Samantha's P.O.V.
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakaupo na kami ngayon sa sala kung saan silang anim nakaupo sa mahabang upuan. Samantalang ako nakaupo kaharap nila. Mukhang malalagay ako sa hot seat ngayon. Ngayon ko talaga masasabi na mukhang kambal si Nathan at Vivian. Talagang kuhang kuha ni Vivian ang mukha ni Nathan, girl version nga lang.
"Are you surprised Sammy?"nakangising sabi ni Vivian at saka inakbayan si Nathan. I'm really surprised talaga Vivian. Hindi ko akalain na magkikita pa kami.
"She's speechless, I guess she is surprised" agad akong napatingin sa tahimik na kasama nila kanina.
"Bakit ka nandito?"walang emosyong sabi ni Nathan. Sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin.
Bakit ba nagkatagpo kami ni Vivian sa airport? Ito na ba ang oras tadhana?
Napatingin sa kanya si Vivian ng may pagtataka.
"Why are you like that Nathan, last time na nagusap tayo tungkol sa kan-"agad na tiningnan ng masama ni Nathan si Vivian.
Nag taas naman ng kamay si Vivian at tinakpan niya ang bibig niya.
"Don't you miss her Nathan?"biglang nagtanong si Andre sa kanya. Wala akong makitang ekspresiyon sa mukha ni Nathan. Bakit niya ako mamimiss.
"I don't"diretsong sabi niya habang nakatingin sa akin. Bumagsak ang mga balikat ko sa mga sinabi niya.
"Do you still love her?"tanong naman ni moreno sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Unti unting nadudurog ang puso ko sa mga tingin niya.
Parang alam ko na ang isasagot niya. Ayoko na marinig. Hindi pa rin siya sumasagot. Huwag mo nang sabihin alam ko naman.
"Do you still love him Samantha?"ngayon napatingin naman silang lahat sa akin.
"Kung mahal pa kita kaya mo ba akong papasukin ulit sa buhay mo?"diretso kong sabi sa kanya. Nakita kong ngumisi siya.
"Ano sa tingin mo?"nakangisi lang siya ngayon at biglang tumayo at lalabas.
"I guess you don't love me anymore but I still love you, I still do Nathan. Kung ako naman ang gagawa ng paraan para mahalin mo ako I'll take the risk just like you said two years ago" napatayo na rin ako at hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagtulo.
Napahinto siya at humarap sa akin.
"That was two years ago and i realized that i was so stupid dahil ilang beses akong nagpakatanga at umiyak sa isang kagaya mo" that words hit me real hard. Napaupo ako at nilapitan ako ni Vivian.
"You crossed the line Nathan"matigas na sabi ni Vivian sa kanya. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Tama naman talaga siya. Inubos niya lang ang oras niya noon sa isang katulad ko.
Agad na tumayo si Vivian at hinatak palabas si Nathan. Agad namang lumapit si Andre sa akin.
"I'm sorry Samantha for asking"mahinang sabi ni moreno, ngumiti lang ako sa kanya.
"It's okay, kasalanan ko naman"inabot ni Andre ang hawak niyang panyo kinuha ko naman ito.
"Hindi ko akalain na kayang magmahal ng ganun ni Nathan Perez, He love seriously"napatingin ako kay Dylan na parang nabigla siya sa nakita niya kay Nathan. Nakatingin lang siya sa labas at kitang kita dito na nag uusap sila ni Vivian. Sinayang ko lang ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.
"Am I a heartless person not knowing na sobrang nasasaktan na pala ang isang tao?"nakatingin pa rin ako sa labas.
"Then why are you crying like this? You are not a heartless person you just love a person and that is part of loving, leaving someone para hindi masaktan" alam niya ba ang tungkol sa amin ni Nathan?
"I missed him" gusto kong malaman niya kung gaano ko siya namiss. Na gusto kong mayakap siya.
"He knows" siguradong sabi ni Andre sa akin. Nginitian ko na lang si Andre.
Biglang bumukas ang pintuan. Haharap na sana ako para kausapin ulit si Nathan kahit masakit ang sasabihin niya ng bigla akong niyakap ni Andre. Nagulat ako sa ginawa niya. Itutulak ko na sana siya kaso hinigpitan niya ito.
"I assure you he still loves you"mahinang sabi niya na nakatingin sa pintuan. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ng malakas.
Agad namang bumitaw si Andre sa akin at inakbayan ako. Napatingin naman sa akin si Vivian ng nakangiti.
"Okay ba Viv?"nakangising sabi ni Andre at natatawa na ngayon si Vivian. Saan pupunta ngayon si Nathan? Bakit umalis siya? Bakit nga ba siya magtatagal dito kung nandito ang babaeng ayaw niyang makita.
"It's okay Sammy, I know what to do." Nakangiti siya tumingin sa akin at kay Andre. May pinaplano ba siya?
Tumingin ako sa tatlong kasama nila at parang nagtataka sila sa anong mangyayari.
Ano ba talaga ang mangyayari?
BINABASA MO ANG
Begin Again
Novela JuvenilHindi na kailanman mababalik ang pagmamahalang matagal ng tinapos at hinding hindi na mabubuo ulit. Paano kung bumalik?