KABANATA 7

84 9 8
                                    

Nang sumunod na mga linggo, naging pamilyar na si Laila sa mga daan papunta sa mga lugar na madalas nilang bisitahin ni Aves. Kahit di na siya samahan ng binata ay nagagawa na niyang mamili o mamasyal nang mag-isa.

Sa pakikipagkuwentohan niya sa binata ay nalaman niyang isa pala itong kanang kamay ng isa sa mga anak ng Sanri. Kaya inaasahan niyang hindi niya makakasama si Aves sa lahat ng oras.

Nalaman rin niya mula rito na ang kaharian ay binubuo ng apat na bahagi. Ang Hariya na pinaka puso ng kaharian dahil maliban sa dito matatagpuan ang palasyo ng mga dugong-bughaw; dito rin ang sentro ng kalakalan ng lahat iba pang bahagi ng kaharian. Dito rin naninirahan ang mga maharlika at may katayuan sa konseho ng palasyo.

Napapalibutan naman ang Hariya ng tatlong malalaking tribo. Ang Salug, Ginto at Bintag. Bagama't ang mga itoy nakapalibot lamang sa pinakasentro ng kaharian, di maikakailang sila ay importanteng bahagi ng kaharian sapagkat sa kanila nagmumula ang bumubuhay sa buong Kaharian ng Balangaw. Sa tribong Salug nagmumula ang mga yamang dagat kagaya ng isda, perlas, kabibe at marami pang iba. Sa tribong Ginto naman nagmula ang mga Kristal at iba pang kayamanang sa ilalim lamang ng lupa matatagpuan. At ang pangatlo ay ang Bintag na siyang pangunahing pinagkukunan ng bigas at mga kakaibang halamang gamot.

Sa kabuoan, halos nasa kahariang ito na ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kabuoan, halos nasa kahariang ito na ang lahat.

Pero paano kaya ito nawala sa mapa ng Pilipinas? Bakit kahit sa kasaysayan ay hindi naitala ang tungkol sa kahariang ito?

Sa pagkakaalam ko ay nabuo ang kaharian bago pa man ang pananakop ng mga kastila, ibig sabihin ang kahariang ito ang pinakamayamang pangkat sa buong bansa.

Bakit naging kwentong-bayan na lamang ang kahariang ito?

Ayon kay Lola, dahil raw ito sa kasamaan ng hihiranging pinuno ng kaharian.

Pero sino?

Sayang naman kung babagsak ang kahariang ito. Kung hindi ito mawawala sa mapa, siguradong ito ang hihiranging capital ang Pilipinas dahil sa mabilis na pag-unlad nito.

Bumuntong hininga siya. Bakit ba niya iniisip ang mga ganoon? Kailangan niyang bigyang tuon ang kung ano ang mayroon sa kasalukuyan. Hindi niya alam kung kailan siya makababalik sa hinaharap. Pero hangga't maaari ay mabubuhay siya nang walang pag-aalinlangan habang nandito siya sa kaharian.

 Ak Gugma (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon