CHAPTER 4

47 6 0
                                    


GYLAN'S POV

Malapit nang dumilim ng ako'y makaalis sa Academia. Habang tinatahak ko ang daan kung saan kami dumaan kanina ni bangs, di mawala sa aking isipan ang sinabi nong matanda. Ano kayang mangyayari saakin pag hindi ako pumasa?Papatayin kaya nila ako? Baka gagawin nila akong pagkain para sa mga halimaw.
Napasabunot ako sa aking sarili, ano ba tong iniisip ko?

Patuloy lang ako sa paglalakad..... Maya maya pay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Hindi na ako nag abalang tignan kung sino yun sapagkat binilisan ko ang paglalakad.

Nang nasa bayan na ako, dumiretso agad ako sa bahay kung saan ako tumutuloy habang nasa mundong ito.

"How's your day?"

"As usual boring" sagot ko naman, habang abala sa pagliligpit ng gamit ko kanina na hindi ko naayos.

"Tss.. Anyway, mamamaya buksan mo yang paper bag na nasa sofa"

Agad naman akong napatingn sa gawi ni tanda, nakaturo ang kaniyang kamay don sa paper bag. Ano na naman kaya iyon?

"Ano na naman ba-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng mawala sya sa aking paningin.

Nasanay na akong bigla bigla nalang syang sumusulpot at nawala. Siguro may teleportation magic yung matandang yun.

Nang matapos akong magligpit. Agad naman akong nagluto ng aking hapunan. Ilang minuto ang nakalipas, luto na ito, agad ko na itong inihahin sa lamesa.

"Meow"

Nagulat ko nang makita ko si Blue na nasa bintana. Hindi ko pala ito naisira. Agad kung kinuha si Blue at kinarga ito sa aking bisig ko at isinira yung bintana.

Si Blue ay isang galang pusa. Napaka unique ng pusang ito. Yung balahibo nya ay kulay blue kaya tinawag syang blue ^~^ . Para syang si Happy. Yung pusang lumilipad sa fairytail.

Agad ko syang inilagay sa lamesa, alam kong nagugugutom narin sya. Agad naman akong naglagay ng pagkain sa isang bowl kung saan sya madalas kumain pag napapasyal sya dito.

Habang kumakain si Blue, di ko nagalaw ang aking pagkain. Nakakatawa syang panoorin, kung papaano nya itinatabi yung mga ayaw nyang kainin, kung papaano gumagalaw yung buntot nya kapag hinahaplos-haplos ko yung balahibo nya.

Nang timingin saakin si Blue, binigyan ko sya ng isang ngiti. Pero tinignan lang nya ako. Ano bang problema nya?

"Meow"

"Hindi kita maintindihan blue" sabi ko at nag-pout.

"Meow"

"Huh? Meow?" Paguulit ko sa sinbi nya. Agad naman itong lumapit sa plato ko. "Gusto mo pang kumain?"

Gago Gylan. As if namang sasagot yan ng 'oo o hindi'.

Dahan dahan nyang tinulak yung plato sa akin "okay naiintindihan ko na" agad naman syang bumalik sa pwesto nya at nagpatuloy sa pagkain. Nagsisimula narin akong kumain.

Nangmatapos kaming kumain agad naman itong pumunta sa sofa. Siguro inaantok na yon. Agad kung niligpit ang pinig kainan ko at hinugasan ito, isinunud ko yung kay Blue. Nang matapos kung linisin lahat agad akong nagtungo sa sofa at umupo. Binuhat ko ito at inpinatong sa lap ko.

Ilang minuto ang nakalipas hindi parin ako inaantok habang yung pusa himbing na himbing na natutulog.

GAMES: The Battle of KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon