CHAPTER ONE * THE MEETING *

55 2 0
                                    

CHAPTER ONE

-Flashback Highschool Days-

Lucy's Point of View

First day ng school, eto ko naglalakad sa pathway ng school na pinagenrollan ko, kasama ko si Mira at si Wendy nung nagenroll ako dito at ganun din sila. Ang dami ng students, I'm on my way sa Admissions office para kunin yung schedule ng classes ko, as a transfer student, natural na kabahan ka sa unang araw ng pagpasok mo sa bago mong school. Bukod kasi sa bagong environment. Bago rin ang mga taong makakasalamuha mo, bagong adjustments nanaman. Hay, bakit ko kasi sinanay ang sarili kong kasama palagi ang dalawa kong kaibigan, ayan tuloy hindi ko alam ang gagawin ko.

Nakuha ko na yung schedule ng classes ko at kung anong section ako mapupunta.

"Hmm, 2- Narra. Kakaiba mga sections dito ahh"

Medyo kakaiba nga ang mga sections dito, ayon sa nabasa ko sa bulletin board kanina sa Admissions Office, ang mga section para sa mga First year ay Flowers. Example. 1- Sampaguita. Para sa mga second year naman, eto nga mga punong kahoy. Haha! Nice. Baka yung mga teachers manggagaling sa loob ng mga puno. Haha. Ang corni ko. Sa mga third year naman mga planeta, at sa mga seniors namen e mga pangalan ng mga mamahaling bato.

Naglalakad ako habang titig na titig sa papel ng mga schedule ng classes ko. 

"Nasaan na ba yung building para sa mga second yearrrr--kyyyaaa! "

(.....silence.....)

Ayan, alam nyu ba nangyari saken? Malamang hinde.. haha. Well, hmm, ang aking first embarrasing moment sa paglipat ko ng school. Nadulas po ako sa harap ng maraming estudyante. Hindi ako agad bumangon, hiyang hiya kasi ako.

"Ay naku Lucy, napakalampa mo buti na lang maganda ka." I mumbled to myself.

"Ah, miss, pwedeng umalis ka na dyan sa ibabaw ko? Medyo mabigat ka kasi eh."

('.'   )Lingon sa kanan. (   '.') Lingon sa kaliwa. Hmm, alam ko may narinig akong nagsalita ee. San galing ang boses na yun, dalawang side na lang ang hindi ko pa tinitignan e, its either kinakausap ako ni Lord o may nagsasalitang demonyo sa ilalim ng lupa.

"Missssssss!"

"Ay demonyo ka!" Napatayo ako bigla sa sobrang gulat ko.

"Huh? Ako pa talaga ang demonyo huh? E ako na nga itong nadigrasya mo. Aish!"

Argh! Napahiga pala ko sa ---- *drops jaw*  oh my gulay, may elaw na. OMG! ang gwapo naman ng nilalang na nasa harapan ko ngayon. San ito nanggaling? Lord kinuha nyu na ba ako? Bakit may nakikita akong anghel? Lord kung panaginip lang 'to dont let me wake up yet, I need to stare at this beautiful creature in front of me. *nosebleed*

Ang tangkad, maputi, may katangusan ang ilong, singkit ang mga mata, and those lips, argh, those lips, ang mga labi na kahit halikan mo minu minuto hinding hindi ka magsasawa. Nakakagigil! Ang smooth smooth ng skin, daig pa yata ako nito, kung ako isang beses magpafacial sa isang linggo siya mukang inaaraw araw niya. Did I mention his vuluptious body, oh no, mali ang term ko. Ang katawan niya, okay lang. Kahit medyo payat siya sexy pa rin siyang tignan. At ang mga braso niya, mukang masara---.

"Hey miss! Snap back!"

Eh? 

Bumalik lang ang kamalayan ko ng kumaway kaway siya sa harapan ko.

"Oh, s-s-sorr-ry!" Argh, grabe nauutal ako, OMG. This is my first time. I dont think I can handle this. 

No! I need to pretend na okay lang ako. Na natural lang sa kagandahan ko ang makakita ng isang mala Lee Min Ho ang itsura. (tama, mala Boys Over Flowers ang kagwapuhan niya) Okay Lucy, relax. Kaya mo yan. Kausapin mo siya nang mahinahon at humungi ng dispensa sa nagawa mong pagpapahiya sa kanya.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon