CHAPTER TWO *Christmas Break*

58 2 0
                                    

032112

CHAPTER 2

"Hay nakakapagod, maghapon na tayong gumagawa ng project ng tayong dalawa lang Lucy. Asan na ba yung iba nating kagrupo? Nakakaasar na sila huh, ang usapan alas nueve, anong petse na!"

Andito kami ni Levy sa bahay specifically sa loob ng kwarto ko at gumagawa ng group project sa MAPEH, actually apat kami e, kasama sina Leon at ang halimaw na si Gray. Christmas break na nga pala, ang bilis nu? Parang kakapasok ko pa lang ee. At dahil medyo matagal-tagal na rin akong pumpasok sa school na yon, naging kaclose ko na si Levy at iba ko pang mga kaklase.

"Sus hayaan mo na sila Levy, kapag di sila dumating bago natin matapos 'to, di nanatin isusulat pangalan nila sa mga nagsubmit, unfair yun para saten."

"Hay, asan na ba kasi sila?"

"Ay naku baka nambaba-----!"

Tok Tok Tok Tok. Ayun, narinig naming may kumatok. Kaya naman tumayo ako.

"Sino yan?"

"Lucy, si Mama to"

Binuksan ko naman agad yung pinto. "Oh Ma, bakit po? May kelangan ka?"

"Wala naman anak, may naghahanap kasi sayo sa baba ee, kaklase mo ata"

Sinilip ko muna mula sa second floor yung mga tao dun sa may front door namin, at kumpirmado, yung dalawang mokong nga.

"Yes, Ma, classmates ko sila. Ako na po ang magpapasok. Salamat po!"

"O sige, nandun lang ako sa kusina. Tawagin mo lang ako kapag may kelangan kayo o kung nagugutom kayo huh."

"Sureness mudra!" Sabay halik sa pisngi ni Mama. Close kaming dalawa ni Mama ee, I even share my secrets to her. At sinasabi ko din sa kanya ang lahat ng bagay na nangyayari saken, sa school, pag naggagala kaming tatlo nina Wendy at Mira. Lahat lahat. Kaya nga mahal na mahal ko yan ee. She even give me good advices tuwing nagkakaproblema ako. I love my mom so much.

Bago ko bumaba binalingan ko muna si Levy at sinabing susunduin ko lang yung dalawa sa baba. Bumaba na ko sa may front door na may  "bat ngayon lang kayo look" sa aking mukha.

At mukang nagets naman agad ni Leon. "Oh, wag mo kong tignan ng ganyan. Di ako ang may kasalanan kung bakit kami late."

"Buti alam niyong late kayo, at buti dumating pa kayo. Kanina pa si Levy dito at nagrereklamo na dahil pagod na pagod na siya. Maga na nga ata yung kamay nun e, kakagupit"

"So-sorry Lucy, si Gray kasi may dinaanan pa kanina, kaya medyo natagalan kami." 

Tumingin ako kay Gray na nakapamulsa at nakayuko lang.Di ako convince sa sinabi ni Leon at bumaling ulit sa kanya.

"At san naman kayo pumunta? Sus, nambabae lang kayo ee!"

"Death Anniversary ni Papa, dumalaw lang kami ni Leon. Ang init kasi kanina kaya di kami agad nakaalis don. Wala naman kaming sasakyan, kaya napatagal yung biyahe" Sabi ni Gray

Parang napanganga ko sa sinabi ni Gray, ngayon ko lang siya nakita o narinig na mahinahon na nagsalita saken. Simula kasi nung first day of classes lagi na lng kaming nagbabangayan nyan ee. Parang laging may gyera sa classroom pag nagkakatagpo ang aming landas. Nagulat din ako huh, infairness. Ito ba ang tinatawag nilang soft side ni Gray? It can be. Ang gwapo niya pag mahinahon huh....................

Eff! Anung gwapo Lucy? You're insane! Yang halimaw na yan ,gwapo? Yuck! Kay Leon na lang ako!

"Ahh ganun ba? Sana sinabi nyu samen o kaya tinext nyu kame. Uso naman yun di ba?" 

"Sorry talaga, lobat kasi ako, yung cellphone naman ni Gray naiwan niya sa kanila."

"Ang dami nyung palusot! Hmmp" Medyo nakangiti na ko nito.

"Manenermon ka na lang ba?Kanina pa kami dito sa pintuan o? Nakakangalay na!"

Sinasabi ko na nga ba e, halimaw ka talagang Gray ka! Walang soft side to, puro hard side lang ang meron toh! Soft side, soft side! Pwe!

"Ay, sorry naman sir! Sige pumasok na ho kayo, nakakahiya naman kasi, late kasi kayo e." Sinasabi ko ng may pagtitimpi sa boses. Baka kasi marinig ni Mama na inaaway ko yung bisita.

Pagkarating namin sa kwarto. Sinalubong agad kami ni Levy.

"What took you so long? Antagal niyo ah, hala Leon ikaw naman mag gupit nito, ansakit na ng daliri ko!! Aray!"

"Sorry Levy!"

"Bakit ba antagal niyu, dapat ilibre niyu kame ng pizza ni Lucy sa mall! Andame nanaming nagawa oh?"

"Sure! Treat namin kayo ni Gray, di ba Gray?"

"Libre niyu muka niyu!"

"Ano ka ba pare, para naman makabawi tayo sa kanila, tayo naman may kasalanan e, di nating nasabi sa kanila na dadaan tayo dun sa Papa mo"

"A-Y-O-K-O! Ayoko!"

"Sige na pare!"

"No way!"

"Please Gray,?" Sabat ni Levy, mukang gutom na gutom lang ahh.

"Tanungin niyu si Miss Sunget.!"

Humarap sakin sina Levy at Leon. Bakit kaya? Miss Sunget? Sino yun? Ako ba yon?

"Lucy?" sabi ni Levy

"Huh? Ako ba?" I said it with my index finger pointing on me. 

"Ay, hindi ako yata yun Lucy." sagot ni Levy. "Lucy nga di ba?"

"Miss sunget ka dyan! Di ako masungit no?"

"Ang dami pang dada ee! Gusto mo bang pumunta ng mall o hindi? Sasagot ka lang, for God's sake!" Sabat ni Gray. Ako pa talaga tinwag niyang masungit huh? E mas muka ngang lagi siyang meron kesa saken sa tuwing maguusap kame ee.

"Bakit ba ang sungit sungit mo huh? Pwede mo naman akong tanunging ng maayos aa?"

"Ang arte arte mo kasi e, oo lang at hindi, di mo pa masabe?"

"Pakelam mo ba?" Palapit na ko sa kanya para sana makurot, mahampas or in other words murderin ng humarang sina Leon at Levy sa gitna namin. Sayang!

"Guys, can you just get along with each other? Kahit ngayon lang, please." Paki usap ni Leon

"Oo nga guys, dapat magkakasundo tayo lalo na ngayong nagugutom na ko" Sabi naman ni Levy.

"Eh eto kasing masunget na 'to eh, oo at hindi lang, di pa masabi."

"Ang sunget mu kasi ee,---!"

"Stop! Stop! Stop! Tama na nga yan, Lucy, ano kaen tayo sa mall?" Leon asked.

"Hay, for the sake of Levy's stomach, Ofcourse, Yes! Eto lang kasing si Gray e, tatanungin lang naman ako ng maayos di pa magawa"

"Tinanong naman kita ng maayos ah?"

"Tinanong ng maayos, e pasigaw nga yung ginawa mo? Maayos ba yon?"

Pumagitna na naman si Leon at Levy saming dalawa.

"Ano ba naman kayong dalawa, please lang, kahit ngayong hapon lang na'to, please, magbati muna kayo." Sabi ni Levy.

"Shake hands!" sabi naman ni Leon.

"Duh," I mumbled with rolling eyes.

"As if" Gray said.

"AS IF din!" sagot ko.

"Guys, please" hawak ni Leon yung dalawa braso namin ni Gray at pilit na pinagdidikit.

Para matapos na lang ang usapang to, inabot ko na yung kamay niya at nakipagshake hands.

"Yey!" maligayang wika ni Levy. "Lets go!"

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon