After nung party kila Kaye. Palagi akong may napapanaginipan, hindi ko alam kung masama ba yun or parang swak lang.
Actually, first day of school this year kaya nakauniform na ako lahat lahat pero gusto pa pumikit ng mga mata ko.
Kulang pa ang fifteen days na Christmas break nga beh huhu
"Anak, gusto mo sabay ka na lang sa akin? Para maka libre ka na ng pamasahe" inopen na ni mamsh ang pintuan sa tabi ng driver seat
(pangalawang beses ko na ito, sorry ulit hindi ko talaga alam tawag duon hehe)
"Yay! Osige mamsh, minsan na lang din naman tayo sasabay kaya gorabels" nag action pa ako ng parang wonder woman yung isusuntok ang right hand sa taas
pag pasok namin ni mamsh sa car, pinush ko ang open button ng stereo
Ako pa ba'ng lalapit
Ako pa ba'ng magsasabi
Ng di nya kayang ipagtapat
O bibitawan na lang lahat?
Kailangan ko yung matapang
May paninindigan
Kailangan ko yung may lakas loob
Hindi ko kailangan ng torpeSinabayan ko ang kanta, feel na feel ko nga kumanta e.
"Kayle, ang ganda pala ng boses mo. Nag mana ka talaga sa akin." Tumawa si mamsh ng malakas
"Che! Mamsh naman e, minsan na lang nga ako kumanta" sumimangot ako
"Joke lang 'nak. Ang ganda talaga, gusto mo ba mag voice lesson ka? Para mas lalong gaganda boses mo"
"Wag na mamsh, gagastos ka na naman sa akin. Atska pang sayaw lang naman ang laban ko."
"Osiya, ikaw bahala pero kung mag bago isip mo sabihan mo lang ako ha?" Sabay titig sa akin
"Opo, mamsh."
nang makarating na kami sa gate ng school, nag kiss ako kay mamsh at nag b-bye
"Hello, beh. New year na ha? Wag na masyado matutulog sa klase." binigyan akong matamis na ngiti ni Rica
"Beh naman e, alam mong ikakamatay ko kapag hindi ako makakatulog diba?" Kiniliti ko siya sa bewang
"Bahala ka na Kayle oy-"
"Big girl na ako, yes I know" pagpatuloy ko sa sinabi niya
"Tara na! Baka malate na naman tayo. Naku! Yaw ko pa naman nyan" bigla niyang hinablot ang left hand ko at tumakbo
Takbo. Lakad. Takbo. Lakad.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Pag dating namin sa Classroom.
May isang puting paper bag na nakalagay sa table ko.
Kanino kaya ito galing? Sa akin ba ito o nilapag lang sa table ko?
"Huwaw, Kayle! Puro tulog lang ginawa mo last year, may admirer ka na." pinalo ako sa braso
"Ikaw Rica" turo sa kanya "New year na baka gusto mo rin mag bago no? Tantanan mo na braso ko please lang" sabay himas ng braso
"Sorry beh, na carried away lang ako e yie" pinindot pindot ang bewang ko
"Shhh! Tama na. Duon ka na sa pwesto mo." tinulak tulak ko siya para lumayo na
Sino kaya nagbigay nito? Atska bakit alam niya favorite color ko? White.
Pag tingin ko sa right side ko, nakita ko si Kaye na nakapatong ang ulo sa table niya, nakaharap sa bintana.
Dapat kasi ako duon sa pwesto niya kay malapit sa window pero na unahan lang ako nitong lalak- ay babae pala.
Masarap kasi matulog duon sa pwesto niya kasi mahangin.
Bigla akong napaisip, paano kung si Kaye Riamo ang nagbigay nito sa akin? Huwaw naman Kayle, dakilang assumera ka talaga sa lipunan.
What if nga lang diba!?
Migracious! Kayle Andres, paano niya naman nalaman na favorite mo ang color white. Naku!
Pag open ko ng paper bag, isang maliit na unan na color white tapos may flower flower ang design.
Ang cuteeeee tapos ang lambot lambot, naalala ko tuloy yung sofa nila Kaye.
Kung si Kaye man ang nagbigay nito, yaan niyo na ako maging assumera basta kung siya man baka narinig niya ang gusto ko hahaha.
Ayaw niya sigurong iuwi ko or hiramin ang sofa nila. Binigyan niya na lang ako ng unan na katulad nuon.
Ready na akong gamitin sa pagtulog ang unan na biglang may Prof na pumasok sa room namin
"Excuse me! Class, Cooperative and Micro financing ba na subject niyo ngayon under kay Mr. Martinez?
Nag yes kaming lahat
"Today, wala muna kayong klase but still may iniwan siyang Assignment sa inyo."
Hindi ko na pinagpatuloy makinig at matutulog na lang ako.
-
Torpe by Patch Quiwa ang song. Pakingan niyo maganda super. Para sa mga taong nakagusto sa isang torpe hehe.
•picture ni Patchie•
wondershinexx 🐰
BINABASA MO ANG
You're in my dreams (LS4N1 INSPIRED)
FanfictionSabi nga nila kapag hindi ka makatulog, ibig sabihin nuon ay may taong pinapanaginipan ka at kapag naman may panaginip ka, paminsan naman ito ay magkakatotoo.