YIMD Five

2.3K 26 4
                                    

Ano ba yan! Ihing ihi na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano ba yan! Ihing ihi na ako. Ang dami ko sigurong tubig ang nainom ngayong umaga.

Lunch time na at dito na muna kami sa cafeteria ni Rica kumain. Mamaya na lang siguro kami pupunta sa tambayan.

Pero seryoso ihing-ihi na talaga ako, puputok na beh huhu

"Beh, CR muna ako. Bantayan mo muna bag ko please" pagmamadali kong sabi

"Oh! Sige, beh. Pagkatapos ko dito, susunod ako ha?"

tumango lang ako at umalis

Hindi ko na talaga kaya, tumakbo na ako papuntang CR

Nang nakasurvive na, may bumukas sa pinto

"Beh, ang bilis mo naman. Wait! Palabas na ako." pagbukas ko ng pintuan sa cubicle

Shet, may lalake

Wait! Lalake nga ba?

Pagharap niya sa akin

"K-kaye?" nauutal ako anubayan

"K-kayle!" nauutal din siya

"Ano ginagawa mo dito? CR ito ng mga babae"

tumawa siya pero bigla lang naman din nawala siguro na realize niya natutulala pa rin ako

"Sorry, sorry. Sino ba nag sabi na bawal ako dito? Babae din naman ako ha? Pero lalake nga lang sa paningin mo" ngumiti siya "Beh"

dahan dahan siyang lumapit sa akin, napa atras ako kaunti. Ano ba nanyayare sa kanya? lumapit pa siya sa akin hanggang sa nakapasok kami sa cubicle na pinasukan ko kanina

Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hinahayaan ko siya na lumapit sa akin? MIGRACIOUS! Self, sumagot ka naman.

"Wag ka matakot Kayle, wala naman akong gagawin sayo e" halatang humihingal si Kaye sa pagsasalita

Gamit ang kanyang dalawang kamay hinawakan niya ang aking balikat at pinuwesto ako sa gilid, sinirado niya ang inidoro atska umupo

"Sorry ulit Kayle. Wag ka muna umalis kahit 10 minutes lang." hinawakan niya ang kanyang dibdib, humihingal pa rin siya

"Bakit naman? Oy! Kaye, anong gagawin mo sa akin?" nilagay ko ang aking dalawang kamay sa dibdib na pa ekis

tumawa ulit siya

Bakit palagi siya tumatawa o ngumigiti? Endorser ba siya ng Close- up o Collgate? Naku! Naku! Naku!

"Gusto ko yan!" tumawa siya ulit

ANO? tama ba ang narinig ko? Anong gusto niya? Ako? O ang katawan ko? MIGRACIOUS!

"Wala yun ha? Expresion ko lang yun. Sorry ulit. Wala naman akong gagawin sayo Kayle e. Ganito kasi yun" huminga siya ng malalim "Sana maniwala ka. May humahabol kasi sa akin, tatlong babae, lower year yata sila. Tapos feel ko minanyakan nila ako" bigla niyang ginaya yung kamay ko na pa ekis

"Etong CR lang kasi ang nakita kong solution. E hindi naman ako pwede sa CR ng mga lalake kasi alam nilang babae din ako" patuloy niyang sabi

tumango lang ako sa kanya habang tumitingin sa mukha niya. Ewan ko kung bakit may magnet siguro siya kaya napapatingin ako sa mukha niya

Ang linis-linis ng face niya parang walang bahid na pimple man lang. Hindi talaga halatang babae siya kasi pormang lalake talaga.

Nga pala hindi sumusuot si Kaye ng pambabae na uniform, panlalake ang sinusuot niya. Pwede kasi dito sa school namin.

"Kung pera lang siguro ang salitang sorry, mayaman na siguro ako ngayon." nag half smile ako sa kanya

"Huh? Bakit?" takang-taka pa siya

"E kasi naman kanina pa ako nakakatanggap ng sorry mo"

"Hala! Sor- ay ano! Ah!" napakamot na lang siya ng ulo

Tumawa naman ako sa kanya, duh nakabawi din ako. Kanina pa kasi ito tumatawa at ngumiti, hindi lang naman siya may karapatang maging masaya

Okay! Walang connect mga beh

Uwi na ako huhu

Huminto na ako sa pag tawa at na f-feel ko na kasi ang mga butil ng pawis ko

Bakit kasi walang aircon dito sa CR, ang init-init

Gagawa na ako ng move para makaalis dito. MIGRACIOUS!

"Kaye, nilock mo ba ang pinto?" pag aalala kong tanong sa kanya

"Oo naman" ngumiti ulit siya

"KAYE RIAMO? NANDYAN KA BA? ALAM NAMING NANDYAN KA" ang lakas ng katok nila sa pinto

"Gusto mo ba lumabas ako? Para umalis na sila?"

"Huh? Paano mo naman gagawin yun? Atska baka ipamimigay mo lang ako sa kanila" yumuko siya at halata na nalulungkot ang tono nito

Ava! Kaye Riamo, di mo ako madadaan dyan no.

"Trust me! Atska akin ka ba?" tinaas ko ang kilay ko

nabigla siya kaya, tinaas niya ang ulo nya at sinabing

"Paano ba ako magiging sayo, Kayle?"

-

Kenekeleg ake nebeyen! Hahaha. Ewan ko talaga, naririnig ko ang boses ni Kaye Cal. Baka nasa tabi ko na yung kaluluwa niya! Hala!

Last chapter na po ang next update hehe. Hindi ko nga alam kung paano ko yun tatapusin hahaha. Send help.

wondershinexx 🐰

You're in my dreams (LS4N1 INSPIRED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon