Criteria for Judging:Originality: 20%
Cleanliness: 30%
Plot: 10%
Delivery: 40%
—————————
Overall: 100%Originality- Mas maganda talaga kapag kakaiba ang kwento. 'Yung bago sa panlasa ng mga readers at hindi pa nila natitikman sa iba. 'Yung tipong akala mo common 'yun pala may twist? Mga gano'n!
Cleanliness- Mas magandang basahin ang kwento kapag malinis. 'Yung wala masyadong kaartehan at mga mali— proper way of writing kumbaga! Hindi ko sinasabing i-perfect niyo kasi marami sa inyo ang nagsisimula pa lang matuto. Pero kaya nga 3 weeks ang binigay na date for submission para paghandaan niyo talaga :)
Plot- Yes! Kasali ang plot sa judging. Alam ko na mahirap talagang i-ayos ang plot kapag short story lang siya, pero as a writer, lahat ng imposible nagiging posible! Basta maayos ang sequence of events ng kwento at hindi magulo.
Delivery- It is the most important thing. Maayos nga ba ang delivery? Mararamdaman kaya namin ang mararamdaman ng mga characters? Madadala kaya kami sa mismong lugar, sa mismong pangyayari? Kikiligin, matatakot, ma-e-excite, magagalit, malulungkot, mapapangiti, matatawa at mababaliw kaya kami?
Keep that questions on your mind. In order to make your delivery works, you must use your senses.
NOTE: Sana bago niyo i-submit sa akin ang inyong entry, ayos-ayusin niyo muna. Edit-edit rin pag may time :)
Tanungin niyo rin muna sa sarili niyo kung, "Ayos na ba 'to? Maganda ba siya? Mafi-feel rin kaya nila ang nafi-feel ko nang sinulat ko 'to?" Ganiyan! Kasi contest po ito. Malaki o maliit man ang prizes basta contest, Contest! At mas magandang naaayon sa criteria ang inyong kwento :)
Marami talagang in demands e, 'nu? Pasensiya na. Gusto ko lang kayong i-test kung hanggang saan ang kakayahan niyo. Malawak ang ground niyo at hindi kailangang magmadali dahil sa January 16, 2018 pa naman ang submission day/deadline.
Hindi ko sinasabing "bawal" ang mag-submit na ngayon pero ang tanong ko lang, naayos mo na ba 'yang entry mo bago mo i-submit? Sana'y naiintindihan niyo ang point ko. Take your time lang mga kapatid dahil hindi maaaring i-push ang mga utak natin. Hayaan niyo lang na pumasok ang ideas, and I swear kusang pumapasok 'yan kapag hindi mo na siya iniisip.
Thank you and good luck!
YOU ARE READING
INKC: One Shot Story Contest [CLOSED]
De Todo-CLOSED- Submission Date: January 16, 2018 Highest Rank: #32 in Non-Fiction