" mga ala-ala ng kahapon "

1.6K 36 11
                                    


☪︎

Sa tadhanang magpalaro
Tayo ay pinagtagpo
Sumaya sa isa't isa ngunit hindi nararapat
na magsama
Kasi masasaktan lang ang pusong walang ibang hinahangad kundi ang mahalin ka.

Halina't ako'y dinggin,
Hayaan mong ikwento ko ang kwento natin,

Nagsimula tayo sa wala,
Hanggang sa nagkakilala,
Naging mag kaibigan,
Hanggang sa nag ka-ibigan.

Masaya tayo,
Sobrang naging masaya tayo ,
Pero sa isang iglap lang lahat ay nag bago,
Lahat ay unti unting ng magiging malabo.

Siguro ika'y napagod na, kay bilis naman sinta,
Kaya ang kwento natin ay hindi na maaaring ipatuloy pa,
Naputol na ang ugnayan nating dalawa,
Kaya pilit ko nang ibinubura ang lahat nang mga alaala.

Kaya nga hindi ko pwedeng ihambing,
Ang kwento natin, sa isang kwentong pambatang may happy ending,
Tayo ay nasa realidad,
Na hindi lahat ng pangarap ay natutupad.

Na hindi lahat ng tao ay mananatiling magkasama,
Na hindi lahat ng relasyon ay magtatagal pa.

Ngunit kung iyong mamarapatin,
Nais kong ikaw muli ay aking makapiling,
Sapagkat ikaw ay mahal ko pa rin,
Kahit na handang handa kang ako'y limutin.

Pero tama na-
Dahil mali na ang magsayang ng mga luha gayong mas ninanais mong maging malaya

Tama na-
Dahil mali na ang umasang pag sapit ng umaga kapiling na muli kita

Tama na-
Dahil mali na ang " tayo " ay ipagpipilitin pa, dahil mukhang masaya ka na sa iba

Sinta, bakit ganun? kay bilis naman ng panahon na tayo'y nagsama,
Kasing bilis rin ng panahon na lahat ay napunta sa wala.

Iniwan mo kong mag isa
Kahit na nangako ka na haggang sa dulo ay tayo paring dalawa

Lilipad nalang ba sa hangin
Ang mga katagang tinatak mo sa isip ko at  damdamin

Mahal kita, biglang napalitan ng ayoko na
Ikaw lang walang iba, biglang napalitan ng mas mahal ko siya

Anong nangyari? Hindi ba ako sapat?
Oh sadyang hindi lang ako sayo nararapat?

Saan ba ko nagkulang? nagkulang nga ba?
Oh sadyang nasabrohan lang kitang minahal kaya nagsawa ka?

Sinta, alam kong alam mong mahal parin kita
Pero tulad mo, ako'y napapagod din pala.

Ayeeezell

Tulala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon