12th Chapter

3.4K 122 4
                                    

MAGANDA ang gising ni Colin kanina dahil pagmulat pa lang niya ng mga mata niya ay ang magandang mukha na ni Tyra ang agad na sumalubong sa kanya. Pagkatapos, para itong maamong tupa dahil hindi siya nito sinungitan. Ngayon naman, isinama siya nito sa pagsha-shopping nito. Nasa fitting room ang dalaga habang siya naman ay tumitingin-tingin ng damit na bibilhin niya para rito. Balak niya itong bilhan ng dress nang hindi nito alam, saka niya ito aayain ng date.

"Colin?"

Nalingunan niya si Adrian, ang pinsan niya sa father side. "Adrian. I didn't expect to see you here."

"Neither did I. Anyway, this boutique is Mia's," proud na sabi nito na ang tinutukoy ay ang nakababata nitong kapatid.

"Wow. Hindi ba't kaka-graduate lang ni Mia ng kolehiyo last year?"

"Yes. Sa Paris siya nagtapos ng Fashion Designing. Nakilala agad ang pangalan ng kapatid ko sa fashion industry, kaya nag-hit itong shop niya. She's very successful at a very young age."

Ngumiti lang siya.

"Mana sa kuya," pagpapatuloy ni Adrian. "Maganda rin ang takbo ng wine brewery ko. In fact, may kausap na kong kliyente sa Europe na gustong i-export ang wine ko. Ikaw, kumusta ka? I heard Tito Clarence kicked you out of the company."

Gusto niyang ngumiwi. "Ah... true."

Bumakas ang simpatya sa mukha nito. "That's very unfortunate." Dinukot nito mula sa breast pocket nito ang isang calling card at inabot iyon sa kanya. "Call me if you need a job, Colin. Hahanapin kita ng posisyon sa kompanya ko."

Okay. His pride was downright bruised. "Hindi ko kaila –"

"You're with your girlfriend?" sansala ni Adrian sa sinasabi niya. Halatang nag-e-enjoy ang walanghiya sa pangmamaliit at pang-iinsulto sa kanya. "The clothes here are very expensive. Don't worry, Colin. Ipakuha mo lang sa girlfriend mo ang magugustuhan niyang damit, ako nang bahala sa pagbabayad."

Ang kapal ng mukha ng gagong 'to para alukin siyang bayaran nito ang ipapamili ni Tyra! "Adria –"

"Who said Mr. Arellano is jobless?"

Sabay silang napalingon ni Adrian sa nagsalita – si Tyra! Hindi niya namalayang nakalabas na pala ito ng fitting room. She looked so beautiful and so elegant in her black dress paired with a sophisticated black coat.

"And you are..?" tanong ni Adrian kay Tyra.

"Tyra Penelope Lopez," taas-noong sagot ni Tyra kay Adrian.

Napansin ni Colin na natigilan ang mga customer sa loob ng boutique at gulat na napatingin kay Tyra.

"The famous nude painter?" excited na tanong ng isang ginang.

Tumango lang si Tyra.

"Oh my God! I'm a fan!" patiling sigaw ng ginang. Lumapit ito kay Tyra. "I went to your art exhibit in Paris last year and I bought three of your paintings!"

Pinirmahan ni Tyra ang papel na inabot ng ginang dito. "Thank you, Ma'am."

Hindi nagtagal ay lumapit na rin ang iba pang tagahanga ni Tyra na nasa boutique na 'yon. They all asked for her autograph. Napangiti si Colin. He felt so proud of Tyra.

Tiningnan siya ni Tyra na para bang humihingi ito ng tulong sa kanya dahil lalo pang kumakapal ang mga tao sa paligid nito. Lumapit siya kay Tyra at inabot niya rito ang braso niya. Umabistre naman si Tyra sa kanya.

"Everyone, I would like to introduce to all of you the star model of my next art exhibit," nakangiting sabi ni Tyra, saka lumingon sa kanya. "Mr. Colin Lincoln Arellano."

Lalong nagkagulo ang mga tao sa labis na excitement. Nagkislapan na rin ang mga camera.

Gulat na nilingon si Colin ni Adrian. "You're modelling for a world-renowned artist?"

Napangisi si Colin. Priceless ang matinding gulat at inggit na gumuhit sa mukha nito. "Who said I'm jobless anyway? Padadalhan na lang kita ng imbitasyon sa art exhibit ni Miss Tyra. See you soon, 'insan."

Nagpaalam na sila ni Tyra sa mga tao. Habang naglalakad sila ay nanatiling nakaabistre ang dalaga sa braso ni Colin. Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi niya, lalo na nang maalala niyang madalas din siyang ipagtanggol ni Tyra noon mula sa mga bully.

"Tyra?" malambing na tawag niya rito.

"Hmm?"

"Rawr. Rawr. Rawr."

"Magsalitang-tao ka nga, Colin."

Ngumiti lang siya. Sa salitang "tigre" na imbento niya, ang ibig sabihin niyon ay 'I love you.'


***

NAPANGITI si Tyra nang makakuha siya ng wishbone mula sa toasted chicken na kinakain nila ni Colin no'n sa Max's.

"Colin, I found a wishbone. Make a wish," sabi niya rito.

Uminom muna ito ng iced tea bago sumagot. "You found it. Ikaw dapat ang mag-wish."

"Gano'n ba 'yon?"

"Oo naman."

"Okay." Pumikit siya at humiling sa wishbone bago niya iyon nilagay sa plato ni Colin. "Nag-wish na ko kaya itago mo 'yan."

"Bakit ako?"

"Para sa'yo kasi ang wish ko."

"Talaga? Ano naman ang w-i-n-ish mo?"

Ngumiti siya. "I wished na sana, soon, makakain na ko sa restaurant mo."

Natigilan ito, napakurap. "You're making me cry, Tyra."

"Bakit?"

"Masaya lang ako dahil sa tiwalang ibinibigay mo sa'kin." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "For five years, I was a mess. But then you came back into my life. You brought out the best in me, and you're turning me into a better person now. I'm finally becoming the person I wanted to be. So, thank you, Tyra. Thank you."

Ewan ba niya kung bakit naging emosyonal siya. Like Colin, she was a mess too. She lived in pain and guilt for the past eight years. But then, Colin came back into her life. He made her feel like he needed her.

"Thank you too, Colin," halos pabulong na sabi niya.

"For what?" nagtatakang tanong nito.

Umiling siya. "Basta. Thank you lang. Rawr. Rawr. Rawr."

Natawa ito. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan sa salitang tigre natin?"

Umiling siya. "May ibig sabihin ba 'yon?"

"Oo."

"Ano?" tanong niya bago siya uminom ng iced tea.

"I love you."

Nabuga niya ang inumin sa mukha ni Colin sa labis na pagkabigla.

My Favorite BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon