Chapter 1:

10 0 0
                                    

"Boo its impossible"sabi ko habang ini stalk namin si Rosh. I've freaking even ditch my class for this freaking deal. Bakit impossible? Nakilala ko na si Rosh. Ang hirap niyang bingwitin bes. He's so perfect tapos super sungit niya. Ganito kasi nangyare kanina

*flashback*
Papunta kami ngayon sa garden sa likod ng school. Doon daw yung tambayan ni Mr. Perfect. Habang papunta kami don may nakasabay kaming babae. Wait, Andrea yun ah. Isa sa mga cheerleader sa school. Mga famous na mga bully pero mabait daw yan sabi ni Khei. Chismosa kasi tong babaeng to eh.

"Uyy! Boo si Andrea Antonio yun diba?"tanong sa akin ni Khei. Tumango naman ako. Actually nagtatago na kami ngayon kasi malapit na kami sa garden. Papalapit naman si Andrea dun sa may puno. Ayy! Si Rosh yun ah? Naka headset siya habang nagbabasa ng libro at papalapit naman sa kanya si Andrea.

"Boo. Tignan mo" sabi ko kay Khei. Tutok na tutok naman kami sa kanila.

"Boo I think magco confess si Andrea. What do you think?" Sabi ni Khei. Let's see kung magco confess nga ito.

"Ahm. Rosh"sabi ni Andrea at napatingin naman si Rosh sa kanya "Uh- I just want to say that-uhm- i really like you" mukhang kinakabahang sabi ni Andrea Antonio. Khei is right nag confess nga si Andrea.

"So?" Sungit! Napaka sungit ni Rosh. Ang ganda na ni Andrea niyan ah?? Grabe!

"Ayy kapal" bulong naman ni Khei sa tabi ko.

"I just want-uh- i just w-want you to be my b-b-boyfriend" utal na sabi ni Andrea. Ano yun? Nagpo propose? What the freak?

"I don't want to" sabi ni Rosh at binalik ang mata sa binabasa. Aww rejected si Amdrea.

"But why!?" Napasigaw na si Andrea sa gulat. Kahit naman siguro ako magugulot no. Almost perfect na din si Andrea kaso lang mababa sa acads kaya di pasado kay Rosh. Ganon nga siguro. Pihikan kasi siya.

"Cause you're ugly and i don't really know you so don't bother me anymore"sa sinabi ni Rosh ay napahagulgol ng iyak si Andrea at naglakad palayo. Agad naman kaming nagtago ni Khei. Baka makita kami na Andrea Antonio. Mahirap na.

*end of flashback*

"Boo nakita mo naman diba? Ang ganda na ni Andrea pero rineject parin siya ni Rosh. Pano na lang ako?" Sabi ko at napasubsob sa desk ko.

"Okay lang yan boo. Kaya mo yan para sakin din naman to diba?" Sabi niya at nagpa cute sakin. Kainis to ah.

"I know sobrang guwapo niya pero grabe sa kasungitan boo! Hustisya ha? Kahit alam kong may karapatan siya. Kawawa si Andrea kanina. Pano na lang ako niyan?" Yumakap naman sakin si Khei.

"Gumawa tayo ng plano?"tanong niya. Actually, matalino si Khei pero mas matalino ako sa kanya tamad lang sa acads kaya mas nage excel siya kesa sa akin. Okay lang naman yun kasi si tita Tamara lagi na lang niyang kino compare si Khei sakin kaya laging galit si Khei kay Mommy niya. Ngayon hindi na masyado kasi parang naging kulelat ako sa school.

"Anong plano naman Khei?" Tanong ko. Seryoso na kami. Para kay Khei at Joash. Gagawin namin lahat para sa kanilang dalawa.

"Di ko pala alam eh hehe. Stalk muna natin siya?" Tanong niya at napatango naman ako.

-----

*riiiiiiiinngg*

Uwian naaaaa!! Dali dali akong nagligpit ng mga gamit ko at lumapit naman sakin si Khei at ready na siyang umalis.

"Boo dalian mo!" Sabi niya "iistalk pa natin si Rosh" bulong naman niya. Madami kasing chismosa't chismoso sa section namin. Mahirap na baka pagkalat pa nila na may gusto ako kay Rosh. Eew no! Sobrang sungit. Anong nagugustuhan ng mga babae sa kanya!

Naglalakad kami ngayon at naglalakad din si Rosh. Wait! Alam ko tong village na to ah?

"Boo dito tayo nakatira" sabi ko habang natatawa.

"Sshh! Astrid wait lang. Wag kang maingay mapapansin niya tayo" sabi naman ni Khei. Natatawa ako kasi ka subdivision lang namin si Rosh pero di ko alam. Dalawang kanto muna sa amin ay yung bahay nina Rosh and oh wow! Sobrang laki ng bahay nila. No its a mansion. Kulang ang salitang bahay sa tinitirhan niya.

"Ang yaman nila boo" bulong sa akin ni Khei habang nakatago kami sa may malaking bush malapit sa bahay nina Rosh.

"Alis na tayo boo. Nalaman na din natin yung bahay niya" sabi ko at sumang-ayon naman si Khei. Habang naglalakad kami pauwi naisip ko si Rosh. Alam ko na bakit nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. Matalino siya, guwapo, matangkad, matipuno ang katawan, sobrang yaman. Paano ko kaya magagawa ang dare ni Khei? Gusto ko siyang tulungan kasi 2 years na niyang gusto si Joash pero wala parin nangyayare sa kanila. Di man lang umuusad relationship nila. I mean hanggang ngayon friends parin sila.

"Una nako boo" sabi ko sabay halik kay Khei. Magkatabi lang kami ng bahay. Pagpasok ko sa bahay sumalubong agad sakin si Manang. Wala nanaman si Mom. Busy nanaman sila ni Dad. Nakakalungkot lang kasi lagi na lang akong magisa dito sa bahay kaya nga madalas ako kina Khei eh okaya pinapapunta ko siya dito.

"Hello, hija, kamusta eskwela?" Tanong ni Manang Fina habang sinasabayan akong maglakad papuntang kusina.

"Ayos lang po Nang. Wala po ba sina Mom?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Laging busy sina Mom and Dad sa trabaho. Halos wala na silabg time sa akin. Madami nga kaming pera parang wala naman akong magulang. Buti na lang nandyan si Khei at Manang Fina. Ai Manang Fina kasi siya yung nagalaga sakin magmula bata ako kasi matagal ng busy sina Mom.

"Wala eh. Kain kana muna. Pinagluto kita ng paborito mo" tumango ako at kumain na lang.

Kinagabihan, habang patapos nakong gumawa ng homework naisip ko na i stalk sa social media si Rosh. Pandagdag impormasyon. Kinuha ko ang laptop ko at una ko siyang sinearch sa FB.

"Rosh Gavin Otara" bulong ko habang nagta type sa search bar. Pura fanpage lang ang lumitaw and wow 1k ang likes niya ah. Madami na yun.

"Rosh Otara" search ko ulit kasi wala akong nakitang account. Puro fanpage parin at ang picture ni Rosh ay puro stolen lang lahat.

"Gavin Otara" gosh wala parin. Ano to di siya nage fb? Nakaka stress ha.

"Otara Gavin" and their. Deym! Nakita ko din muwahahaha you're so brilliant Astrid ililibre kita ng ice cream mamaya. Inistalk ko ang FB niya. Actually wala siyang profile eh. Nalaman ko lang na siya yun kasi dun sa mga pic nila ng family niya naka tag siya.

=Add Friend= and there. Na add ko siya ng di sinasadya na sinasadya. Hahahaha ang talitalino ko talaga.

After that natulog nako kasi 6:30 ang pasok ko bukas. Malapit na kitang makilala Mr. Rosh Perfect.

Caught by YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon