Saan na ba ako? Hindi ko matandaan ang lugar na ito? Saang lupalop ng mundo ako napadpad? Wait, kilala ko siya. Sino nga ba ito? Anubayan! Hindi ko maalala. Kinakabahan ako! Anong nanyayari sa akin?
"Kayle, gising!" Sigaw ng taong nasa gilid ko
"Hmm?" sagot ko na para bang walang gana
"May napanaginipan ka bang masama?" may halong pag alala ang kanyang tono
"Huh! Wala naman. Wait anong oras na ba?" inuunat ko muna ang aking dalawang kamay
"Sure ka? Osige, Tara na! 5 mins na lang at mag t-time na." Aligagang sabi nito habang niyuyugyog ako
"Oo eto na po Ms. Rica" biglang niya akong hinila "Ow! Easy ka lang Rica, bumubwelo pa ako e"
"Natutulog ka pa ba sa bahay nyo?" habang nakatingin sa akin
"Oo naman e" pinilit kong ngumiti para hindi na ulit ako tatanungin ni rica
Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Hanggang narating namin ang room. Galing kasi kami sa field dahil duon ang aming tambayan ni rica. May mga upuan naman duon at mahangin pa.
Pagkaupo namin sa kanya-kanyang upuan. "Ayan tuloy late tayo" may halong disappoint ang kanyang tono
"Sorry rica, di bale gigising na ako ng maaga. Atska 5 mins lang naman tayo late e" mahinahon kong pagkasabi
"Kahit na, alam mo namang hindi ako nagpapalate. Yaan mo na! Makinig na lang tayo" halata pa rin sa mukha ni rica ang pagka frustrate. Madalang lang kasi siya malate at ako ang dahilan nito.
Major subject kasi namin ngayon at dahil na rin matandaan ang aming Prof, ready na ako ulit matulog pero bigla ako napatalon na lakasan nito ang kanyang boses.
"Oh! Yes, Kayle. What is credit? And describe its nature." tanong ni Prof. Alice, umaapoy sa init ang kanyang mga mata
"Ahm m-maam!" nauutal ako, anubayan!
"Hindi ka uupo kung hindi mo masasagot ang tanong ko." halata pa rin ang galit sa tono nito
"One of the unique features of our business system is that it operates to a large extent on promises, called credit" panimula ko "The word credit comes from the latin word credere which means to trust. The widespread use of credit is a strong evidence to support the belief that the people have trust in one another" huminga ako sandali at nagpatuloy ulit
"It might be helpful to point out-" bigla akong napatigil "Okay Kayle, so describe the nature of credit" medyo kumalma na ang boses ni Prof
"Credit is a two-way street. The sale of a good or service on the basis of deferred payment gives rise to existence of a credit transaction involving two parties, the creditor and the debtor. For every debtor, there is a creditor and vice versa." huminga ako ulit at tuluyan ng umupo
Narinig ko ang ibang classmates na pumalakpak pero hindi gaano malakas. Eto na naman ako, napabilib ko naman sila hays. Paminsan lang kasi ako nag r-recite dahil palagi akong natutulog twing nag l-lesson ang mga Profs namin.
Kahit palagi akong natutulog, nakakasagot pa rin naman ako sa mga quizzes and recitations e.
"Galing mo talaga sumagot at palagi mong napa nga-nga ang mga Prof." Out of no where, biglang may nagsalita
Sino ba ito?
Classmate ko ba ito?
Wait! Ahm!
"A- e!" hindi ko alam anong isasagot ko. Nag smile na lang ako sa kanya at nag smile siya pabalik pero ibang smile parang abot langit e. Hays!
Hindi ko na lang siya pinansin at matutulog na lang ako ulit.
-
wondershinexx 🐰
BINABASA MO ANG
You're in my dreams (LS4N1 INSPIRED)
FanfictionSabi nga nila kapag hindi ka makatulog, ibig sabihin nuon ay may taong pinapanaginipan ka at kapag naman may panaginip ka, paminsan naman ito ay magkakatotoo.