21.

76 6 0
                                    

Hara


ARGHHH ANOBAYAN!

kanina pa ko dito pero wala akong matapos, arghhh bukas na deadline nito eh!

crinumple ko na lang ulit ang pang pitong yellow paper na sinasayang ko dahil walang kwenta naman tong essay na nagagawa ko



bakit ko ba kase prinoproblema kung hindi ako pinapansin ni wonho? na kahit pilit ko siyang kinakausap sa school ay tatalikuran niya lang ako at parang wala lang ang presence ko sakanya? na hindi ko na siya palaging kasama kumain ng ramen sa 7/11 after school? na wala na talaga siyang pake saakin?!!


"ARGHH!"

binato ko nalang yung ballpen na hawak ko at isinubsob ang mukha ko sa table


Lumabas na lang ako sa dorm at dumiretso sa malapit na convenience store para kumain ng ramen at para mag palamig ng ulo.


Ewan ko ba parang bigla ko nalang palaging hinahanaphanap ang ramen simula ng masanay akong palagi akong nililibre ni Wonho, i feel empty without his ramen, i feel empty without him


tangina wag kayong mag-isip ng kung ano ano diyan

at ano ba tong iniisip ko? argh



nang makuha ko na ang ramen na binili ko naghanap ako ng pwedeng maupoan sa labas ng convenience store, may mga table din kase sa labas nito


umupo ako sa bakanteng table at habang kumakain ako na nakababa lang ang ulo naramdaman kung parang may lumapit sa pwesto ko


"uhm excuse me miss, pwede ba akong maki table? wala na kaseng bakante eh"

napatigil ako, familliar yung boses niya pero tumango na lamang ako na hindi iniaangat ang tingin at nag focus na lamang ako sa pag kain ng ramen


"t-teka H-hara?" napaangat ako ng tingin ng marinig kung nabanggit niya ang pangalan ko


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


"W-wonho?"


ang dami kung gustong sabihin sakanya pero tanging yun lamang ang lumabas sa bibig ko ng makita ko siya sa harap ko, kaya pala familliar yung boses niya


magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumayo at iniwan yung ramen niya at naglakad paalis, iniwan ko na lang din yung ramen na kinakain ko at hinabol siya



"Wonho!" pagtawag ko sakanya pero patuloy parin siya sa paglakad at parang wala siyang naririnig


Nangmaabutan ko na siya ay hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya sa paglalakad.


"Ano ba!"-wonho



"Sorry"


napatulala siya


nasa gilid kami ng intersection malapit sa isang poste ng ilaw at marami ding taong napapadaan


"Sorry na please, sorry kung pinaasa kita, kung gusto mo babawi na ako ngayon mismo sayo para lang pansinin mo na ulit ako!" hingal na hingal na sabi ko, nakakapagod pala tong habulin.


"Hindi naman yun ang problema eh!" pasigaw na sabi niya


"Eh ano!"



"Nagseselos ako!" napatigil ako sa sinabi niya


"Huh?" tanging lumabas sa bibig ko



"Nagseselos ako dahil hindi ako ang kasama mung kumakain ng ramyeon noon at di ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito sa tuwing nakikita ko kayong magkausap o magkasama! sa tuwing nakikita ko gano kalapad ang ngiti mo kapag siya ang kaharap mo!" teka nagugulohan ako bakit parang ibang wonho ang nasa harap ko ngayon?


"wait nagugulohan ako--"




"Gusto kita" at dahil dun napatigil ulit ako



Ano to? sudden confession? di ako ready eh



"Ikaw Hara, gusto mo din ba ako?" seryosong sambit niya


Di ko alam ang isasagot ko nabibigla parin ako sa pangyayari, nanatili akong nakanganga dahil sa gulat at pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan nakita ko ang mapait niyang ngiti



"Halata namang wala akong pag asa haha huwag kang mag-alala Hara pinapatawad na kita kailangan ko lang dumistansya dahil kailangan ko ng oras mapag-isa" at tumalikod na siya at nag simulang maglakad palayo




Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko di ko alam ang mararamdaman ko.


Shin Wonho why????

DRAMARAMENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon