CHAPTER 3
Andito kami sa Pizza Hut, kumakain ng precious pizza ni Levy. Infairness yung pinaka mahal at pinaka malaki ang inorder ni Levy. Hindi naman halatang gutom ka sistah! Sabagay sa dami ng ginawa namin kanina sino ba naman hindi gugutumin?
"Masarap ba?" tanong ni Leon kay Levy
"Uhm-uhm" palibhasa my laman ang bibig kaya di makapag salita ng maayos.
"Haha" Kahit kelan talaga ang sarap pakinggan ng tawa ni Leon. Sounds like music to my ears. Ayee.
"Oh, Lucy, bakit di ka nakikipagagawan kay Levy, pagod ka rin naman ah"
Pano naman kasi ako makakakain ng ayos, nasa harapan ko ang halimaw na si Gray. Pagsubo at paglunok nga di mo yata magagawa sa harap ng lalakeng to eh..
"Ah, wala lang, busog pa kasi ako ee." I answered.
"Sus! Busog daw, baka diet ka, tumataba ka na kasi ee. Haha." Gray said sarcastically. And that made me angry, but I pulled myself to calm down. Ayokong patulan tong halimaw na to!
"Whatever!" Humarap na lang ako kay Levy. Habang nagkukwentuhan kami ni Levy, I felt someone staring at me.
Symon Gray Lopez's Point of View
Hi! I'm Symon Gray Lopez, I'm 16, singkit ang mga mata, maputi, matangos ang ilong, matangkad, matalino at higit sa lahat gwapo daw sabi ng Mommy ko. May pagkamama's boy kasi ako e, at di ko kinahihiya yon.
Andito kami sa tapat ng bahay nung Miss Sunget! My project kasi kami sa MAPEH eh, na late kami dahil dumaan pa kami sa puntod ni Daddy. Death Anniversary kasi niya, nagpasama na ko kay Leon para dumertso na lang kami dito after don. But my mistake was, I didn't think that were gonna have a hard time on making our way to the cemetery because of this heavy traffic. Traffic na papunta don at traffic pa rin pauwi. Nice one Gray, You miscalculated everything.Ayan tuloy late kayo. Patay ka nanaman niyan kay Miss Sunget.
Ding Dong. Pinatunog nanamen yung door bell. Agad namang may nagbukas non na isang babae, siguro mga 40 plus ang edad, parang kaedad lang ni mommy. Uhh. Parang namiss ko agad si Mommy ah.
"Goo--!"
"Good afternoon po, andyan po ba sina Lucy?" Naunahan ako ni Leon ah, sige okay lang. Its his time to shine. Haha.
"Ah, sina Lucy? Nandon sila sa taas, gumagawa ng project. Kasama ba nila kayo?"
"Op--!"
"Opo, na late nga po kami e" Okay, naunahan niya ulit ako.
"Ah ganun ba, wait lang, tatawagin ko lang si Lucy" Bago umalis yung mama ni Lucy, medyo napatingin siya sakin. Nginitian ko na lang siya as a sign ng paggalang.
"Sige po!" I answered to Lucy's mom. Yes! Naunahan ko si Leon. Haha! (parang bata?)
After 10 minutes. Nakita ko ng pababa si Miss Sunget galing yata sa kwarto niya. Siguro don sila gumagawa ng project at naguusap about girls stuff.. You know, make ups, crushes, its so gay. Argh!
Palapit na siya samin ni Leon ng may "bat ngayong lang kayo look" that she wears on her cute face.
"Oh, wag mo kong tignan ng ganyan. Di ako ang may kasalanan kung bakit kami late." sinabi agad ni Leon. Okay fine ako na may kasalanan. I miscalculated everything.
"Buti alam niyong late kayo, at buti dumating pa kayo. Kanina pa si Levy dito at nagrereklamo na dahil pagod na pagod na siya. Maga na nga ata yung kamay nun e, kakagupit"
Hay, nakakaguilty naman. Di ko naman sinsadya e, I thought everything would turn out good today. Sorry naman. Namulsa na lang tuloy ako at napayuko.