Chapter 5:

10 0 0
                                    

Tapos na kaming maghanda ni Khei. Sabado ngayon at pupuntahan namin si Tara sa kanila. Kinakabahan nga si Khei eh baka daw makita niya duon si Joash. Mas maganda yun diba at masabi na ni Khei yung nararamdaman niya sa kanya. Naglalakad na kami ngayon. 5 street bago yung bahay nina Tara at madadaanan din namin yung bahay ni Gavin. Syempre hindi ko muna siya pupuntahan ngayon kasi kasama ko si Khei. Di parin niya kasi alam na magkaibigan na kami ni Gavin at minsan din akong napapasyal sa kanila pero laging wala yung parents niya at yung dalawang kapatid. Lagi daw out of town. Parang sina Mom at Dad lang pero may time naman daw sa kanya parents niya. Buti pa siya.

Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nina Tara. Hinawakan ko ang kamay ni Khei at halatang kinakabahan siya. Ako na nag doorbell para sa kanya. Baka umatras pa to. Pinagbuksan kami ng isang katulong.

"Si Tara po nandyan?" Tanong ko at sabi ng maid nila ay nasa pool area. Pumunta naman kami don. Nandon si Tara with Joash at iba pa nilang kaibigan. Napaatras naman si Khei.

"Hey!" Tawag ni Janson. Yung captain ng varsity sa school. Ngumiti lang ako sa kanya. Friend ata ni Joash si Janson eh kaya nandito.

"What are you doing here?" Tanong ni Tara sabay abot sa towel niya at nagpunas ng buhok.

"My friend wanta to talk to you" sabi ko at tumango naman siya pumunta kami sa isang table malayo sa mga kaibigan nina Tara.

"What is it?" Mataray niyang tanong at nag cross legs.

"Ayoko ng gawin yung dare" sagot naman ni Khei. Ganyan nga bestfriend kaya mo yan.

"What!? We had our deal right? Hindi kita ilalakad sa kapatid ko" sabay ismid sa amin. Aba!

"Its okay she don't need it" mataray din na sabi ko sa kanya.

"Okay. Edi tapos na bahala ka Khei. Wag ka ng lalapit sakin" sabi niya at tumayo. Tumayo na din kami ni Khei and for the last time sumulyap kami kina Joash at may kahalikan siyang babae. Nagulat ako at mas nagulat si Khei. Tatawa tawa naman si Tara. B*tch talaga. Tumakbo bigla si Khei at hindi ko na siya hinabol. She needs her time alone. Paglabas ko ng bahay nina Joash wala na si Khei. Hayy iiwan talaga ako nun. Sabagay broken siya. Mamayang gabi ko na lang siya aaluin.

Habang naglalakad ako nakita si Gavin naglilinis ng sasakyan. I think sa kanya yun kaso di niya ginagamit kasi mas gusto niyang naglalakad. Ng mapansin niya ako ay kumaway ako sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Where have you been? Diba duon yung bahay niyo?" Tanong niya sabay turo sa may kanto namin tumango naman ako.

"Tinulungan ko lang yung bestfriend ko dun. Tulungan na kita?" Tanong ko at ngumiti naman siya. Tinulungan ko siyang hugasan yung sasakyan niya at agad naman kaming natapos. Nag miryenda muna kami sa kanila at ang daming pagkain.

"My siblings are here today and I want you to meet them" sabi niya sabay ngiti.

"Wow! Ang tagal ko ng gustong makita yung mga kapatid mo" natutuwang sabi ko kay Gavin.

"Well yeah. They're bit annoying and noisy" sabi niya habang natatawa. Pagkatapos naming kumain ay umakyat kami sa kwarto niya. Nandun daw mga kapatid niya. Naririnig ko na sila sa labas palang ng kwarto. Binuksan ni Gavin yung pinto at may babae at lalake na 13 years old ata at mukhang kambap sila.

"This is dalandan and calamansi" natatawang sabi ni Gavin. Nagulat naman ako.

"Kuuuyaaaa!!" Sigaw ng dalawa. Tumawa naman kami ni Gavin.

"Joke lang hehe. Si Lychee atyaka si Longan. Kung gaano ka weird yung name nila ganon din sila" sabi ni Gavin at pumasok na kami sa kwarto niya naupo naman ako sa sofa at siya naman ay binuksan ang tv.

Caught by YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon