Ika-limang Kabanata

12 1 0
                                    

*Ysabelle Marie Gonzales' POV*

Waaag!!!!!!! mamamatay ka!!"

Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog nang biglang sumigaw si Felipp. Bumangon agad ako mula sa pagkahiga at lumingon kay Felipp na naka curve ang posisyon sa pag-higa at higpit na hawak ang kanyang ulo. Umiiyak. Nag-aalalang inalog ko siya sa kanyang braso, "Hoy,Felipp gising!",hindi parin siya nagising kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay mas linakasan ko na ang pag-alog sa kanya.

"Felipp? Felipp? ok ka lang? ",sa wakas ay na imulat na niya ang mga mata niya,ngunit laking gulat ko nang bigla niya ako yinakap. Hindi ito isang yakap na normal kundi isang napaka higpit na yakap na para bang mamamatay na ako. Hindi ako maka hinga.

"T-teka Felipp?! hindi ako makahinga! bitawan mo nga ako!" ,dahil sa sinabi ko binitawan niya ako, tumingin siya ng seryoso sa aking mga mata at may sinabing ikinagulat ko.

"Isay.. Maliwanag na sa akin ang lahat. Ang boses ng babae na lage kong naririnig sa isipan ko,ang babaeng malabo sa ala-ala ko,ang babaeng inibig ko ng mahigit na dalawang libong taon na'ng nakalipas,ang babaeng nagsabing tandaan ko ang tungkol sa mga tala,ang babaeng pinakasalan ko sa mahigit na dalawang libong taon na'ng lumipas,ang babaeng minahal ko,minamahal ko,at mamahalin ko habang-buhay.. ay walang iba, kundi ikaw..

Ysabelle Marie Gonzales,iisa kayo ni Anetha."

Anetha? parang narinig ko na 'yan na pangalan ah? Teka..

"Anetha?"

"Anetha,hindi mo ba natatandaan ang nakaraan natin?"

"Nakaraan?" ,pilit kong ina-alala ang nakaraan na sinasabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit kong hinahanap sa aking nakaraan ang mga pangyayari na malabo pa sa'kn. Katulad ng dati sumakit ang ulo ko ngunit hindi masyado,may nag flash na mukha sa aking isipan. Isang lalake. Isang lalakeng naka luhod sa harapan ko at hinihingi ang kamay ko,at hinalikan ito. Ngunit malabo ang mukha niya sa paningin ko. Binuksan ko ang mga mata ko,nakatitig lang ako sa mga mata ni Felipp.. Habang nakatingin ako sa mata niya at siya sa akin, nagpakita ng mga pangyayari ang anino ng kanyang mga mata.. para bang pumasok ako sa isang sulok ng nakaraan niya.. ang mas nakakabigla pa doon ay ako ang kinakausap niya..

"Maganda ang gabi pag kasama ka"

"Oh ginagamit mo nanaman ang kapangyarihan mo. "

" Haha.. Nagpapasalamat ako na masaya ka pag kasama ako. "

"Bakit? magkakalayo ba tayo?"

"Mahal kong prinsesa,pwede bang maging akin ka na habang-buhay?"

"Sa gabing ito ikakasal tayo"

" Anetha! wag mong gawin 'yan! mamamatay ka!"

"Mahal kita.. "

Bumalik na sa mundo ang pag-iisip ko nang hinalikan ako ni Felipp. Isang matagal at mainit na halik. Ang halik na 'yun ay hindi na bago para sa akin,sapagkat alam kong higit sa dalawang libong taon akong naghintay na mahalikan ulit ang labing ito. Iba't-ibang pangyayari ang mga nakita ko sa mga mata niya sa iba't-ibang pagkakataon.. Ang mga malabong pangyayari na pabalik-balik sa mga ala-ala ko ay biglang naging malinaw. 

Bumitaw na kami sa mga halik namin sa isa't-isa. Nagtama ang mga mata namin.. Nginitian niya ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya.Lumuluha ako sa sobrang kasiyahan na nasa puso ko. Masaya ako dahil natupad din sa wakas ang mga pangakong nabitawan namin noo'y ilang libong taon na ang nakalipas. Alam kong wala nang makakapag-hiwalay sa amin sa mundong ito, at bilang pruweba ay ang mga naka-ukit na puso sa aming katawan.

Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon