"TYRA! I can't breathe!"
Napayuko na lang si Tyra nang pagtinginan siya ng mga kasama niyang estudyante sa bilihan ng uniporme sa loob ng culinary school. Pumasok siya sa loob ng fitting room kung saan nagsusukat ng uniporme si Colin. Binatukan niya ang binata pagpasok niya.
"Aray!"
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Bakit ka ba kasi sumisigaw?"
"Ang sikip kasi nitong size na binigay mo sa'kin," reklamo nito.
Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Hapit ang suot nitong puting uniporme na may itim na mga butones sa gilid, gaya ng suot ng mga chef. Mukhang masikip nga 'yon dito. But he looked good in that outfit since his well-built body was emphasized. Mas mukha itong modelo kaysa estudyante.
Estudyante.
Lihim siyang napangiti dahil sa salitang iyon. Kahapon nag-enroll si Colin sa culinary school. Ngayon ay bumalik sila sa eskwelahan para bumili ng uniporme nito.
"Hubarin mo na 'yan. Sukatin mo na lang 'yong isang size," sabi niya rito.
"Okay," sabi nito, saka tinanggal ang mga butones ng uniporme.
Nabagalan siya rito kaya siya na ang nagtanggal ng mga butones nito. Dahil sa ginawa niya ay nagkalapit sila ng husto ni Colin. Nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya kaya hindi siya nagkakamaling mag-angat ng tingin dito.
"Tyra," malambing na tawag ni Colin sa kanya.
"O?"
"Thank you kasi ngayon, ikaw naman ang nag-aalaga sa'kin."
Nag-angat siya ng tingin dito. "Hindi kita inaalagaan."
Ngumiti lang ito. 'Yong klase ng ngiti na puro at walang ipinapahiwatig kundi kasiyahan lang. "Because of you, my childhood dream of becoming a chef will turn into reality soon. Dahil sa'yo, pakiramdam ko bumalik ng ten percent ang kainosentihan ko."
Natawa siya. "Sira."
"Tyra, I think I'm falling for you again," sinserong sabi nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Dala ng pagkataranta ay basta na lang niya pinunit ang uniporme ni Colin. Nagsiliparan ang mga butones niyon. Higit sa lahat, nalantad sa harap niya ang maputi, makinis at matipunong dibdib ng binata.
Shit.
Natawa si Colin. "Ang wild talaga ng tigress ko," sabi nito, saka ginalaw ang mga kamay nito na gaya ng mga sa tigre. "Rawr."
"Tse."
Tinalikuran niya ito, pero hindi pa siya nakakalayo ay niyakap na siya ni Colin mula sa likuran. Wala na siyang nagawa kundi ang sumandal sa matatag nitong dibdib.
"Thank you for coming back into my life, Tyra," masuyong bulong ni Colin, saka siya hinalikan sa tuktok ng ulo niya bago siya nito pinakawalan. "Pakikuha na lang ako ng bagong uniform."
Tumango lang siya, saka wala sa sariling lumabas ng fitting room. Ang daming gumugulo sa isip niya, gaya ng kung totoong nahuhulog uli ang loob ni Colin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit pero nagulantang talaga ang puso't isipan niya sa mga sinabi nito. Nakikigulo pa ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya.
Magulo pa ang estado ng pag-iisip niya nang mag-ring ang cell phone niya. Sinagot niya 'yon nang hindi tinitingnan ang caller ID.
"Tyra," malambing na bati sa kanya ng lalaki sa kabilang linya.
Mabilis na bumalik sa huwisyo nang marinig ang boses na 'yon. "Dylan?"
***
"TYRA, we're home."
Nilingon ni Colin si Tyra nang hindi ito sumagot. Nakatulog na pala ito sa passenger's seat. Himbis na gisingin ito ay nakangiting pinagmasdan na lang niya ito. Dahan-dahan niyang in-adjust ang upuan para makahiga ito ng maayos. Hinubad niya ang jacket niya at maingat na pinatong iyon sa katawan nito. Mayamaya na lang niya ito gigisingin.
Masuyong hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ni Tyra. Napabuntong-hininga na lang siya. Bakit ba ang dali para sa kanya na patawarin ito at kalimutan ang pananakit nito ng damdamin niya noon?
Oo, nakakatawa pero kahit anong pilit niya sa sarili niyang magalit kay Tyra, isang ngiti lang nito ay nakakalimutan na niya ang lahat ng hinanakit niya. Hindi pa nga ngiti, eh. Isang tingin lang nito sa kanya, bawing-bawi na ito.
And yes, that makes me a loser.
Pero kung ang kahulugan naman ng pagiging talunan ay ang makasama si Tyra araw-araw, eh di siya nang loser.
Nang sabihin niya kanina kay Tyra na sa palagay niya ay nahuhulog na ang loob niya rito uli, hindi siya nagbibiro. Hindi naman kasi niya ito nakalimutan sa nakalipas na walong taon. Kung nasaktan man siya nito noon, hindi nito kasalanan 'yon dahil lang hindi sila pareho ng nararamdaman no'n. Isa pa, may buti rin namang naidulot ang pagtanggi nito sa pag-ibig niya noon. Nagkaroon siya ng motibasyong magpapayat, at masaya na siya sa pisikal niyang anyo ngayon.
Pero hindi na mahalaga 'yon sa kanya. What important was she was back in his life. And he would make sure she would stay for good this time.
Binigyan niya ng magaang na halik sa pisngi si Tyra. "Goodnight, my baby."
BINABASA MO ANG
My Favorite Bully
RomanceColin is in love with Tyra, always has been and always will be. Simula pa lang no'ng matabang teenager pa siya hanggang ngayong hunk na siya, ito pa rin ang babaeng gusto niyang makasama. Pero aloof sa kanya si Tyra kahit alam naman niyang gusto rin...