KABANATA 11

55 10 6
                                    

Ilang linggo pa ang nagdaan ngunit hindi pa rin alam ni Laila kung paano nga ba siya makauuwi sa kanyang panahon.

Kailangan niyang malaman kung ano nga ba ang dahilan na siya ay napunta sa panahong ito. Hindi nga siya sigurado kung may pag-asa pa siyang makabalik... baka nga ay patay na siya at ang kanyang kaluluwa ang siyang naglakbay papunta sa panahong ito... o baka naman ay brain dead na siya at tanging makina na lang ang nagpapanatiling buhay sa kanyang katawan sa kasalukuyang panahon...

Ang daming pwedeng maging posibleng senaryo, pero ni isa ay wala namang nakapagbibigay sa kanya ng saktong kasagutan.

Sa halip ay tanging buntong hininga lamang ang ibinigay nito sa kanya.

Maraming beses na niyang sinubukang saktan ang sarili para lamang magising pero hindi talaga ito naging epektibo. Sa bandang huli napagtanto lamang niya na marahil ay talagang buhay pa siya dahil nakararamdam siya ng sakit.

"Tila ang lalim ng iyong iniisip..." pukaw sa kanya ni Mapuyo.

Kasalukuyan siyang nasa palasyo dahil sa paanyaya ng Vesiya, pagkatapos noong nakaraang pagtitipon sa bahay ni Dada Salem ay napag-alaman niya kung gaano kalapit ang pamilya niya sa pamilya ng sanri.

"Ha?" Sabi niya.

"Ang sabi ko, tila ang lalim ng iyong iniisip."

Oo nga pala, nais nitong marinig muli ang kanyang mga kwentong kamangha-mangha.

"Patawad, hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko." May lungkot ang boses ni Laila habang nakaupo sa isang maliit na bangko, nakatingin sa mga damong tinatapakan ng kanyang mga bahag na mga paa.

"Alam mo, hindi mo kailangang ipilit na magbalik ang mga alaalang ayaw manumbalik. Sabi kasi ng iba, may mga bagay na kusang dumarating sa nakataknang panahon. Malay mo, hindi pa ngayon ang oras o panahon na magbalik ang iyong mga alaala." Paliwanag nito.

Napangiti siya sa tinuran ng dalaga.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong kapalit ng pagkawala ng alaala ko sa panahon na ito ay pagdagsa ng mga imahe ng panahon sa hinaharap?" sabi niya sa kaharap.

Mukhang nakuha naman ang atensiyon ng Vesiya.

"Talaga? Kagaya ng mga nakikita ng mga baylan?..." tanong ni Mapuyo.

"Nakikita ba nila ang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng ilang libong taon?" pabalik na tanong ni Laila.

"Pilipinas? Kaharian ba iyon?" Nagniningning ang mga mata ng prinsesa habang nakatingin sa kanya, marahil ay iniisip nito na isa ito sa kanyang mga kwento.

Naalala niya na ang bansang ito ay pinangalanan na nang dumating na ang mga kastila. Hindi pa pala Pilipinas ang tawag dito sa panahon ng katutubo.

"Darating ang panahon na ang bansang ito ay papangalanang 'Pilipinas'..." pagsisimula niya, ngunit nagdadalawang isip siya kung sasabihin ang alam niyang naging kapalaran ng bansa sa panahon ng mga kastila.

"Sa darating na mga panahon... mga ilang daang taon mula ngayon ay magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng ating bansa... may mga kababaihang hindi lamang kagandahan ang maibibigay kundi pati talino at katapangan. Sa panahong iyon, kaya nang maging malakas ng kababaihan." Dugtong pa niya.

"Talaga? Ang ibig mong sabihin may mga mandirigmang babae sa hinarap?" tanong ni Mapuyo.

"Oo, sa katanunyan... kahit sino naman kung nanaisin ay maaaring gawin ang kanyang nais. Lalo na kung damdamin ang magbubugso nito upang gawin ang nais niyang isagawa." Pagpapaliwanag ni Laila kahit nahihirapan siyang managalog nang maayos.

Grabe naman kasi, para sa isang taong nabuhay sa panahong laganap na ang mga hiram na salita... nahihirapan siya ngayong magsalita nang puro.

Dapat yata ay nakinig siya nang maayos sa guro niya sa Filipino noong highschool siya.

"Ano pa?" sunod na tanong ni Mapuyo.

"Lilipas ang maraming taon at imbes na gumamit ng mga kabayo sa paglalakbay ay maaari nang sumakay sa mga de-makinang sasakyan ang mga tao... maaari na ring maglayag sa dagat at pati na rin sa himpapawirin." Puno ng damdamin ang kanyang pagkikwento.

"Tapos magkakaroon ng malalaking gusali kung saan doon maaaring magtrabaho o kaya mamasyal ang mga tao... mag-iiba na rin ang paraaan ng pakikipagkalakan, magiging mas mabilis at madali na ang buhay." Dugtong ulit niya.

"Talaga?" tila nananaginip na tanong ng prinsesa habang matamang nakatitig sa kanya. "Gusto kong mabuhay sa panahon na iyon kung saan maaari akong maglakbay sa kalangitan."

"Kung totoo man ang tinatawag na reincarnation, siguradong mabubuhay ka rin sa panahong sinasabi ko." Natatawa naman niyang sagot.

"Ano yung reincarnation?" nalilitong tanong nito.

"Isa itong wikang banyaga... kanluraning wika na ang ibig sabihin ay 'muling pagkakatawang-tao'. Kapag namatay ang tao, siya ay magkakaroon pa ng apat na pagkakataon upang mabuhay muli sa mundong ito, ngunit sa magkaibang panahon." Paliwanag niya na ikinatango lang ng kausap na tila naintindihan rin sa wakas ang kanyang nais iparating.

Magkikwento pa sana siya ngunit dumating si Silgan. Tinitigan siya nito nang malamig na para bang may nagawa siyang kasalanan.

Ano naman ang problema nitong si Silgan?

Mukhang kagagaling lamang nito sa ensayo dahil may pawis pang tumutulo sa nuo ng binatang prinsipe. Pero kahit ganun pa man ay mas nadagdagan lamang ang kagwapohan ng lalake.

"Shit." Bulalas niya.

Kahit yata napaka seryoso ng lalake at medyo may pagka misteryoso ang mga mata nito ay hindi pa rin maiwaksi ang kanyang paghanga. Sabagay, malayong-malayo ang itsura nito mula sa naiimagine niya habang nagkikwento ang kayang lola noon.

He is way better. pagsang-ayon niya sa sarili.

"Sheyt? Anong salita ang iyong ginamit?" Tanong ng binata.

"Isa pa itong wikang banyaga? Ayon kay Aves marami raw ang mga salitang banyaga na hindi nila maintindihan kapag nagsasalita ka." Nahihiwagaang tanong naman ni Mapuyo.

"Ah... Eh" naguguluhan siya. Ano nga ba ang kanyang sasabihin?

"Anong ibig sabihin nito?" Dugtong na tanong ulit ni Mapuyo.

"Ah...eh ... ano...shit este sheyt ... ibig sabihin ay ... Ano ... isa itong wikang kanluranin na ang ibig sabihin ay magandang araw ...tama ...tama ... yun nga ang ibig sabihin." lihim niyang kinukutasan ang sarili kung bakit ang dami niyang sinasabi.

"Ahhhh ... Ngayon ay alam ko na." Masayang napapalakpak ang prinsesa sa bagong kaalaman. "Sheyt sayo Manoy Silgan!" Bati niya sa nakatatandang kapatid.

"Sheyt rin sa iyo, Mapuyo." Bati pabalik ni Silgan.

What the heck? Ano itong nagawa ko? ... Baka maging "sheyt" na rin ang gamitin sa future!

Hala ka Laila! Lagot ka!

--
Itutuloy 😊

 Ak Gugma (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon