Five

4 3 1
                                    

Five

Maaga akong nagising dahil aalis ako dahil sabi ni dad, 'diba? Nag-bihis na ako at naglagay ng mga kung anu-ano sa bag na dadalhin ko. Magdadala na rin ako ng extra damit and everything.

Time check: 5:45 AM

Wow, ang aga pa pala talaga. Akala ko mga 7 na dahil medyo maliwanag sa labas. Tumingin ako sa bintana, okaaaaay. Ilaw lang pala siya. Haha! Shunga-shunga.

Mamaya pang 7 yung alis namin. Matulog pa ba ako or wag na? Kasi 'pag natulog pa ako baka hindi na ako magising at tuluyan na hanggang magtanghali. Sige na nga, hindi na ako matutulog. Sa halip ay pwede naman akong mag-ikot-ikot dito sa village. Right? Hihi.

"Oh, anong ginagawa mo dito sa sala, ma'am?" Tanong sa akin nung isa naming kasambahay. Ngumiti ako sakanya bago sumagot. "Mag-iikot ikot lang po." Tumango siya kaya lumabas na ako. Kinuha ko yung bike na color violet sa may garage. Hindi ko alam kung kanino itong bike na 'to. Bahala na. Kung kanino man ito, pahiram lang po saglit.

"Ma'am Vienne, saan po kayo pupunta?" Tanong sa akin ni Kuya Leo. Siya yung AM shift na guard namin dito sa bahay. "Ikot lang po, Kuya. Pakibuksan po yung gate." Sigaw ko. Sinunod niya naman ako. Dito lang ako sa village magiikot kaya alam ko namang safe at walang dagat na pwedeng mahulugan 'ko.

Ang hangin pa, siguro kasi maaga pa. Pero kasi hindi na nga masyado sariwa ang hangin dito eh. Medyo polluted na siguro rin ay dahil dumadami na ang population at global warming.

Nag-stop ako sa may parang playground dito sa village. Wow, hindi ko alam na may ganito pala dito. May mga swings and panlarong mga pang-bata.

Umupo ako sa may isang swing. I miss being a kiddo. Yung walang problema, walang iniintindi.

"Vienne?" Napatingala ako at nagulat kung sino yung nagsalita. "Omg! Vienne! It's you!" Sigaw ni Venera at niyakap ako. Sumunod na yumakap si Venecia habang si Veliya ay nakatayo lang at may hawak na phone.

"Woah. Okay, we'll keep her." Sabi ni Venera kay Venecia. Napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Kasi we were talking about you yesterday na if we got the chance to see you again, we'll keep you as our big sissy. Omg, it's destiny!" Pageexplain ni Venecia. Okay, now I get it.

Napangiti ako dahil biglang may pumasok na magandang ideya sa utak ko. "Hey guys, I know this is too weird but would you want to join me? Just to have fun, yea something like that." Alok ko. Ramdam ko na napatingin sa gawi namin ni Veliya. Omg, papayag kaya siya?

"I'll join." Mabilisang sagot niya. Sumunod naman agad yung dalawa kaya napangiti ako. Tawagan ko nalang si dad para sabihin sakanya na wag na ako samahan nung ipapasama niya dapat.

Umuwi muna ako sa bahay para magpalit. Nalaman ko na dito rin pala sila nakatira at sa kabilang street lang. Grabe, parang ang small world lang talaga.

Time check: 7:05AM

Okay, may 5 minutes pa akong paghihintay sakanila. Umupo muna ulit ako sa swing para lang pamatay oras habang naghihintay sakanila.

Kinuha ko yung phone ko at nagbrowse lang sa facebook. I tried searching for Shaw pero walang lumalabas. I mean, meron pala pero hindi siya. Sinubukan ko na ilagay ang full name pero wala, Shaw Joaquin, wala rin, Jorden Jaoquin, wala rin. I even tried to put his name backwards, pero wala pa rin. Baka naman wala siyang facebook account? Pero is it even possible? I mean, halos lahat na yata ng tao, well technically yung iba wala, merong facebook. Eh bakit siya wala? How can I stalk him? Huhu this is so sad.

May tumigil na isang kulay purple na Volkswagen sa harap ko. Omg, ang cute!

Bumukas yung bintana. "Hey! Come on!" Sigaw ni Veliya. Siya pala yung nagdra-drive. Tumayo na ako at tumakbo papunta sa kotse. Sa likod sana ako sasakay kaso sinigawan ako ni Veliya. "Don't tell me, gagawin niyo akong driver?" Nakataas-kilay niyang tanong. Oh, okay. Dun pala dapat ako sa shotgun seat.

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon