Chapter Ten-B
“Pare, tuloy pa rin ang plano. Dapat makuha mo ang mga videos mula kay Hyjea. We are counting on you, are you enjoying her already? You are one lucky bastard-.” Hindi na niya naituloy ang pakikinig sa phone dahil pakiramdam niya ay sinaksak ng ilang beses ang puso niya. Iyon baa ng dahilan kung bakit siya nito dinala sa isla? Lahat ng mga sinabi nito at lahat ng mga ginawa nito ay pawang pagkukunwari lang ba?
“Hyjea?”
Tiningnan niya ito ng masama. “Iuwi mo na ako Gleian.” Mahinang sabi niya gamit ang pinakacold na boses na pwede niyang mahugot mula sa loob niya.
“Teyka lang bakit? Anong nangyari?”
Kinuha niya ang cellphone nito at ibinato niya sa binata na mabilis nitong nasalo. “Stop pretending please pagod na pagod na ako. Kung hindi ko pa maririnig mula sa mga kaibigan mo ang dahilan ng pagdala mo sa akin dito hindi ko malalaman ang mga plano ninyo. Ginawa mo akong tanga Gleian! Don't worry I'll delete the videos.”
Pinunasan niya ang mga luhang umagos na naman sa mga mata niya. akala niya ay tapos na siyang umiyak pero hindi pa pala.
“Anong plano? Wala akong alam? Sino-.”
Pagak siyang tumawa sa inaakto ito. “Stop acting innocent stop hurting me Gleian I am so done with your games.” Lumabas na siya ng kwarto nito at bumaba ng bahay. Hindi na niya kayang makasama pa ito sa loob ng bahay.
Ilang sandali pa ay narinig niya ang mga yabag nito at hindi siya nagtangkang tingnan man ito because right now she is really hurt.
“Alam kong nasaktan kita dati Hyjea, alam kong muntik na kitang mapahamak dati. I already apologize for that pinagsisihan ko na iyon. hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko upang mapatawad mo sa lahat ng kasalanan ko. That call, I don’t know everything about it. Wala akong pakialam kung ipagkalat mo man nationwide ang buong video na iyon I don’t really care dahil kung anuman ang gawin mo upang mapatawad mo ako or kami. Dinala kita dito hindi dahil doon dinala kita dito dahil mahal na mahal kita.”
“Stop Gleian, stop with your lies please.”
“I am not lying Jea.” May pait na bahid sa boses nito. “Ganoon ba talaga kalaki ang galit mo sa akin at ng hindi mo maramdaman kung gaano kita kamahal? Lahat ng ginawa natin dito lahat ng sinabi ko lahat iyon totoo. Walang pagkukunwari hindi ko alam kung paano kita minahal basta nagising nalang ako isang araw na ikaw ang mahal ko. Na ayokong mawala ka sa akin.” Bahagyang humina ang boses nito. “But I guess my love for you will never be enough to trust me. Hindi ako anghel mas lalong hindi ako ang Diyos Jea. Hindi ako perpekto dahil tao lang ako inamin ko naman na nakagawa ako ng pagkakamali dati. I didn’t denied it pinagsisihan ko na iyon. This must be karma, sa lahat ng nagawa kong kabalbalan dati heto ako ngayon nag-aamot ng kaunting kapatawaran at pag-ibig mula sa iyo.”
BINABASA MO ANG
Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)
Romancenote: This contains scenes that aren't suitable for young audiences. (SPG) TEASER: Sa bawat ulan, may araw Sa bawat luha, may ngiti Sa lahat ng sakit, may ligaya Pero, paano naman siya? All she did is to be the best for her family but he ruined it...