GUIDELINES

120 17 21
                                    


Hello everyone, this is admin Gyn. Finally kompleto na ang mga contestants :)

Excited na ba ang lahat? Kasi kami, excited na excited na. Marami sa inyo ang hinihintay na ang guidelines upang makapagsimula na. At naririto na nga ang mga alituntunin na dapat niyong sundin.


GUIDELINES:

1. Genre

- Actually, 'yung co-admin ko nag-suggest na gawan ng tema ang patimpalak na ito. Pero ayoko haha! Bakit? Kasi mas magandang magbasa ng iba't ibang genre. At gusto kong hayaan kayo na pumili ng genre kung saan kayo panatag. Kung saan sa tingin niyo mas angat kayo kaysa sa ibang genre.

At ang main reason ko dito ay, para mas malawak ang ground niyo. Kapag kasi nagrequired kami na dapat romance, edi hanggang romance lang ang ground ng pag-iisip niyo. Tama?

So ito na ang genre na pagpipilian niyo.

~ Romance

~ Action

~ Fantasy

~ Horror

~ Mystery/Thriller

~ Teen Fiction

~ Vampire

~ Wereworlf

~ Science Fiction

~ Historical Fiction



2. Quantity Of Words

- Ilan nga ba dapat ang dami ng words?

Minimum of 2000 words and maximum of 5000 words.

Hindi pwedeng bababa sa 2000 words at hindi rin lalagpas sa 5000 words. Dahil automatically disqualified!
Sakto lamang ang ibinigay namin para sa isang short story.


3. Language

- Tatlong wika lamang ang maaari niyong gamitin.

~ English

~ Taglish

~ Tagalog

Papayagan namin kayong gumamit ng iba pang wika basta siguraduhin lamang na may translation ito at sa dialogue line lamang.


4. Date Started: December 26, 2017

- 'Yan ang araw kung saan sisimulan niyo ng mag-isip at magsulat.

Mayroon lamang kayong 3 WEEKS bago ang deadline.


5. Submission Date: January 16, 2018

Thank you and good luck!

INKC: One Shot Story Contest [CLOSED]Where stories live. Discover now