FEEDBACK

20 7 0
                                    

Hello everyone. This is admin Gyn. Sa wakas ay malalaman na rin natin ang tatlong winners ng PPC: One Shot Story Contest. Pero bago ang lahat, again, we're really really sorry sa pagiging busy naming mga admins. Hope you'll understand. Anyway, gusto ko lang magbigay ng feedback sa overall one shots stories na nagpasa at nabasa ko.

Gusto ko lang kayong i-congratulate dahil magaganda naman ang mga one shots. Kaya nga lang, mayroon talagang umangat. Mayroon ding, kulang pa talaga sa kaalaman about basic writing pero alam naman nating masosolusyunan din 'yan. Naririto ang criteria for judging.


CRITERIA

Originality: 20%
Cleanliness: 30%
Plot: 10%
Delivery: 40%

TOTAL: 100%


May mga kwento na umangat sa originality, kaya nga lang kulang sa delivery at cleanliness. May ilan ding umangat sa delivery, kaya nga lang kulang sa cleanliness at originality. So, sana malinawan kayo na hindi lang dapat puro cleanliness at hindi lang dapat puro delivery ang kailangan. Naiintindihan niyo naman siguro kung ano ang pinu-punto ko, hindi ba?

Pangalawa, hindi ko sinabihan ang mga judges- na siyang mga admin din ng PPC na magbigay ng komento nila. Nasa sa kanila na iyon kung magbibigay sila ng komento o hindi. Kaya sana, kung ano man ang nasabi ng mga admins ay huwag niyo sanang damdamin. Naririto kami upang tulungan kayong i-enhance ang kakayahan niyo kaya sana maging bukas ang isipan niyo sa mga bagong kaalaman. Masakit man o hindi, pero kailangang tanggapin.

May mga kwento rin talaga na nako-confuse ako pero alam ko ang takbo ng istorya. But the point is, hindi malinaw kung ano ba talaga ang nilalahad ng kwento. Maaaring para sa kaniya ay maayos naman, pero palagi ring tandaan na nakasalalay rin ang view ng mga readers mo. Para kasi sa akin, hindi na kailangang i-confuse pa ang readers at hindi na kailangang gumamit pa ng mga istilo o kahit na ano man ang tawag diyan. I swear, kapag talaga hindi naintindihan ng readers, lalayasan kayo niyan. Tandaan na mas malaki ang puntos ng delivery.

Hays, gustong-gusto ko talagang sabihin 'to. Ewan ko kung relate pa ba ito sa contest or what. Payo na rin para sa iba. Oo, importante ang technicalities pero MAS importante ang delivery. Delivery kung paano mo maihahatid sa mga readers ang nararamdaman ng mga tauhan mo, ng setting, ng pangyayari at iba pa. Kapag kasi pinagtuunan mo lang ng pansin ang technicalities, nakakalimutan mo na ang dapat na pagtuunan mo ng pansin. Pero kailangan din talagang matuto about technical writing. Lalo na kapag pang-jeje pa yung pagkakasulat mo. *no offend* Okay na kahit basic lang ang alam basta malinis lang.

At para naman doon sa mga writers na kulang pa sa knowledge about technicalities or kahit basic writing, huwag kayong mag-alala makakalampas din kayo sa stage na 'yan. Walang writer na ipinanganak na perpekto. Pero kung willing talaga kayong matuto, willing din naman kaming tumulong. Message niyo lang kami sa aming message board.

INKC: One Shot Story Contest [CLOSED]Where stories live. Discover now