KABANATA 8

53 8 6
                                    

Mabilis na naglakad si Laila pabalik sa maliit na bulwagan.

Hindi na niya natanong ang pangalan ng binata kanina dahil kailangan niyang balikan ang mga bata.

Nang makarating sa patutunguhan, iginala niya ang kanyang paningin para hanapin ang mga batang dapat ay tuturuan niyang magbasa.

Ngunit, ni-isa ay hindi niya mahagilap.

Nilibot niya ang buong paligid hanggang sa makarinig siya ng mga boses ng bata.

Mabilis niyang tinungo ang pinagmumulan ng mga boses hanggang siya ay makarating sa isang malawak na hardin.

Sa isang sulok, nakita niyang nagtitipon-tipon ang mga bata habang may kung anong nag-aaway sa gitna.

Lahat ay naghihiyawan habang ang dalawa ay parehong may hawak na kahoy, handang sugurin ang isa’t isa.

Sa sobrang pag-aalala ay mabilis na pumagitna ang dalaga sa nag-uumpukang mga kabataan.

“Itigil niyo yan! My gosh! Itigil niyo yan!” sigaw ni Laila habang nasa gitna ng mga bata. “Di maganda ang pakikipag-away!” pangaral niya dito.

Tahimik lamang na ibinaba ng mga bata ang kanilang mga sandata at saka yumuko, tanda ng pagsisisi sa kanilang ginawi.

Bumuntong hininga siya at saka hinaplos ang dalawang bata.

“Ayokong magkasakitan kayo… diba magkapatid na ang turingan ninyo? Wag na wag na kayong mag-aaway ulit ha? Ipangako ninyo sa akin.” Mahina niyang sabi sa dalawang bata.

“Ngunit hindi po kami nag-aaway binibini.” Sabi ng isang bata.

“Hindi kayo nag-aaway?”

Sabay-sabay na tumango ang mga paslit.

“Kung gayon ano ang ginagawa ninyo?” tanong ulit ni Laila.

“Nagsasanay.” Tipid na sabi ng isang boses mula sa kanilang likuran.

Kaagad namang nagsitabi ang mga bata para mabigyan ng daan ang kung sino man ang nagsalita.

Natigilan siya.

Isang lalakeng ilang dangkal ang taas kesa sa kanya. Ang buhok nitong mahaba ay mukhang mas maganda pa kesa sa mga babae. Ang kasuotan nito ay madalas niyang makita sa mga nagbebenta ng mga isda sa palingke.

Oh-erm-gheeeAng gwapo!

Napabaling siya sa kalahating bahagi ng katawan na bahagyang nakalantad dahilan para makita nito ang matipunong panganagtawan.

Ow-garshhhhh! May abs si fafa!

No! Laila behave. Wala ka sa tamang lugar at panahon para kumekerengkeng! Saway siya sa sarili. 

“Anong ginagawa ng isang maharlika dito?” pang-uuyam na tanong ng binata.

“Anong ibig mong sabihin?” balik niyang tanong. Medyo hindi niya nagustuhan ang pagkakasabi ng binata dahil may bahid itong sarkasmo.

“Walang maharlikang nagpupunta dito, kaya anong ginagawa mo rito?” malamig ang titig ng lalakeng  kaharap ni Laila.

Doon inatake ng katarayan at kamalditahan ang dalaga.

“Bakit? May batas bang nagbabawal sa kahit na sinong magpunta rito? May kautusan ba mula sa mahal na sanri na ang lugar na ito ay para lamang sa iilan? Sa pagkakaalam ko ginoo na ito ay bahagi pa rin ng liwasan. At ang liwasan ay bukas para sa lahat ng mamamayan ng kahariang ito.” Mahinahon ngunit may diin ang bawat salitang binitawan ni Laila dahil sa pagkainis niya sa binata.

 Ak Gugma (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon