ABALA sa pagba-browse sa internet si Tyra habang nagluluto naman si Colin.
Hindi pa rin siya makatingin kay Colin dahil hanggang ngayon ay hindi niya maalis ang imahe ng magandang korte ng hubad at maputing puwitan nito sa isipan niya. Isa pa, gaya no'ng nakaraan, nakasuot ng apron si Colin habang nagluluto. Pero wala itong pang-itaas.
Ang katwiran nito, maghuhubad lang din naman daw ito mamaya kapag nagpatuloy na sila, kaya bakit pa raw ito magdadamit.
"Spaghetti for my tigress," masiglang sabi ni Colin, saka hinain sa harap niya ang isang plato ng spaghetti.
Amoy pa lang niyon ay halatang masarap na kaya natigilan siya sa ginagawa niya. Pagkatapos magligpit ng mga pinaglutuan nito ay sinaluhan na rin siya ni Colin sa mesa.
"Tigress?" nakataas ang kilay na tanong niya kay Colin.
Tinaas nito ang kamay nito at inarte iyon na animo'y kamay ng tigre. "Rawr."
Yumuko siya nang mapangiti siya. "Right. Rawr."
"You know, Ty. You look cuter when you smile. Kaya bawas-bawasan mo na ang pagsimagot at pagtataray mo."
Nag-angat siya ng tingin kay Colin. "Alangan namang ngumiti ako ng walang dahilan? Eh di nagmukha naman akong sira no'n."
"You have a point. Bakit ka nga naman ngingiti ng walang dahilan, 'di ba? Then, I'll make you happy, so you'll always smile!" Napaka-inosente ng pagkakasabi nito na para bang gano'n lang kadali 'yon.
"Ano naman ang magagawa ng isang manyak na gaya mo para masaya ako? I told you. I won't have sex with you."
Sumimangot ito na para bang nasaktan sa mga sinabi niya. "I know I'm good in bed, pero hindi lang naman 'yon ang alam kong paraan para magpasaya ng mga babae. Kailan pa bumaba ng ganyan ang tingin mo sa'kin?"
Napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan si Colin. Napalitan ng sakit ang dating sigla sa mga mata nito. Nakonsensiya siya. Totoong may pagkapalikero at pilyo ito, pero alam niyang hindi iyon ang buo nitong pagkatao. Naalala tuloy niya kung gaano ito kabait sa kanya noon...
Hinila niya sa buhok ang babaeng malakas ang loob na sabunutan siya. "Hindi mo ba alam na bagong rebond ang buhok ko?!" galit na sabi niya sa babae na sumisigaw sa sakit dahil halos matanggal na niya ang buhok nito sa anit nito.
Hinila ng kaibigan ng babae ang buhok niya mula sa likuran, saka naman siya sinipa sa sikmura ng isa pa.
"Tyra!"
Hindi niya alam kung anong nangyari pero may mabigat na bagay na dumagan sa kanya. Dahil sa bagay na 'yon ay hindi na siya tinamaan ng mga sampal, kalmot at sipa ng mga babae. Nang umalis na ang mga babae ay saka lang niya napagmasdan ang bagay na nakadagan sa kanya – si Colin.
"Colin, hindi na ko makahinga!" reklamo niya.
Mabilis na bumangon si Colin. Hinila siya nito patayo. "Pasensiya na. Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" nag-aalalang tanong nito.
"Ayos lang ako. Tumalikod ka," utos niya rito.
Nagtaka man ay tumalima pa rin si Colin sa kanya. Napangiwi siya nang makitang bumakat ang footprints ng mga babae sa puting polo ng binatilyo. Inangat niya ang damit nito. Lalo siyang napangiwi nang makitang namumula na ang likod nito.
"Kaya ko naman ang sarili ko eh!" iritadong wika niya rito.
Pumihit paharap sa kanya si Colin. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. "Hindi naman puwedeng wala akong gawin habang nakikita kong sinasaktan ka."
Natameme siya. Sanay na siyang siya lang ang nagtatanggol sa sarili niya, pero ng mga sandaling iyon, bigla siyang natuwa na may isang tao na nag-aalala ng gano'n para sa kanya.
Kinurot niya ang matatambok na pisngi ni Colin. "Sira-ulo ka. 'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag mo kong papakialamanan sa mga ginagawa ko bilang soro queen? Bakit ba kasi pinagtanggol mo pa ko?"
"Kaibigan kita kaya hindi naman kita puwedeng iwanan na lang basta."
Again, she was touched. Sa mga sandaling si Colin ang kasama niya, tila ba nagiging normal ang buhay niya. Hindi man niya aminin, gusto niya ang kapayapaang naibibigay ni Colin sa kanya.
Bumuga siya ng hangin. "Ibang klase ka rin 'no? 'Yong mean sorority queen at anak pa ng nakakulong na congressman ang napili mong maging kaibigan."
"Speaking of your father –"
"Okay lang ako, Colin," sansala niya sa sinasabi nito. "Kahit nakakulong si Daddy, maayos pa rin ang buhay ko dahil hindi naman na-freeze ang assets namin. Nakuha ko na rin ang mana ko mula kay Mommy nang mamatay siya last year. Isa pa, may mga lolo't lola pa rin ako."
Tila nakahinga ito ng maluwag. "I'm glad to know that you're stable financially."
Natawa siya. "Bakit? Kung sakaling hindi, bubuhayin mo ba ko?"
"Oo."
Nilingon niya ito. Seryosong-seryoso ito. "Paano mo naman gagawin 'yon?"
May dinukot itong kung ano sa bulsa niya. Pagkatapos ay inabot nito sa kanya 'yon. "Ito ang bank book ko. May malaki-laking ipon na rin ako mula sa allowance na binibigay nina Mommy at Daddy sa'kin. Kapag naubos 'yan, 'wag kang mag-alala. Nakahanap na ko last week ng trabaho bilang service crew sa HappyChic. Akong bahala sa'yo."
"What?"
He smiled bashfully at her. "I want you to be happy, Tyra. Ayokong nahihirapan ka. Kaya gusto kitang protektahan at alagaan."
Napangiti na lang siya. Hindi niya aaminin kay Colin, pero napapasaya na siya nito.
"Colin, I'm sorry," sinserong sabi niya kay Colin.
"Huh?"
"I'm sorry," pag-uulit niya. "Let me make it up to you."
Sumandal ito sa kinauupuan nito saka ito humalukipkip. "Pa'no mo gagawin 'yon?"
Pinakita niya rito ang pinagkakaabalahan niya sa laptop niya kanina. "Look. Naghanap ako ng magandang culinary school para sa'yo."
Napakurap si Colin. "Culinary school?"
"Yep. Sayang naman kasi ang husay mo sa pagluluto kung hindi mo gagamitin."
"Ayoko nang mag-aral uli," sabi nito, pero lumipat din naman ito sa silya sa tabi niya at sinilip ang nasa laptop niya. Pumito ito nang makita ang facilities ng culinary school na napili niya. "Cool!"
"Nag-o-offer ang school na 'to ng six-months hanggang two years na training. Pagkatapos no'n, bibigyan ka nila ng certificate. Hindi ko alam kung bakit tambay ka ngayon, pero mas okay siguro kung may pagkakaabalahan ka na puwede mong pagkakitaan balang araw. Nag-inquire na ko kanina sa school na 'yan at maganda ang schedule nila. Half-day lang. Sa gabi na lang natin ipagpatuloy ang pagmomodelo mo sa'kin since malapit naman na matapos ang pagpipinta ko sa'yo." Napaisip siya. "If you're worried about the tuition fee –"
"I've been kicked out of my job recently, but I'm still financially stable," sansala nito sa sinasabi niya. "Hindi naman pera ang problema ko. It's just that... I gave up on my dream of becoming a chef a long time ago. After I graduated from college, sinabak na agad ako ni Dad sa kompanya.
Dahil sa pagiging busy ko sa trabaho ko, nakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa pagluluto. Isa pa, tinigilan ko na 'yon simula nang bastedi –" Umiling-iling ito. "Hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik 'yong dating Coli –" Natigilan ito sa pagsasalita nang subuan niya ito ng spaghetti.
"Nakikita kong may pagmamahal ka pa rin sa pagluluto hanggang ngayon. Bakit hindi mo subukan uli?"
Matagal itong nakatitig lang sa kanya. "Tyra, masaya ka ba kapag kinakain mo ang mga niluluto ko para sa'yo?"
Tumango siya. "Oo naman."
Para bang tinimbang nito ang mga sinabi niya. Sa huli ay napangiti ito. "All right. I'll give it a try again."
BINABASA MO ANG
My Favorite Bully
RomanceColin is in love with Tyra, always has been and always will be. Simula pa lang no'ng matabang teenager pa siya hanggang ngayong hunk na siya, ito pa rin ang babaeng gusto niyang makasama. Pero aloof sa kanya si Tyra kahit alam naman niyang gusto rin...