CHAPTER 5
Lucy's POV
"4 3 2 1! MERRY CHRISTMAS!" Sabay sabay naming bati sa isa't isa nina mama habang nagkacountdown for Christmas.
"Merry Christmas Ma!" I kissed my Mom on her cheeks as I give her my present.
"Ano ka ba Lucy, dapat hindi ka na nagabala pa."
"Sus, si Mama naman. Nahihiya nga ako sayo dahil yan lang ang nabigay ko sayo. Kulang pa yan kung tutuusin"
"Ako nee-chan wala?" Pagsabat naman ng little sister kong si Kinana. Weird name no.
Nee-chan is the Nihongo for Ate. Bakit nagninihongo si Kinana?. Just wait. Haha.
(*Author's Note*: Actually, hindi talaga siya weird. Name yan ng isa sa mga character sa FAIRY TAIL. Haha. Merry Christmas Lucy!)
"Ofcourse meron. Di mawawalan ang baby namin" I gave her, her present as I kissed her on her cheeks. Actually, di na talaga baby si Kinana. 11 years old na yan.. Super binebaby lang namin.
"Domo Arigatou gozaimasu Nee-chan" (Thank you very much Ate!)
" Dō itashi mashite a KInana" (Welcome Kinana)
"Oh Lucy, eto naman yung gift ko para sa'yo!"
Binuksan ko yung envelope na inabot sakin ni Mama. Pagkakita ko. Nagningning ang mga mata ko.
"Ma!" Sabay yakap ng mahigpit sa kanya. "Ang laki naman nito, dapat binili niyu na lang ako kahit isang piraso lang ng damit. Okay na saken yun."
"Ano ka ba Lucy? Para talaga sa'yo yan. Wala naman akong masyadong pinagkakagastusan ngayon. At malaki ang kita ang grocery store natin, idagdag pa ang pinapadala ng Papa mo para sa inyo ni Kinana."
"Pero grabe to Ma, halos 3 months ko nang allowance to eh"
"Pinaglaanan ko talaga yan para sa'yo anak. Kaya, bilhin mo kahit anong gusto mo. Gusto mo manonood kayo ng sine nina Mira at Wendy. Ilibre mo sila, at magshopping na rin kayo. Kahit ano gawin niyu"
Niyakap ko ulit si Mama. " I love you Ma!"
"I love you too, Lucy!" Napansin kong nangingilid ang luha ni Mama kaya binigyan ko agad siya ng tissue baka kasi makita ni Kinana na tumutulo ang luha niya. Magtanong pa yun ng kung anu-ano.
"Thank you Lucy"
"Naaalala niyo na naman siya no?"
Hindi sumagot si Mama.
"Ma, Christmas ngayon, dapat nagsasaya tayo at hindi nalulungkot. Huwag niyu na muna siyang isipin"
"Alam mong ni isang araw, di ko nakakalimutang di siya isipin Lucy lalo na ngayon at may communication na ulit kami. Kung sana nandito lang siya, masaya sana tayong lahat."
"I know Ma"
Pinahid na ni Mama yung luha niya nang makita niyang papalapit na si Kinana.
"Okaasan, look! I wear the dress that nee-chan gave me, isn't it cute?"
"Di ka lang cute Kinana, you look gorgeous!"
"Thanks Mom. Uhm, can I have a request?"
"What is it baby?"
"Pwede na ba tayong kumain? Nagugutom na ko e." Medyo pabulol na sabi ng aking little sister. How cute.
"Ofcourse! Tara na sa table"
--------------------------------
"Mira! Dito!" Tawag ni Wendy kay Mira. Nandito kasi kami sa paborito naming fast food chain. Yung paparapapam! Love ko 'to! Hehe.