Samantha's P.O.V.
'Be careful Love'
'Be careful Love'
'Be careful Love'
Paulit ulit na naririnig ko ang sinabi niya. Kahit na ganoon lang sinabi bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya at itinayo ako ng maayos. Hindi pa rin umaalis ang paningin ko sa kanya.
Lumapit pa siya ng kaunti. Parang naririnig ko ang tibok ng puso ko sa sobrang bilis.
"You look more beautiful, beautiful that I can't take my eyes on you" namula ako sa sinabi niya, is this for real? Totoo ba talaga ang mga sinabi niya?
"Now you're blushing" tumalikod ako sa kanya at humarap sa pool. He's just drunk, amoy mo ang alcohol na ininom niya. But diba once na ang tao ay malasing nagsasabi ng totoo? Totoo ba ito lahat Nathan?
Humarap ako sa kanya pero huli na dahil papasok na siya ng bahay. Dali dali naman akong lumapit at hinarangan siya. Now this is the real Nathan I'm facing now. Ano ba talaga ang nararamdaman mo Nathan? Ang hirap basahin ang isang tulad mo.
"Step Aside"walang ganang sabi niya. Natauhan ba siya ss mga sinabi niya kanina. Those words are all lies? But the way he said it was real.
"Is there a little love left for me Nathan? Just a little?" Kahit kaibigan na lang turing mo sa akin tatanggapin ko iyon, basta maging okay lang tayong dalawa.
"Are you that desperate Torres?" Desperada na kung desperada but i just want to know the truth.
"Those words you said it was real" napangisi naman siya.
"Don't assume too well Torres, ang totoo lang dito ay walang tayo at hindi na maibabalik pa" madiin niyang sabi at dinaanan lang ako.
Don't be emotional Samantha, mas masakit pa ang naranasan niya kaysa sayo. Kaya magdusa ka! Deserve mo ito, deserve na deserve.
Hindi ko rin napigilan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Don't ruin the party, just leave for your own sake.
Agad akong lumabas at hindi na nagpaalam pa sa kanila. Mukhang masaya sila sa party na ito. I just don't want to ruin the mood they're getting now.
Naglalakad ako ng walang suot na sapatos. Mukha akong tanga. Pinunasan ko na ang mga luha na kanina pa tumutulo.
Biglang may huminto na sasakyan sa akin harapan at binaba ang bintana ng sasakyan niya.
"Get in!" Ghayle? Dahil wala naman akong mapuntahan ay pumasok na lang ako sa kotse niya.
"I'm sorry earlier, I don't want to be a bitchy to you" ngumiti siya sa akin, i guess she's not that bad. I kinda like her attitude.
"It's okay, I understand. So how's the talk?" Biglang nagbago ang ekpresiyon sa mukha niya.
"I get him now, kaya kahit na masakit tatanggapin ko na lang" mapait siyang napangiti.
Silence filled the room walang gustong mauna magsalita. Mas mabuti na ito.
"I texted Andre na kasama kita baka mag alala sila sayo"nag nod na lang ako sa kanya.
"Can you drop me in a hotel?"kahit hindi ako nakatingin sa kanya at nakapikit lang ako I sense na nakatingin siya sa akin.
"I can drop you in your house" dalawang araw na lang makukuha ko na ang susi sa bahay. Parang hindi rin naman ako magtatagal doon. Babalik na lang siguro ako ng UK for good.
"It's okay, but thanks anyway" i smiled at her, Andre is lucky to have a girlfriend like her, I mean ex- girlfriend. Mabuti kung magkabalikan sila ulit.
"I'm sorry to ask this but ex-girlfriend ka ba ni Nathan?how did she know? Maybe Andre told her.
"Naalala ko kasi na palagi kang nakukwento sa amin ni Nathan years ago, Parang magsasawa na nga kami dahil ikaw palagi ang bukambibig niya. He was lucky to have you" magkakabarkada pala sila. He's not lucky, malas siya na nakilala niya ako. Palaging nababalewala ko siya noon.
"Maraming beses ko siyang nasaktan, maraming beses ko siyang binalewala at maraming beses na siyang ngumiti kahit nasasaktan na siya, for me he's not lucky to have me" why i have to said those words to her?
"Mas swerte siya sayo, hindi mo lang nakikita. I saw you and Nathan sa pool area. The Nathan you saw today is the Nathan na hindi ka pa nakilala noon . At noong nakilala ka niya I guess he changed, magpakilala ka ulit sa kanya, ipakilala mo ang tunay na ikaw. kahit alam mong matapang siya he's not. He hide all his feelings not to get hurt again. He built walls around him once and you broke it. I guess you will have to do it again" hindi ko alam ang sasabihin ko kay Ghayle, pero mas nalilinawan ako ngayon, I guess it's time for me to get in action.
"I think we are here" masayang sabi niya. Agad akong napatingin sa labas. Nandito na kami sa hotel.
"Thank you Ghayle!"napayakap naman ako sa kanya. Niyakap niya naman ako pabalik.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Ficção AdolescenteHindi na kailanman mababalik ang pagmamahalang matagal ng tinapos at hinding hindi na mabubuo ulit. Paano kung bumalik?