CHAPTER 5

42 5 0
                                    


GYLAN'S POV

"Umalis ka na! Di kita kailangan!"sabi ni mama habang itinatapon yung mga gamit ko sa labas ng bahay.

Wala akong ibang ginawa kundi pulutin yung mga gamit ko at inilagay sa bag tsaka umalis. Dinig na dinig ko pa yung mga sigaw ni mama

"Wag na wag ka ng bumalik!"

Sa huling pagkakataon lumingon ako kay mama at ngumiti. Hinding hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa mga tao, lalong-lalo na sa mga taong nagpalaki sa akin.

Patuloy lang ako sa paglalakad na para bang walang nangyari ng may mapansin akong kakaiba. Tumingin ako sa transparent glass window sa isang shop. May nakita akong dalawang naka black coat na lalaki - wait!! Sila yung lagi kong nakikita dito pero di ko naman sila kilala, mag dadalawang lingo na sila dito.

Nang sumilip uli ako sa glass window ng shop, don ko nabatid na papaaalis na sila kaya nagtago ako. Nang makalabas sila sa shop, don ko lang sila sinundan but of course I keep a distance, ayaw kong malaman nila na may sumusunod sa kanila.

Itong daan na tinatahak ko ngayon at malayo layo na sa bayan. Puro nagtataasang kahoy at damo nalang ang akin nakikita, kung hindi ako nagkakamali gubat na ito. Medyo nakakatakot dito iilang parte lang ng gubat ang nasisinagan ng araw. Idagdag mo pa yung malamig na simoy ng hangin.

Ilang minuto ang nakalipas nasa masukal na parte ako ng gubat. Sinusundan ko parin yung dalawang lalaki. Napaka laking himala na hindi nila ako nahahalata.Napatigil ako sa paglalakad ng mapatanto kong tumigil sila, agad akong nagtago sa isang malaking kahoy.

Ilang segundo akong nanatili sa posisyon ng lumiwanag ang paligid, hindi ako nagkakamali galing yung liwanag sa lugar kung saan huminto yung dalawang lalake.

Napatingi ako sa gawi nila. Halos mahulog na yung panga ko sa aking nakita. Totoo ba tong nakikita ko?!!

It's a portal.

Ilang segundo ang nakalipas, parang bula na nawala yung dalawang lalaki. Hinigop sila papasok dun sa portal. Gaya nong dalawang lalaki, parang bula ring naglaho yung pangamba ko at napalitan ng napakaraming tanong.

Saan kaya sila dadalhin ng portal na yon? Anong mundo kaya? Mars? Venus? Parallel Universe- wait!!!..

Agad kong kinuha yung phone sa bulsa ko, pero sa kasamaang palad walang signal dito. Sino ba kasing nagsabi na may signal sa gitna ng gubat.

Lumapit ako sa portal. Sino bang mag aakalang may portal pala dito. 21st century na, mostly sa mga tao di na naniniwala sa mga ito, nageexist lang sila sa fairytale. Pero hindi na ngayon, may portal talaga.

Lumapit pa ako ng mas malapit sa portal, di ko alam na napakalakas pala ng force ng portal na ito. Hinihigop ako nito papasok!

*******

"Meow~"

Napabangon ako sa pagkakahiga kaya ayun nahulog si Blue nagulat siguro, agad ko naman itong kuniha at kinarga gamit ang bisig ko.

"Sorry nagulat kita Blue, ikaw naman kasi ginulat mo ako. Umaga na ba?"

"Meow~"

"What?!! Umaga na Blue? Bakit ngayon mo lang ako ginising. Sigurado akong sisigawan na naman ako ni tanda" sabi ko at inilgay si Blue sa sofa.

Bago ko pa man iwan si Blue para maligo may napansin akong paper bag- wait! Yung paper bag na bilin saakin ni tanda kagabi. Agad ko naman itong kinuha at pumunta sa kwarto.

Agad naman akong pumunta sa banyo para maligo. Sa kalagitnaan ang pagliligo tinignan ko ang aking repleksyon ng aking mukha sa salamin - ang gwapo ko parin. Ng matapos akong maligo, pinulupot ko ang towel sa aking bewang, gosh! Ang hot ko wag kayong umangal, agad naman akong lumabas sa banyo.

Agad ko namang kinuha kung ano man yung nasa paper bag. Isang pares ng uniform? At isang sulat.

Wear it. Don't be late

Wew -_- as if I have a choice.

Nang matapos akong magbihis, agad ko namang pinuntaha si Blue para paghandaan siya ng pagkain. Ngunit sa halip na kumain ito na natili lang syang nakaupo sa sofa at nakatingin saakin.

Naglakad ako patungo sa direksyon ni Blue. " siguro ganyan ang tingin mo saaakin dahil nagwagwapuhan saakin no? Wag mo nang ideny Blue, alam ko namang gwapo ako. Pero kung nagwagwapuhan ka saakin, ikaw kaunaunahang pusang naging bakla-"

"Idiot." Agad naman akong napalingon sa nagsalita. "If that cat can just only punch you. He wouldn't waste his time listening to you, nonsense" sabi nya. Hanggang ngayon poker face parin sya.

"Bakit ka nandito?"

" 'Cause why not?" Sabi nyaat inirapan nya lang ako. " ang aga aga ang kahanginan mo ang sumalubong sa akin"

"Tss. Simpleng tanong, simpleng sagot. Dami mong sinabi" sabi ko at inihanda yung mga gagamitin ko mamaya

"It's just 13 words, marami na ba yon?" Tanong nya.

"Aghh! " sabi ko at hinarap sya.

"Tch! Pwede mo namang sigurong bilisan dyan diba" naiinis na yung tono ng boses nya.

"Hinihintay mo ako?"

"Isn't it obvious?" Wait?totoo?!!! "Don't take it seriously. Inutusan lang ako"

"Weh?!! Inutusan ka o gusto mo naman talaga?" Nangiinis na sabi ko.

"Asa!" Sabi nya.

"Tss! Poker face wag ka ng mag deny baka maunahan ka pa ng iba" sabi ko with matcr kindat pa.

"Kung ako sayo bilisan mo na jan baka ano pa ang magawa ko sayo" pagbabanta nya saakin.

"Hala poker face anong gagawin mo saakin? Gosh! Ikaw ha" sabi ko. May dinukot sya mula sa bulsa nya at agad naman akong natahimik. Bwesit na man oh! May advantage sya eh!

"Tatahimik ka o hindi" sabi nya at napalitan yung mukha ng isang seryosong mukha

"Okay. Okay. Tatahimik na ako"

Sa pagkakataon na yun tumahimik na talaga ako. Anyway, kung nagtataka kayo kong ano yung bagay na nakapagpatahimik sa aakin, isa yung card holder. Si poker face ay isang summoner na gumagamit ng cards para makapag summon ng monster at iba pa.

GAMES: The Battle of KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon