4

86 0 0
                                    

Agad naman akong nagmadaling umuwi dahil gusto ko kaagad sabihin kay Erika ang napag-planuhan namin para sa programa. Pagdating ko sa ilog ay hindi ko siya makita sa inupuan namin kahapon. Ako ay naglakad muli at nakita ko siyang naglalakad.

“Erika!” ang sigaw ko.

“Carlo, o bakit? Mukhang masaya ka.” sabi ni Erika

“Oo naman, may magandang balita ako sa’yo”

“Ahh ganun ba? Ano naman yun?” ang tanong niya

“Napag-usapan namin sa aming klase na lilinisin naming ang ilog na ito para sa proyekto namin sa paaralan”

Nakita ko sa mukha niya na masaya at ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

“Talaga? Gagawin niyo iyon?” aniya niya

“Oo naman, diba pinangako ko iyon sa’yo kahapon”

“Salamat ha! Maraming salamat talaga!”

“Sinasabi kasi nila na may masamang ibinibigay ito sa kalusugan ng mga taong nakatira dito.”

Mukha na naman siyang gulat sa sinabi ko. Para bang may nasabi yata akong masama. Hindi siya sumagot sa tanong ko.

“May nasabi ba akong masama?” ang sabi ko

“Wala naman. Tama ka, marami ngang masama itong dinudulot sa tao”

“Ahh, dapat lumipat na rin kayo ng tirahan dahil sinasabi noon na may pamilya na nakatira malapit dito na namatay daw sa pagkalason.” ang wika ko

Mukha na naman siyang gulat at para bang hindi mapakali.

“May sinabi ba akong masama? Baka lang kasi maapektuhan ka at ang pamilya mo kung magtatagal kayo dito. Pero okey lang kung hindi.”

“Wala yun. Salamat na lang sa payo mo. Uuwi na rin ako baka kasi hinihintay na ako ng mga magulang ko. Salamat na lang ulit.” sabi niya

“Ah ganun ba. Pumunta ka bukas kapag naglinis kami dito ha. Sigurado ako na magiging masaya ‘yun.”

“Sige susubukan ko. Baka kasi hindi ako papayagan ng mga magulang ko eh. Magpapaalam din ako kung papayagan ako.”

“Sige, magkita na lang ulit tayo dito bukas.”

“Sige. Salamat ulit ha!”

Agad naman siyang umalis at parang nagmamadali. Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganun. Para bang may masama akong nasabi sa kanya.

Nang ako ay dumating sa bahay ay nandun na pala ang tatay ko. Sasabihin ko sa kanila ang gagawin naming paglilinis sa ilog.

“Nay, Tay, bukas po may gagawin kaming paglilinis sa ilog na malapit sa paaralan.”

“Maganda ‘yun. Aba'y bilisan mo diyan at matulog ka na ng maaga. Marami ka pang gagawin bukas diba?” sabi ng tatay ko.

"Ah, sige po"

Ang Aking Misteryosong KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon