Six

9 2 2
                                    

Six

Oh shit. Nagising ako dahil parang may kung anong umaangat galing sa tiyan ko papunta sa lalamunan ko. Bumangon ako agad at pumunta sa cr dahil kailangan ko 'tong tanggalin.

Ewwww! Nakakadiri! Bakit ganun? Ganun ba talaga kapag nalalasing, susuka? "Yuck." Bulong ko. Feel ko meron pa kaya hinayaan ko ng lumabas siya sa katawan ko. Para akong baliw ngayon na kausap ang inidoro.

"Are you done?" Nanlaki ang mga mata ko. Omg? Bakit boses lalaki?! Pinunasan ko yung bibig ko dahil feel ko may lumagpas. Shocks, ang baho ng suka ko. Teka nga, sino ba siya?

Inikot ko ang mga mata ko para tignan yung cr. Waiiiiit a minute, color green ba talaga yung cr namin nila Liya? Oh shit. Wala akong maalala sa nangyare kahapon!

Humarap ako dun sa nagsalita. "Omg! Shaw?" Sigaw ko. Ngumiti naman siya at tumango. Wait, where am I? Tinignan ko yung sarili ko, may damit pa naman ako. Kung ano yung suot ko kagabi, yun pa rin naman suot ko ngayon.

"May... may ano, may nangyare ba?" Napalunok ako ng napakalaking bola ng laway. Napapikit rin ako at pilit inaalala yung mga nangyare kagabi. Oh my gosh!

"I wouldn't do such thing, mademoiselle." Nakangiting sagot niya. Pero bakit ba kasi siya nakangiti!!

Inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinignan ko muna siya. Oh fudge! Bakit ba ang pogi niya? Feel ko ang bango-bango niya! His face is the most perfect thing I saw in my entire life. Huhu.

"Alam mo, namumuro ka na ha, pangalawang beses mo na 'to na pinaghihintay ako." Sabi niya. Bumalik naman ako sa wisyo dahil sa sinabi niya. Agad kong tinanggap yung kamay niya dahil nahiya ako kahit papaano. Una pala yung sa panyo tas pangalawa 'to. Tyaka gusto ko na rin tumayo dahil hindi naman kami forever ng inidoro na 'to, 'no. Tyaka kadiri talaga! Huhu. First time ko 'to.

"Pero, Shaw, wala talagang nangyari?" Paninigurado ko. Better safe than sorry. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Huy, bakit?! "Gusto mo ba meron? Ready naman ako anytime!" Masiglang sagot niya. Pinakita niya pa yung biceps niya. Palibhasa kitang-kita dahil naka-sando lang siya. At medyo makapal din mukha niya ah! Tyaka bastos rin ang bibig. Grrrrr.

"Hoy. Excuse me, hindi ako ganun!" Sigaw ko sakanya at sinuntok yung biceps niya. Jerk!

"Sus, pa-simple ka pa. Gusto mo lang talaga hawakan 'tong muscles ko. Am I right?" What? Super kapal ng kalyo niya sa mukha, ha! Gigil niya ako!

Napa-irap ako ng super duper lalim dahil sa kayabangan at kabastusan ng lalake na 'to! Bakit mukhang ang bait-bait niya naman nung nagkita kami sa museum? Nakakagigil talaga siya!

"Aalis na ako!" Sigaw ko. Sinuot ko na yung tsinelas na gamit ko kagabi at kinuha yung phone ko. Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla siyang magsalita.

"Hmm, sayang naman. Magkwekwento pa naman sana ako kung anong nangyare kagabi and how you ended up here in my room." Bigla akong kinabahan. May ginawa ba akong kakaiba kagabi? Dahan-dahan akong tumingin sakanya. Nakasandal siya ngayon sa pader malapit sa may sala habang chill na inaayos ang buhok niya. Pero bakit ang chill niya lang? Huhu.

"Don't you wanna know how the hell you ended up here?" Tanong niya with matching pagtataas ng kilay and super nakakalokong ngiti.

"I hate you." Sagot ko at padabog na naglakad papunta sa sofa.

"Wag ka na sad, mon bébé." Saad niya na kinataas ng kilay ko. Ano sabi niya? "My baby"? What?

"Oops... Ikaw unang tumawag sa akin niyan kaya wag ka magalit. Sabi mo kagabi, yan na ang tawagan natin. 'Diba, ma princesse?" Literal na napa-nganga ako sa sinabi niya. Ano daw?! Bakit ba niya ako tinatawag na ganyan sa language na French?! Grrrr talaga!

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon