Untold Story 2: Back to You

4 0 0
                                    

9 pm
Kanina pa nag-iingay yung kapitbahay namin. Nagvivideoke, nagpaparty, nagsasaya at ako? Eto sa kwarto nag-aano...

Ano... facebook. Boring eh.

*broom! Broom!*

*arf! Arf! Arf!*

Sht naman! Ang ingay na nga ng kapitbahay namin dadagdag pa sa ingay ang mga aso't mga walang hiyang nagmomotor na to.

Hayst~ buti pa sila may pinagka-aabalahan. Di tulad sakin na nagtutunganga session lang dito sa kwarto ko.

*Arf! Arf!*

*dugdug~*

Napahinto ako sa pagfefacebook at napahawak sa dibdib ko.

I suddenly felt something...

Something strange.

Something familiar.

Someone.

Dali-dali kong sinilip mula sa bintana ko ang gate namin. Kung sino ang napadaan.
Ang dilim sa labas, at maraming tao. Mukhang mga bisita ng kapitbahay namin.

*dugdug~*

Ano ba to? Wala namang kahit anong kakaiba sa labas. Minumulto ba ako?

Di pwede.

Di naman ako takot sa mga dun. So imposible na minumulto ako.

Could it be?

Di pwede!

No! Di maaari! Sayang naman ang future ko! Dami ko pang plano!

Di pa ako pwedeng mamatay! Hell no!

Chineck ko sa google ang mga symptoms ng heart disease.
Wala naman akong mga ganong nararamdaman.

Hayst~ thank you Lord! Di pa ako mamamatay.

Pero kung di ako mamamatay o minumulto... bakit may kakaiba akong nararamdaman ngayon?

Parang di ako mapakali. Parang may hinahanap.

Muli kong sinilip yung mga taong nakatambay sa gate namin.
And right there, I saw something...

A light from a cigarette.

A sillouette of a man.

At nasa harap siya ng gate namin pero...

Di siya tinatahulan ng mga aso namin.

Napahawak ako sa dibdib ko.

*dugdugdugdug*

Mas lumalakas ang kabog neto. And this feeling is getting stronger. Di ko na naiintindihan ang mga nangyayari. I stared at him a little bit more, focusing at his face na baka sakaling maanigan ko kung sino siya.

Bigla siyang gumalaw, it's seems like he's talking to the dogs. Parang close sila dahil mukha namang di threatened yung mga aso. He's even patting their heads! At kumakaway yung buntot nila.

Sino ka?

Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa, his phone. And before I knew it, tumutulo na yung luha ko.

The light coming from his phone flashed upon him, showing his face.

Showing that face.

Napatakip ako ng aking bibig para di ako makagawa ng kahit anong ingay. But my tears were racing down my cheeks.

This feeling, kaya pala familiar. Wala naman akong sensing ability pero nasense ng puso ko na malapit lang siya. Alam ng puso ko na nandito siya.

Humithit ulit siya ng sigarilyo niya, he is still having a conversation with the dogs.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntoldWhere stories live. Discover now