Chapter 4:

6 0 0
                                    

Nagising ako sa tawag ni Gavin sa akin. Umayos ako ng upo at kinusot kusot ang mga mata. OhMaGosh baka ma late na kami. Napatayo ako. Napatingin sa relo. May 5 minutes pa pala. So 10 minutes palang akong nakatulog. Akala ko huli na kami. Kinabahan ako doon. Tumayo na din si Gavin.

"We still have time but i need to wake you up kasi malayo pa yung open field dito sa garden" sabi niya at nagumpisa ng maglakad. Nag worry naman tuloy ako sa balikat niya. Alam kong mabigat yung ulo ko no.

"Sorry. Masakit ba yung balikat mo?" Tanong ko at sumunod sa kanya.

"No, its okay. Its bearable" sabi niya sabay ngiti. Okay nako. Di na pagod kasi naka idlip naman kaso medyo masakit yung ulo ko kasi naalimpungatan. Pagpunta namin sa field konti palang yung mga nandun at andun narin si Khei. Kumaway naman siya sa akin at nagulat dahil partner ko si Gavin. Madaming tanong nanaman ang sasagutin ko mamaya. Linabas na namin ni Gavin yung mga flags na nakuha namin at na shock sila kasi kami daw yung may pinaka marami sa ngayon kasi naghahanap pa yung iba. Yung iba naman kakuha nila sa flag nila bumalik na sila dito. Natagalan naman daw yung iba kaya isa lang ang kinuha ang iba dalawa wala akong nakitang may dalang 3 flags.

Pagkatapos ng 5 minuto bumalik na lahat sa pwesto. Yung iba walang dalang flag. Kawawa naman sila. And kami lang yung may pinaka maraming flag. Yeheyy!! Sina Khei dalawa lang yung nakuha nila. Partner niya si Janson. Yung captain ng varsity namin. Gwapo atyaka matalino. Bat di nalang kaya siya yung maging crush ni Khei. Suplado kaya ni Joash sa totoo lang. Masyado siyang study centered. Ang dami pa niyan extra culicular activities. Nagmumukha tuloy siyang sipsip sa mga teachers. Buti pa si Gavin tahimik lang atyaka matalino talaga di na kailangan extra culicular activity.

"So ang nanalo ay ang blue team total of 15 flags. 13 flags ang nakuha nila at may plus 2 points sina Astrid at Rosh kasi sila yung may pinaka maraming flags na nakuha. Bale yung grade nilang dalawa sa PE is 98 and the rest of the blue team is 96 tapos yung red team grade nila ay 90. Okay that's all for today pwede na kayong mag break" sabi ni sir sabay alis. Nagpaalam na din ako kay Gavin kasi pupuntahan ko pa si Khei. Mamamatay yun pag wala ako. Hahaha joke lang. Masyadong OA.

"Uyy boo ah. Parang wala kang sinasabi sakin" sabi ni Khei sa akin at malisyoso akong tinignan. Tignan mo tong babaeng to.

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko habang papunta na kami sa locker room. Kukunin yung uniform namin.

"Close na close na agad kayo ni Rosh?! OMG baka kayo na? Sana nga boo at masabi ko na kay Tara at ilakad niya ko sa kapatid niya. Alam mo naman si Joash napaka suplado parang si Rosh" di naman talaga suplado si Gavin eh. Namimili lang siya hahahaha.

"Anong pinagiisip mo dyan no? Naka partner ko lang kanina ganyan na agad yung iniisip mo" sabi ko habang kumukuha ng uniform sa locker.

"Nae excite lang naman ako boo eh. Pasensya na" sabi niya sabay lapit sakin at todo ngiti. Parang baliw pero napapangiti din ako. Ang cute cute kasi ni Khei eh lalo na may dimples siya.

"Pwede naman nating kausapin si Joash ng hindi dumadaan kay Tara ah? Wag na nating gawin yung dare niya Khei kasi ang hirap talaga eh" sabi ko at naglakad na kami papuntang shower room. Maliligo lang kami.

"Ano ba yan Astrid. Kilala mo naman si Joash diba?" Malungkot na saad ni Khei.

"Gagawan natin ng paraan okay? Kesa yung dare ni Tara ang gawin natin at halata naman na tagilid pa kasi kilala ko si Tara boo eh. Masyadong b*tch yun. Ewan ko ba at nagtitiwala ka dun. Pwede naman nating kausapin si Joash at sabihin yung nararamdaman mo diba? Kesa dumaan pa kay Tara. Pano pag di niya ginawa yung pinangako niya? Talo ka talo din ako kasi bestfriend kita. Kausapin mo na lang si Tara na wag na tapos si Joash naman. Okay?" Tumango naman si Khei.

"May point ka boo. Dapat di ko na lang pinagkatiwalaan si Tara eh. Hayy, masyado kasi akong na excite dun sa offer niya di muna ako nagisip" sabi niya at yumakap sakin.

"Sa ngayon kausapin na muna natin siya" sabi ko at naligo na kami.

Weeks had passed. Di parin namin nasasabi kay Tara yung pakay namin. Ang ilap niya kasi lately atyaka laging absent so sa sabado na lang namin siya kakausapin. Pupuntahan namin siya sa kanila malapit lang naman yung bahay niya sa bahay namin. Friday night ngayon natutulog na si Khei. Nandito siya ngayon sa amin. Dito muna daw. Hinayaan ko na. Inaantok na din naman ako. Hayaan ko na muna yung issue niya. Gusto ko na lang munang magpahinga. Ang haba ng araw namin ngayon kasi ang daming ginawa. Nakaka exhaust.

Caught by YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon