CHAPTER 9

36 4 0
                                    


GYLAN'S POV

"Di ka ba gigising!!!!"

Napabangon nalang ako ng bigla sa aking higaan. Di nga ako nagkakamali si poker face nga yung sumigaw.

"Hoyy!!!! Gylan di ka ba gigising dyan!!"

Ang ag-aga ang sungit nito.

"Ito na ohh! Gising na!"

Agad naman akong tumayo at iniayos ang aking sarili. Ng matapos kong linisin ang aking higaan agad akong lumabas ng kwarto.

Agad na bumungad si poker face sa aking paningin, batid kong inip na inip sa sya, base sa reaksyon na nakaguhit sa kanyang mukha.

"Ang aga ganyan na ang mukha mo" pambungad kong bati sa kanya.

Nabaling sa aking ang atensyon nya. Agad nya akong binigyan ng napakatalim na tingin, sunod nyang ginawa tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Anong iniisip nito??

Agad namang tumalim yung mga mata nya. Binalik nya yung tingin sa mukha ko. Ano bang ginawa ko?

"Bakit di ka pa nakabihis!!!!!"

"Hmm....di ako pupunta sa paaralan nyo ngayon. Rest day ko"

°^°

Parang may kung anong awra ang bumalot sa buong sala. Mas naging matalim pa yung mata nya.... gwahddd!!! *nababakla ka na naman Gylan*

"Ano!!!! Di ka ba magbibihis!!!!!" Biglang nag-echo yung boses nya sa silid

Wala ng dalawang isipa't tumakbo na ako pabalik sa aking kwarto. Baka ano pang mangyari sa akin.

Pumasok sa kwarto. Nilock ang pinto. Naligo. Nagbihis. Inayos ang mukha. Lumabas ng kwarto. Ewan ko ba anong klase ng pag-aayos sa sarili yun ang bilis kong natapos, okay narin yun kesya may mangyari pa saaking masama.

Ilang saglit pa umalis na kami, di na ako nag abalang mag umagahan pa, pupunta naman kami kay tanda, dun nalamang ako kakain hehehheheeh.

Nasa isang silid kami- dinning hall, at abalang kumakain, sinabi ko kasi kay tanda na di pa ako kumakain.

"Baka makalimutan nyo sa kaharian ng pyr kayo pupunta" bilin nya saamin bago umalis.

"Pssttt!" Tawag ko kay poker face na kasalukuyang nakatingin sa mga naglalakihang larawan sa silid. Di naman nya ako nilingon..

"Psstttt!" Tawag ko ulit.

"May itatanong ka na naman" sabi nya, habang nakatingin parin sa mga larawan.

"Saan pala yung Pyr? Anong meron dun?"

"Yun ang pupuntahan natin kaya wag ka ng mag tanong, malalaman mo rin yun mamaya"

Di na ako umimik pa. Baka ano pang magawa nya saakin.

Ilang minuto ang nakalipas natapos na akong kumain. Di ko alam bakit ba ako nakakabahan, sana wala itong masamang dahilan.

Natanaw ko ang aking kasama na nakatanaw sa isang larawan ng isang babae- parang familiar sya saakin- tama! Yun nga yung Queen na nabangit ni bangs nuon.

Nilapitan ko sya. Nakatingin lang sya sa malaking larawan na tila bang may naiisip syang mga ala-ala mula dito. Nawala ang walang emosyon sa kanyang mukha napalitan ito ng isang napakalungot at nangungulilang emosyon.

Napatingin ako sa larawan duon ko lang nabatid na may kasama pala itong bata - batang babae. May kulay asul at kumikintab na mata. Masaya itong nakatawa habang nakatingin sa reyna - anak nya kaya yung bata? Possible rin...tinignan ko uli si poker face, di nya parin inaalis ang kanyang tingin sa litrato.... may pagkakaparihas sila ng mata nung bata- possibling sya kaya yun??...

GAMES: The Battle of KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon