CHAPTER 8

35 6 2
                                    


GYLAN'S POV

Ano bang nangyayari sa akin? Nong una wala akong planong malaman tong mundo nila tas ngayon, ito, gusto kong malaman kung ano tong GAMES na sinasabi nila, I can't deny na fan ako ng mga parallel universe-stories at isa rin ako sa napakaraming tao na naniniwala sa mga ganun, pero nagiba ito ng nakapasok ako dito. Tsk! Ang gulo ko!

"Miss Janelle ito na po yung mga pinapahanap nyo" sabi ng isang babae. Kinuha ito ni poker face. Agad namang umalis ang babae.

"Oh nasa iyo na yang mga pinapahanap mo. Hihintayin mo pa ba si Tanda? Kung hindi, pwede na ba akong umalis?" Tanong ko.

"Hihintayin ko pa sya dito. Pwede ka na mang umalis" sabi nya.

Luh sya! Kanina pinasama nya ako dito kasi hihintayin daw namin si tanda, tas ngayon papauwin nya lang ako ng ganun ganun lang. Wow just wow -_-

Bago pa man ako datnan ng inip, umalis na ako kaagad sa Hall ng Arcade.....

NANG makauwi ako, agad akong humiga sa kama habang nkatingin sa kisame.... ilang araw na ba akong tumitira sa mundong ito? 3? 4?... Di ko maalala bahala na.

Ilang minuto ang lumipas, ganun parin ang posisyon ko. Parang kung may ano ano nalang sumasagi saakin isipan.

Naisipan ko munang lumabas at pumunta sa centro ng bayan. Agad akong nagbihis at dali-daling umalis.

Pagdating ko don basta nalang akong ngumiti, di ko alam kung bakit. Bakit nga ba ako ngumingiti? Baliw na ba ako?. Pinisil ko ang aking pisngi para mabalik muli ako sa aking katinuan.

Naglakad ako patungo sa isang shop na katulad rin sa mundong nakasanayan ko. Nang marating ko ang shop na tinuntukoy ko, agad akong pumasok dito.

Puno ito ng mga dyamateng dekorasyon. Napa-wow ako sa aking nakita. Kung titignan mo sa labas makikita mong ordinaryong shop lang ito, pero pag nasa loob ka na siguradong mamamangha ka ganda ng shop. Kahit saan ka tumingin mga nagkikislapang dyamante ang iyong makikita. Shop ba talaga ito?? Jewelry shop??

"May napili ka na ba, iho?"

Paglingon ko may nakita akong matanda. Mukhang ako ang kinakausap nya.

"Ahh... hindi po ako bibili" sabi ko.

"Hindi kasi binibili ang mga yan.. libre lang kasi"

0_0

"Libre po?? As in walang bayad??" Tanong ko at tumango-tango naman sya.

"Iho, ngayon lang ata kita nakita dito. Dayo ka ba?"

" parang ganun na nga ho"

"O pumili ka na dyan at kung may gusto kang bigyan wag mahiyang bigyan sya" sabi nya. Sino ba ang bibigyan ko?

Wala akong mapili bukod sa magaganda silang lahat, hindi ko naman alam san ito gagamitin at baka mawala ko pa ito.

Sa kalagitnaan ng aking pamimili may napansin akong isang maliit na dyamante kulay asul ito. Nasa gitna sya ng dalwang malaking dyamante na kulay pula. Kahit na mas maliit yung asul na dyamate, parang sya parin yung nag standout sa kanilang tatlo.

"Gem of Life" napalingon ako sa matanda. Akala ko umalis na sya.

"Huh?"

"Yang tinitignan mo" sabi nya napatango-tango nalamang ako "napakatagal na nyan dito. At ngayon lang may nakapansi dyan" dagdag nya.

"Ahh... lahat ba ng dyamanteng nandito may mahika?" Tanong ko. Di ko alam bakit bigla ko yung naitanong.

"Lahat ng bagay sa mundong ito may kanya kanyang mahika, di nga lang alam ng lahat" sabi nya.

Paanong hindi alam ng lahat?

"Bakit po yung iba alam pero yung iba hindi?" Tanong ko.

"Sa mundong ito mas gugustuhin mong di malaman ang lahat"

"Pero bakit ako, bakit mo sinabi saakin yun?"

"Kasi may dahilan. May dahilan ako" sabi nya. Anong dahilan kaya yun? Bago ko pa man sya matanong, nagsalita ang matanda "so, iho, kukunin mo na ba yun?" Tanong nya saakin.

"Ahh... o-opo" sabi ko.

May kinuha syang stick- wait! Stick at winawagayway nya ito sa eri at may kung anong kulay asul na kuryente ang dumaloy dito, kasabay ang pagbigkas nya sa mga salitang di ko naman maintindihan. Ilang saglit pa bago ko maunawaan ang lahat, isang magic wand pala ang hawak nya. Ilang segundo ang nakalipas matapos nyang bigkasin ang mga salitang di ko maintindihan, itinutok nya ang stick- esti magic wand sa deriksyon ng kulay asul na dyamante.

Ilang saglit pa nasa harapan ko na ang dyamante at lumulutang ito sa eri. Kinuha ko ito, akala ko mabigat hindi naman pala, napakagaan nito. Mas lalo akong namangha sa sa kulay nito at kung papaano ito kumikislap sa kamay ko. Pero isang tanong nalang ang gusto kong masagot ng matanda.

"San ko po ito magagamit?"

"Sa tingin mo, san yan ginagamit?" Sabi nya. Kaya nga kita tinatanong. "Wag kang mag-alala iho, magagamit mo rin yan sa tamang panahon"

Umalis na ako sa shop. May sinabi sya saakin pero di naman conny sa tanong ko.

Pagkalabas ko ng shop, inilagay ko sa bulsa yung dyamate nag kasya naman, maliit kasi. Gylan it's time to explore this world!

GAMES: The Battle of KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon