2

133 0 0
                                    

Habang ako ay naglalakad pauwi sa aming bahay, ay nagiisip pa rin ako kung ano ang mga magagawa ‘ko. Napadaan ako sa ilog na aking nadaanan kanina. May nakita akong isang babaeng naglalakad. Nilapitan ‘ko siya dahil mukha siyang malungkot. Tinabihan ko siya nang siya ay umupo sa tabi ng puno.

“Oh, bakit ka malungkot?” sabi ko.

“Ay, wala lang.” sabi niya.

“Wag ka ng mahiya! Ako nga pala si Carlo, Carlo Francisco. Ikaw?”

“Ako naman si Erika Basilio.” ang natatawang sagot niya.

“Saan ka nakatira? Parang ngayon lang kasi kita nakita dito.”

“Nakatira lang kami sa kubo na malapit sa dulo ng ilog.” sabi ni Erika.

     Itinuro niya ito. Hindi ko rin ito nakita dahil sa mga malalaking puno na malapit dito. Nakapagtataka dahil sa tagal na naming naninirahan dito ay hindi ko alam na may mga tao rin palang nakatira doon.

“Ah, ganun ba. Paano ka nakakapunta rito? Mukhang marami ka pang lalakarin.”

“Ayos lang iyon. Gusto ko lang naman makita ang ilog.”

“Bakit naman? Ang dumi na ng ilog na ‘to, tapos gusto mo pang pumunta dito?”

“Naawa lang naman ako sa mga taong puwedeng magkasakit dahil na rin sa maruming tubig ng ilog at sa mabahong amoy nito na puwedeng malanghap ng mga bata” ang sabi niya.

“Bakit hindi mo linisin?” and pabirong sagot ko.

“Nahihiya kasi ako sa mga tao dahil baka pagtawanan lang nila ako.”

“Ah ganun ba. Saan ka naman nag-aaral?”

     Mukha siyang kinakabahan nang itinanong ko iyon sa kanya siguro kasi ay ngayon lang kami nag-usap.

“Hindi na ako nag-aaral kasi hindi naman kaya ng mga magulang ko na mapag-tapos ako ng kolehiyo.” ang sinabi ni Erika

“Ah pasensya na kung naitanong ko pa sa iyo ‘yon.”

     Nang makita ko ang aking orasan ay nagulat ako dahil gabi na pala at kailangan ko na magpaalam sa kanya.

“Sige bukas mag-iisip ako ng paraan para malinis natin ito at babalik ako dito”

Nakita ko sa mukha niya ang pagkatuwa.

“Talaga? Gagawin mo yun?” sabi ni Erika

“Oo naman! Para sa kalikasan!”

     Sabay kaming tumawa. Nakikita ko talaga sa mukha niya na masaya siya.

“Sige aalis na ako”

     Ako ay mabilis na tumakbo papalayo dahil  hinihintay na ako ng nanay ko.

“Sige, mag-ingat ka!” ang sigaw niya

     Pagkalingon ko ay hindi ko na siya nakita sa inuupuan niya. Siguro ay umalis na rin siya.

“Ingat ka rin!” ang isinigaw ko kung sakaling maririnig niya ito.

Ang Aking Misteryosong KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon