Four

6 3 0
                                    

Four

"Hi, goodmorning, Vienne." Bati sa akin ni dad. Lumapit ako sakanya at kiniss siya sa cheeks. Kahit na nagtatampo ako dahil hindi niya ako nasamahan nung isang araw para mag-tour at wala siya kahapon dahil nag-over night daw sa office, eh hindi naman pwedeng hindi ko siya pansinin, 'diba?

"Goodmorning, dad." Saad ko at ngumiti ng kaunti. Umupo na ako sa may upuan dito sa dining table para saluhan siyang kumain ng breakfast.

"Princess, I am really sorry if I blew you off that day. Emergency kasi talaga. Kinailangan ako ng isang mahalagang tao para sa akin." Pagpapaliwanag niya. Yeah, okay lang. Napadala niya nga ako sa States ng twenty years at natiis niyang hindi ako kamustahin, so bakit pa ako magmumukmok ngayon? Sanay naman na.

"Okaaaay. It's alright." Saad ko. Kumuha nalang ako ng bacon and hotdog at kinain na 'yon. Binigyan din ako ng isa naming kasambahay ng kape. "Ay, excuse me po, I don't drink coffee. Hot choco will do." Sabi ko. Tumango naman siya at kinuha yung kape na ginawa niya para sa akin.

"Your mom doesn't drink coffee, too. Hot chocolate lang rin ang iniinom niya. Oh, I wish your mom's here to see her mini me." Nakangiting sambit niya. Yeah, I wish she's here, too. Pero I don't wanna think about it because I don't want to get emotional dahil it's too early in the morning to cry and make drama. Ya' know? A day will be wasted if I let myself get dramatic. Phew.

"Where's Aunt Thania?" Yan nalang ang nasabi ko dahil I don't know what to respond. And, hindi ako sanay na hindi kasabay si Aunt Thania kumain.

"May pinuntahan lang siya. Babalik daw siya before sunset." Napatango nalang ako.

"So, what're your plans for today?"

"I don't know, dad. Hindi ako nakapag-research kagabi kaya I don't know what kind of activities I can do." Sagot ko. Busy kasi ako kahapon, tumulong ako dito sa bahay maglinis at naglinis din ako ng kwarto ko. Syempre, nagtanim din ako ng kung anu-ano sa garden namin dahil sayang naman kung walang makikitang kakaiba dito, ang laki pa man din ng garden.

"I know someone that has a child that can accompany you. If you wanna go out, you can go with him." Umiling ako. Ayoko na muna gumala. "Or do you want to come with me sa company?" Nakangiting tanong niya. Napa-isip ako. Hmmm, pwede naman. "You know, someday you'll be the one handling our company so gusto ko sana makilala mo na ang mga makakasama mo." Yeah, I think that's a good idea. Someday, ako na hahawak ng company ni dad. Sige, gusto ko rin naman makilala ang mga taong tumulong at hindi nang-iwan sa daddy ko.

Naligo na ako at nag-bihis. Pumasok ako sa walk-in closet ko para maghanap ng damit. Kahapon pala naayos ko na rin ang mga gamit ko, nilagay ko na sila kung saan sila nababagay.

What to wear, Vienne? Kailangan ba formal attire? Or pwede na ang casual? Hindi naman kasi ako pumupunta sa mga company kaya hindi ko alam kung ano ang dapat suotin. Formal or casual? Hmm...

Okay, fine. I just wore a plain violet dress na sleeveless, nilagyan ko rin ng necklace na mas mahaba kaysa dun sa bigay na necklace sa akin ni Aunt Thania na galing sa mommy ko. And I paired the dress with a black 3-inch heel and a small black shoulder bag. Nag-lagay lang ako ng liptint and no need to put other make-ups on dahil ako 'yung tipo na babae na mas okay ng walang make-up. After that ay bumaba na ako.

Mag-isa lang ako ngayon sa kotse dahil nauna na daw si dad. May bigla daw kasing dumating sa office niya kaya hindi na niya ako nahintay. Well, what to expect? Haha.

Ilang saglit lang ay tumigil na kami sa isang 5-story building na sa glass gawa. Wow. Sa daddy ko 'to?

Pinagbuksan na ako ng driver kaya bumaba na ako. "Welcome, Ms. Alveña." Bati sa akin nung guard. Nginitian ko siya kahit hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam kung paano niya ako nakilala dahil this is my first time na makapunta dito sa office.

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon