*Ilang linggo ang lumipas at hindi naman ako napano. Hindi na nagparamdam sakin yung black cactus kaya peaceful ang pagpasok ko.
Pumasok na si Sir Fabria at nagsimula ng mag discuss about sa history.
"Today we will discuss about the history of our school. So, Montezuma Academy is one of the most famous school for elites here in the Philippines. It came from an Italian word "Montezo" which means elites. There are two types of students. Mont and Ezum. Mont is the students who belongs in rich or elite families while the Ezum are the students who are just scholar. Then ---"
Natigil si Sir nang biglang bumukas ang pintoan. May apat na lalaki sa pintoan.
"Introduce your selves" agad naman silang pumunta sa harap at nagpakilala.
"Andreib Cruz" pagpapakilala niya sabay smile kaya tumili yung mga babae, halatang playboy.
"Sebastian Yap" chinito na may puting buhok.
"Matteo De Joseph" agad naman siyang ngumiti ng malawak. Halatang friendly ang cute na to.
"Xyrus Villaruel" pasan niya ang buong mundo? Lagi kasing nakabusangot.
"Xyrus!" Tawag ko sa kanya nang madaanan niya ako papunta sa upuan niya. Di niya ako pinansin at patuloy siya sa paglakad.
"Pasan mo ba ang buong mundo? Pangit mong tingnan na laging nakabusangot" sinadya kong lakasan yun kaya napatigil siya at agad siyang pumunta sakin at akmang susuntukin niya ako kaso....
Kaso napigilan ko yun.
"Don't you dare lay your hands on my pretty and gorgeous body." halata namang nagpipigil siya sa galit at pumunta na sa upuan niya.
"Baliw ba siya?"
"Patay siya"
"Bakit pa kasi niya ginalit si Xyrus" rinig kong bulongan nila kaya sinamaan ko sila ng tingin at agad naman silang yumuko.
*
Hindi na kami nagpatuloy sa klase kasi bell na kaya nagsilabasan naman sila. Kami nalang ni Xyrus ang natira.Ramdam kong may tatama sa akin kaya agad akong yumuko.
"Atat ka na talaga eh no?" agad akong humarap sa kanya at sinuntok siya sa mukha. Napangiwi naman siya sa sakit.
"You will die as soon as possible" sabi niya at agad niyang tinapon sakin yung kutsilyo. Mabuti nalang at nakaiwas ako pero nadaplisan parin yung braso ko.
"Matatakot na ba ako? Paghandaan mo. Siguraduhin mong mapapatay mo ako kundi ako ang papatay sayo" hindi ko na siya hinintay magsalita at agad akong lumabas ng classroom.
Di pa tayo tapos Xyrus. Asahan mong luluhod at magmamakaawa ka sakin. Para lang di kita patayin.
****
Another update. Vote and comments are highly appreciated. Lovelots!♥
YOU ARE READING
Killing Darkness
AcciónSweet and poison are similar. They can kill you in the end. You are the darkness and he is the light. If you'll let him to be part of your life, you will surely die.