5

74 0 0
                                    

Napakaliwanag na araw ang sumalubong sakin ngayon. Mukhang magiging masaya at maganda ang mga pangyayaring magaganap ngayon. Malilinis na namin ang ilog at matutulungan ko na rin si Erika.

Kaagad naman na akong umalis at tumungo na sa ilog. Doon nakita ko na ang mga kaklase ko at iba pang mga taong ngayon ko lang nakita. Mukhang handa na silang lahat sa gamit at nakapagsimula na sila sa mga gawain. Nang makita ko si Samuel kaagad ko siyang kinausap.

"Oh Carlo ito na 'yung gusto mo oh. Kamusta naman?" sabi ni Samuel

"Ayos lang naman. San na ba ako magsisimula?"

"Itanong mo na lang kay Mark. Nandun lang siya. Siya ang nakakaalam ng mga gagawin natin. Itanong mo na lang"

"Ah ganun ba, sige sige."

“Carlo, doon ka magsisimula sa malapit na puno na iyon. Makakasama mo si Jerwin at Conrado.” ang sabi ni Mark.

“Salamat!” ang sinabi ko sa kanya.

Nang ako ay magsisimula ay hinahanap ko kung nasaan si Erika. Hinanap ko siya sa lahat ng mga naglilinis pero hindi ko siya nakita. Agad naman akong tinanong ni Conrado.

“Carlo, nasan na ‘yung sinabi mong kaibigan mo?” ang pagtataka niyang tanong.

"Hindi ko nga alam eh. Sinabihan ko pa naman siya kahapon na pumunta siya. Sayang nga dahil gustong gusto pa naman niya ang gagawin natin.”

Nakita ko sa mga mukha ng aking mga kaklase na sila sa kanilang ginagawa. Nang matapos na ito ay napakaganda na nitong tingnan. Kami ay nagtanim ng maliliit na halaman sa mga gilid ng mga puno. Maganda na ulit itong tingnan. Sayang lang at wala si Erika para makita niya ang mga ito.

Kaming lahat ay sabay-sabay umuwi nang matapos namin ang aming mga gawain. Habang ako ay naglalakad, iniisip ko pa rin kung bakit hindi pumunta si Erika kanina. Pagdating ko sa bahay ay agad akong kumain ng hapunan at natulog na sa kama.

Ang Aking Misteryosong KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon