Chapter Ten-A

115K 1.8K 80
                                    

Chapter Ten-A


            Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa labas ng bahay. Hindi naman siya lumayo dahil baka mawala siya hindi pa naman niya gamay ang islang iyon. It has been five days since he brought her in that island. Tama, nakalimang araw na siya doon and eversince that day, noong unang araw na dinala siya nito sa isla ay hindi na muli itong nagtangkang galawin siya.



            Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis…



            Ito na siguro ang pinakamatagal na pagsasama nila ni Gleian at inaamin niya natutuwa siya dito. Para kasing nakikilala niya ang tunay na Gleian. May nadagdag at may nawala sa mga impressions niya dito.



            He can be bipolar.



            He can also be the sweetest guy living in the planet right now. Maalaga din ito at madalas siyang pinapagalitan kapag nakita siya nitong gumagalaw sa kusina, baka daw kasi may mabasag siya at maapakan niya tapos masugatan din siya. Opo, siya na ang OA pero natutuwa siya dito. Makwento din ito, madaldal at mahilig mang-irap. Kapag galit talaga ito ay hindi ito umiimik at hindi nagsasalita sabi kasi nito kapag nagsalita pa ito at nag-aaway sila baka sumabog silang dalawa. It’s really weird pero nasakyan na rin niya ang ugali nito.



            Training na rin siguro ang pagsama niya kina Gypsy, Kirra, kIssa, Summer at Chrome. Mga baliw kasi ang mga iyon, si Gleian ang pinagfused na kaibigan niya. Ang ayaw lang niya talaga kay Gleian ay ang pagiging mayabang. Lampas langit.



            Ngayon lang niya napagtanto na may mga bagay talaga sa mundo na kailangan mong kilalaning mabuti upang mas lalo mong maintindihan. She can compare love to an abstract painting… alam mong painting pero kung hindi mo pagtutuunan ng pansin hindi mo malalaman kung ano ang hugis at disenyo nito. Kailangan ng oras at pag-unawa upang mas lalong maintindihan ang nararamdaman mo.



            She felt something for him that is for sure.

 

           Pero nandoon pa rin ang takot sa dibdib niya kaya siguro hindi pa niya masure sa sarili kung mahal na ba talaga niya ito. And besides hindi na naman ito nag-open up sa kanya about that.



            Inilibot niya ang paningin sa buong paligid at napangiti ng mapansin ang ganda ng lugar, it is really breathtaking. Para kasing three in one na, may dagat na tapos may forest na. Ang buong isla kasi ay parang mini-forest. At ang puti ng buhangin, sobrang pino talbog ang boracay. Napatingin siya sa bahay, it’s also very nice. Hindi makaluma ang design pero hindi din gaanong modern…



            Shoot! Napansin niya ang pag-ilaw ng silid nila baka nagising na si Gleian. Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa bahay at nasa ibaba palang siya ay narinig na niya ang ingay mula sa kwarto nila. Mabilis niya iyong binuksan at kung nagulat ito ng makita siya ay mas lalo siyang nagulat sa hitsura ng silid na iyon na parang dinaanan ng bagyo.



            Nakahandusay ang mga cabinets, basag ang mga vases pati na rin ang lampshades. Ang kama ay gulong-gulo habang si Gleian ay nakahawak sa kumot na hindi niya alam kung ibabalibag ba o aayusin. Basta nalang nitong itinapon iyon at lumapit sa kanya.




Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon