1

353 2 0
                                    

 Napakaganda ng umaga ng aking ibukas ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga ibong kumakanta sa tabi ng aming bahay. Naamoy ko ang masarap na niluluto ng aking nanay. Pagtingin ko sa orasan ay nakalimutan ko na mahuhuli na ako sa aking paaralan. Ako nga pala si Carlo Francisco. Isang estudyante sa ikalawang taon sa hayskul.

“Carlo bumaba ka na diyan sa kama mo! Mahuhuli ka na sa klase mo,” sabi ng nanay ko.

“Opo Inay”

Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Agad rin naman akong nagbihis dahil alam kong mahuhuli na ako sa aking klase. Kumain ako ng kaunti at agad nagpaalam.

“Okey na po ito Inay. Aalis na po ako!” ang sabi ko.

“Sige anak. Huwag mong kalimutan ang pagkain na nilagay ko diyan sa bag mo ha!”

“Opo Inay”

Inayos ko na ang aking gamit at agad umalis ng bahay. Habang ako ay naglalakad papunta sa aming paaralan, ay napansin ko ang isang ilog napaka-dilim at napakabaho. Lahat yata ng dumadaan dito ay nandidiri sa masamang amoy nito. Ito ay tinatapunan ng napakaraming basura.Hindi ko na ito pinansin at tumuloy sa aking paglalakad.

Pagkarating ko sa eskwelahan ay agad akong pumunta sa aking silid-aralan. Pagdating ko ay wala pa naman ang aming guro kaya hindi ko na kailangan mag-paliwanag pa sa sa tanggapan ng punungguro. Agad akong nilapitan ni Samuel. Si Samuel ay isa sa mga kaibigan ko dito sa paaralan. Siya ay matalino, masipag at napakabait na kaklase.

“Carlo, naipasa mo na ba ang proyekto sa Filipino?” sabi ni Samuel.

“Hindi pa nga eh. Ano nga ba ulit ‘yung proyekto natin?”

“’Yung paggawa ng tula tungkol sa ating mga sarili. Nagawa mo na ba?” ang sabi niya.

“Ahh, ‘yun ba? Hindi pa eh, baka bukas ko pa magagawa”

“Ahh sige. Sa Huwebes na kasi ‘yun eh. Ipasa mo na lang sa akin kapag natapos mo na ha.” ang sabi niya.

“Sige, sasabihin ‘ko na lang sa’yo.”

Si Samuel talaga ang pinaka maaasahan ‘ko sa aming klase. Siya ay pinag kakatiwalaan ng aming mga kaklase at ng iba pa naming guro. Siya nga rin pala ang presidente ng klase.

Nang siya ay umalis ay nagulat ako nang biglang magsalita si Conrado. Isa siya sa mga kaibigan ni Samuel sa klase. Katulad ni Samuel, si Conrado rin ay isa sa mga matalino kong kaklase. Siya ay laging kasama ni Samuel kung ang buong klase ay may gagawing presentasyon o kahit sa anong bagay. Isa rin siya sa mga pinag kakatiwalaan ‘ko dito sa paaralan.

“May dala ka bang libro sa English?” ang sabi ni Conrado.

“Oo, bakit?”

“Kailangan ‘ko kasi eh. Nakalimutan ‘ko kasi ‘yung sa akin. Puwede ‘ko bang mahiram ng sandali ‘yung sa iyo?” aniya niya.

“Oo naman”

Ibinigay ‘ko naman kaagad ang aking libro sa kanya.

“Salamat! Ibabalik ‘ko rin ito sayo kapag tapos ‘ko na itong gamitin”

“Okey lang yun.”

Dumating na ang aming unang guro para sa araw na iyon. Pagkatapos niya magturo kami naman ay nagkainan na. Kami ay kumain ng sabay-sabay ng aking mga kaklase. Kami ay nagtatawanan sa kuwento ng bawat isa sa amin. Sa bilis ng oras, ay hindi ‘ko namamalayan na mag uuwian na pala. Kami ay nag-paalam na sa aming guro.

Inisip ‘ko tuloy kung ano ang aking mga gagawin pagdating ‘ko sa bahay. Kinausap ‘ko ang aking kaklase na si Ruben kung saan sila pupunta pagkatapos ng klase.

“Ruben,saan ba kayo pupunta pagkatapos ng klase?”

“Ah wala eh, mag-aaral kasi ako sa pagsusulit natin bukas sa Math” sabi niya.

“Ah ganun ba. Sige kita na lang tayo bukas.”

“Sige.” sabi niya.

Naalala ‘ko na may pagsusulit nga pala kami sa Math bukas. Si Ruben ay isa sa mga kaklase ‘ko na magaling sa Math. Kahit siya ay palaging makulit ay natutunan niyang mag-seryoso sa pag-aaral. Siya ang palagi kong kasama kapag kami ay may pupuntahang panlibangan ba.

Ang Aking Misteryosong KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon