"ANG KWENTO NG MANUNULAT NA AYAW MAGPAKILALA"

24 3 0
                                    


ni Darwin Narciso


Pwede ko bang sisihin ang puso ko?

Kung bakit kailangan niyang tumibok nang gan'to?

Tamang damdamin, maling tao.

Hindi na patas 'to, ako'y nalilito.


Nakilala kita.

Landas nati'y nagkita.

Sa magigiliw mong ngiti,

Langit ay mahinahong bumabati.


Oo nga pala, nag-hi ako sa'yo,

Mabait ka, kaya bati ko'y sinalo mo.

Naaalala ko pa 'yon,

'Di ko pa alam ang pangalan mo noon.


May pinagsisikapan kayong matapos.

Marami kayo n'on na nag-aayos,

At tumingin ka sa iyong relo

Pagkat nagtanong ako, "ano'ng oras na po?"


At, nagsimula na ang lahat,

Diwa ko'y naglimbag ng aklat.

Parang Romeo at Juliet,

Isa itong istoryang malupet.


Nag-knock knock ako sa 'yo,

'Yan kasi uso, kaya sinubukan ko.

Tapos, panandaliang tumigil ang mundo.

Grabe, 'di ka natawa kaya sobrang hiya ko.



Pero okay lang.

Chilax lang.

Biglang tumawa mga kaibigan mo,

Kaya napangiti ang mga labi mo.



Muli, tumigil ang lahat.

Ikaw at ako, kapwa tayong mulat.

Alam ko, naramdaman ko.

Mayroong ibig sabihin ito.


Aaminin ko na.

Pero, teka, ililihim ko muna.

Ay, ano ba?

Kakayanin ko ba?


Sandali! 'Di maaari!

May binatang nagmamadali.

Habang papalapit, puso ko'y nahahati

Siya ba ay taong inaalala ka palagi?


Hawak mo ang kanyang selepono,

Nasa kanya naman ang iyo,

At, ito nga ang mga pangyayari,

<>

Sa buhay niya ay mayroon nang hari.

How To Smile With HappinessWhere stories live. Discover now