria, Chloe at Eleanor ay nganga. Kaming pito ay napag iwanan na.
Si Owen naman, wala ding girlfriend o kahit ka-MU man lang. Sa edad kong 21 never pa ako nag ka-jowa. Pero ayos na yun noh. Mahirap ang buhay.
Mas madami pa akong dapat intindihan. Dadating naman yang lablayp lablayp na yan.
Kailangan ko pa naming magbayad ni Owen ng Kuryente, tubig at wifi at yung pagkain at gastusin pa namin. Kababata ko si Owen at parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa.
Lalo na at 13 years old palang si Carmela. First Year High School palang sya at sa susunod na taon ay 2nd Year High School na siya, halata naman.
Araw ng linggo ngayon at hindi man lang ako nakapag simba. Sa susunod na linggo nalang.
At dahil hindi pa ako makatulog lumabas muna ako ng kwarto. Paglabas ko ay dumiretso ako sa salas at namataan ko si Owen na nakaupo sa sofa patalikod sa dereksyon ko at nakatingin sa malayo.
Hindi nya ata napansin ang presensiya ko kaya dahan dahan akong lumapit sa likod niya at..
"Boo!" Maingay na sigaw ko dahilan para mapasigaw din si Owen.
"Ano bang trip mo Mariah Carey?!" Inis na singhal sakin nito pero ako, eto. Tawa parin ng tawa..
"Ano ba?! Moriah! Monique Moriah! Hindi Mariah Carey! Mula bata tayo magkasama na tayo tapos inaasar mo parin ako ng ganyan." Sabi ko sabay pout.
"Wag kang mag pout. Hindi bagay sa'yo." Pagsusungit nya at pinisil ang pisngi ko.
Umupo naman ako sa tabi nya.
"Bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ko.
"Syempre gising pa ako." Pabalang na sagot nito.
Wengya talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/131580608-288-k537993.jpg)
BINABASA MO ANG
Only You
Fanfiction"Hoy lalake, anong hinahanap mong babae?" Tanong nya. "I likes the girl who loves to eat, good at dancing and singing, cute, and very kind to others" Komento naman nya habang nakangiti. "Ang hirap naman nyan. Wala na atang ganyan sa panahong toh. Sa...